CHAPTER 2 NEW HELPER

2.3K 113 23
                                    

***NIKKO***

Nakatangap ako ng tawag mula sa nanay kagabi na kailangan ko daw siyang tulungan sa kaniyang trabaho.
Laki ako sa hirap at sa pamamasukan ako binuhay ng nanay.

Anak ako sa pagkadalaga at hindi na nagkatuluyan ang mga magulang ko.
Ang alam ko may pamilya na rin ang tatay na nasa America na ngayon.
Wala kaming komunikasyon sa kaniya dahil kinaya naman ng nanay na itaguyod ako ng solo. Sa tulong na rin ng mga lolo at lola ko kaya hindi naman kami ganoon kahikahos sa buhay.

Sapat lang ang kita ng nanay sa pamamasukan at biyaya na lang na laging mababait ang mga nagiging amo niya. Naigapang ako ng nanay kahit vocational lang ng computer studies ang natapos ko at 6 months sa caregiving ay nakakatulong na rin ako financially. Kahit maliit lang sapat na sa amin.

Hindi man kalakihan ang sweldo sa pag a-assist sa ospital sapat na rin para di makabigat sa mga gastusin.

Gusto ko na rin magretire na ang nanay sa papamusakan kaya pumayag na ako na tumulong sa kaniya.
Lalo pa ngayong naaksidente ang paa niya.

Nakarating ako sa subdivision kung saan nagtatrabaho ang nanay. Madali kong natunton ang bahay.

Isang simpleng bahay pero mukhang nakakaluwang kahit papaano. Bakal na grill ang bakod kaya kita sa labas ang loob ng bakuran.
May mga halamanan sa kanang bahagi at ang kaliwa ay garaheng ginawang tambakan ng mga lumang gamit.

Nagdoorbell ako sa maliit na gate

Excited na akong makita muli ang nanay. Kahit nakakadalaw naman siya sa amin ng 2 beses sa isang buwan,masarap pa rin yung lagi ko siyang nakikita.

Nagbukas ang pinto at isang batang nakasuot pa ng pangtulog ang lumabas dito.

"Hi...Ikaw ba si Xeven? Ako si kuya Nikko. Nanay ko si Nanay Rizza. Pwede ba ko pumasok."

Pakilala ko.

Hindi siya sumagot bagkus nakatingin lang siya sa kawalan.

Siya ang batang kinukwento sa akin ng nanay na special child. Ngayon ko lang siya nakita pero alam ko na agad na siya si Xeven.

Ito na yata ang pinaka cute na batang nakita ko.

"Xeven...tawagin mo si Nanay Rizza tell her nandito si Kuya Nikko."

English speaking daw ang bata kaya iningles ko na.

Hindi pa rin siya nakilos at patuloy lang siyang nakatingin sa kawalan.

Lumapit siya at pinagbuksan ako ng gate.

Agad niyang hinawakan ang kamayko at hinila papasok sa loob ng bahay.

"Teka saan tayo pupunta?"

Hinala niya ako papasok sa loob ng isang silid. Hindi ko alam ang gagawin ko sa inasal ni Xeven.

Alam ko ay special child siya. Isang batang may autism. Hindi pala salita at walang imik.

Naglabas siya ng damit mula sa kaniyang drawer.

"Magpapalit ka na ng damit?
Halika at bihisan na kita.Pagkatapos nito labas tayo ha. Di pa alam ng nanay na nandito ako e."

Nakangiti pa si Xeven ng bihisan ko.

Kahit kaunti lang ang kwento ng nanay tungkol sa kundisyon nito,mukhang mabait naman at masayahin.

Yumakap siya sa akin matapos mabihisan.

"Bait naman pala ni Xeven. Tara labas na tayo."

Tumayo na ako.
Gaya kanina hila na naman ako sa kamay papalabas ng silid.

TAKING CARE OF XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon