CHAPTER 11 BAD BOY

1.6K 93 39
                                    

****NIKKO***

Ano ba itong si kuya Simyeon?

Paiba-iba ng timpla.

Maganda naman gising niya bago pumasok. Umuwi ngayon ng di nag kikibo.

Tapos ng magising Xeven akala mo wala ng bukas kung laruin.

Ngingiti lang kung magkakatinginan kami.

Napnasin ko lang...

Inihanda ng nanay ang banana cake na pasalubong ni kuya para sa aming mirienda.

Panay kain naman si Xeven sa tuwing susubuan ko.

Dumighay pa ng napalakas ang bata ng matapos.

Sa kabusugan kaya hindi siya gaanong naglilikot.

Nagpaalam si kuya na aalis muna at may pupuntahan. Importante daw at kailangan siya sa trabaho.

Hinintay lang pala niyang magising si Xeven at pinakain ng pasalubong at aalis din pala agad.

Akala ko pa naman ay maghapon naming siyang makakasama.

Nilibang ko pa ang bata para huwag mapansin ang alis niya.

Ngayon para siyang timang na akala mo tatakas na preso.

Nakahalata si Xeven na wala ang kaniyang kuya kaya nagahanap ito.

Hindi siya mapakali at panay kamot ng dibdib. Ganito siya magpahayag ng paghanap sa tuwing hindi niya makita ang isang bagay na nawawala o taong umalis.

"Where is kuya?"

Tanong ni X.

Sinabi ko sa kaniya ang sinabi sa akin ni kuya Simyeon.

Tumigil lang siya sa pagkakamot ng muli naming marinig si mang  Kanor na nagpapatutog muli ng violin.

"Gusto mo pumunta kay mang Kanor? Punta tayo sa kanila?"

Parang nabuhayan ng dugo si Xeven. Ramdam sa kaniya ang excitement ng marinig na pupunta kami.

Nagpaalam kami sa nanay na doon muna kami sa katapat na bahay.

Alam niyang nalilibang si Xeven sa pakikinig ng musika.

Bilin lang niya na bantayan ito at huwag hahaayaang maglikot at baka makasira ng gamit doon.

Kung alam lang mg nanay na sobrang behave ng alaga ko.

Pinagbuksan kami ng asawa ni mang Kanor, pinatuloy para makinig sa itinotonong violin.

Kakalagay lang pala niya ng bagong strings nito kaya inaayos niya ang mga tuning pegs para sa magandang tunog.

Muling tumugtog ang nakatayong matanda. Naupo ako sa isang silya ngunit si Xeven ay nanatiling nakatayo sa harap ng matanda.

Natawa  ang matanda sa asta ni X.

"Ang husay namang makinig ng batang ito sa musika?"

Puri niya kay X.

"Panoorin mo ang mga mata niya."

Dahil nakatalikod sa akin si X ay humanap ako ng pwesto para mapagmasdan ko ang sinasabi ng matandang maestro.

Malikot ang mata ni Xeven sa pagsabay sa daliri ni mang Kanor habang dumidiin kaniyang mga daliri sa string ng violin.

Napansin kong parang lihim na ginagaya rin ni X ang mga daliring lumalaro sa bawat notang nagagawa ng matanda.

Tumigil sa pagtugtog si mang Kanor.

"Subukan natin ito ha."

May kinuha siyang maliit at lumang violin at inabot kay X.

TAKING CARE OF XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon