CHAPTER 1 HELP WANTED

5.5K 142 24
                                    

***SIMYEON***

Parang gusto ko ng sumuko...

Parang ako ang nasasaktan kapag nakikita ko ang mama  na pinahihirapan ng kaniyang karamdaman.

Ang masigala at masiyahing ilaw ng tahanan namin  ay nakaratay sa kaniyang higaan ngayon na tulog at parang iniwan ng panahon ng kabataan.

Magigising muli kung mawawala na ang epekto ng kaniyang gamot.

Maririnig ko na naman ang kaniyang mga daing na tutusok sa puso ko.
Kung pwede sanang akuin ko ang nararamdan niya.
Kung pwede lang...sana naagapan namin ang kaniyang cancer.

Kasalanan ng papa kung bakit siya nagkaganito.

Saksi ako kung paano pagbuhatan ng kamay ng papa ang mama.

May nararamdaman na pala ang mama, hindi man lang niya pinacheck up agad.

Akala niya, ang sakit na nararamdaman niya noon ay dahil sa mga ginagawang pananakit sa kaniya ng papa, hindi na pala.

Tadyak,sampal,batok,suntok,mura...lahat na yata ng pananakit nakita kong dinanas ng mama.

Sinubukan naming lumayo pero natakot siya sa bantang papatayin kami kaya nagtiis kaming kasama ang sadista kong ama.
Maging ako ay biktima rin ng kaniyang walang kwentang paraan ng pagmamahal.

Masama ba akong anak kung ipinagpapasalamat kong namatay na siya dahil sa heart attack?

Masama man, pero ang papa ang nagturo sa akin kung paano siya kamuhian ng ganito.

Kawawa nama ang mama ko...

Handa man ako sa kahahantungan ng mama balang araw,hindi ko pa rin kayang tanggapin na mawawala siya sa amin kaya patuloy kong inilalaban ang kaniyang buhay.

Maraming bagay pa akong gustong iparanas sa kaniya. Hindi man lahat pero ang gusto ko ay kasama siya sa mga bagay na kaya kong ibigay.

Nakatitig lang ako sa kaniya habang himbing sa kaniyang pagtulog.
Ibang iba na ang hitsura niya ngayon kesa dati.

Malalim na ang kaniyang mga mata,hupak na pisngi at payat na katawan. Nawala na rin ang kinis ng kaniyang balat at napalitan ng mga kalubot sa biglaan pagpayat.

Halos hindi na tinatanggap ng katawan niya ang mga sustansiya ng mga pagkaing inihahanada namin para sa kaniya.

Ang bilis ng pagkalat ng cancer sa kaniyang obaryo, matapos siyang duguin ng matindi noong nakaraang taon.

"Simyeon...kumain ka na muna sa labas at samahan mo muna ang kapatid mo doon."

Hindi ko namalayan na nagbukas ng pinto si Nanay Riza.
Siya ang aming mabait na kasambahay.

"Kumain na ho ba si Xeven?"

"Yung nga-ayaw kumain at gustong ikaw ang magsubo. Lumabas ka na muna at alas nueve na. Nakahain na sa lamesa at ayaw pa kumain, hinihintay ka. Ako na muna magbabantay sa mama mo."

"Sige nay-ako na ho magpapakain kay Xeven"

Maingat akong tumayo sa aking kinauupuan at si Nanay Rizza ang pumalit  sa pagbabantay sa mama ko.

Nagtungo ako sa hapagkainan at naroon ang aking 5 taong gulang na bunsong kapatid.

"Xeven,bakit di ka pa nakain? Lalamig na ito oh."

Gaya ng dati niyang reaction,parang hindi niya ako narinig at patuloy lang siya sa pagsusulat.

"Xeven-kain na tayo ha. Susubuan kita ha para magsleep na tayo."

TAKING CARE OF XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon