CHAPTER 7 BITING THE DUST

1.5K 82 8
                                    

***SIMYEON***

Pagkatapos kong magpakita ng aking ID sa entrada ng airport dalawang oras pa kami ni Reginald maghihintay para sa aming flight.

Kahapon pa naroon ang ilang modelong makakasama ko sa photoshoot.

Nabanggit ni Reginald na ako lang pala ang baguhan na nagustuhan ng agency.

Medyo kabado dahil unang gig ko ito na malaki ang kikitain.

Kabado dahil hindi ko pa alam kung maganda ang kalalabasan at kung mapipili ng fashion editor ang mga kukunan sa akin.

October pa lang pero summer na ang shoot.

Sabi ni Regi, pagkatapos ng shoot ko pa makukuha ang kalahati ng sasahurin ko. Nasa labing tatlong libo din daw iyon.

Kaya ako napapayag dahil mabilis pala kumita sa pagmomodelo lang.

Kung papalarin pang sumikat,maaring tumaas pa ang talent fee ko.

Panay ang tawag ni Regi sa cellphone.
Inaalam niya ang mga nangyayaari sa mga nauna sa amin sa site.

Kung siya ay abala sa pagche-check sa gaganaping photoshoot ako nama'y nag-aalala sa naiwan sa bahay.

Gising na siguro ang mama. Ganitong oras ay nakakakain na at nakainom na iyon ng gamot.

Si Xeven kaya?
Naku pihadong magtataka yun bakit iba na ang katabi niya at wala ako.

Hindi ko masabi kay Xeven aalis ako.

Ayaw kong magsinungaling sa kaniya.

Kahit sanay siyang napasok ako sa trabaho,parang alam niya ang distansya kung gaano lang ako kalayo.

Iba ang Boracay.

Iba ang mawawala ako ng higit sa 24 oras at pihadong maghahanap ng todo sa akin iyon.

Panalangin ko lang na hindi niya pansin ang oras kung gaano ako katagal mawawala.

Nagpapasalamat ako at nandoon si Nay Riza at Nikko.

Lalo na kay Nikko.

Ewan bat ganoon kaagad siya pakisamahan ni Xeven.

Sensitibo si Xeven sa tao.

Parang alam niya ang ugali ng taong makakasalamuha.

Noon pinasok ko siya sa isang special school.Maayos naman noong una. Pero ng may bagong assistant ang guro nila na pumasok umayaw na siya agad at di na nag participate sa mga activity.

Minsan ay binalikan ko siya ng mas maaga sa dati kong ginagawang pagbabantay.

Doon ko nalaman na sinisigawan pala sila ng bagong bantay.

Ora mismo ay kinarga ko si Xeven at inuuwi na.

Kaya mula noon ay hindi ko na pinilit ipasok si Xeven sa mga ganoong school.

Naturuan ko siya ng edukasyon na kailangan niya kaniyang edad at kakayanan.

Marunong siyang gumalang at magpahayag ng pagmamahal.

Marunong na din siya kumilala ng mga letra at ilang kombinasyon ng numero.

Bata pa si Xeven at alam kong matutunan niya ang lahat unti-unti.

Natauhan ako sa aking pag-iisip ng tapikin ako ni Regi sa balikat .

"Boarding na tayo."

Dala ang bag at umakyat na kami ng eroplano.

Dalangin ko na sana ay okay ang aming pag-alis at okay din ang aking iiwan.

Mula Manila hangang paliparang Caticlan at sa wakas ay nakarating din kami ng Boracay.

TAKING CARE OF XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon