***SIMYEON****
Nabigla talaga akong malaman na si Nikko pala ang anak ni uncle.
Matagal ko ng alam ang kwento na may anak siyang hindi pa nakikita at akalain ko bang si Nikko pala iyon.
Yakap ni Nikko ang kapatid ko sa aming pagkakahiga at sa dilim ay magkahawak kami ng kamay.
Mayat-maya ang himas ng daliri ko sa pagkakahawak.
Wala kaming pagkakataon na magkapag-usap kanina.
Himbing man ang lahat sa pagtulog,ramdam kong dalawa kami Nikko ang gising pa.
Gusto ko siyang kausapin tungkol sa nangyari kanina.
Gusto kong maibahagi niya ang kaniyang saloobin.
Ngayong nagtagpo na sila ni uncle paniguradong mababago na rin ang buhay niya.
Kasabay ng pagpikit ng aking mga mata na sana maayos na talaga ang lahat.
Hindi lang para kay Nikko...kundi para sa aming lahat.
***KINABUKASAN***
Nagising ako may nagkukuwentuham na sa may kusina. Maliwanag na sa labas at tulog pa rin si Nikko at Xeven sa gitna namin.
Bumangon na rin pala ang Uncle Nick at pihadong nakikipagkwentuhan na siya sa mga nanay Rizza.
"Wake up na Xeven...wake up."
Gising ko sa aking kapatid na may kasamang halik sa kaniyang ulunan.
"Huy...gising na,sikat na araw..."
Nagmulat ng mata si Nikko at nagkatamaan ang aming mga mata.
Hindi ako nakatiis at hinalikan ko ang kaniyang labi.
"Baka makita tayo ng tatay."
"Wala na,nasa may kusina sila. Kanina pa yata yun gising."
Bakante na ang pinaghigaan ni uncle kaya gumanti ng halik din si Nikko sa akin.
Sarap na sarap pa sa pagkakatulog si Xeven kayat hinintay pa namin siyang magising.
Medyo nanakit pa ang likod ko sa tigas ng aming hinigaan. Hindi naman ako pwede pagreklamo dahil ganito talaga ang buhay sa bukid. Ganito ang buhay ni Nikko. Wala akong dapat ireklamo dahil himbing at sarap na sarap talaga ang kapatid ko sa pagtulog kahit matigas ang kaniyang tinulugan.
Ang importante sa kaniya ay kasama ang mga taong mahalaga sa kaniyang tabi.
Sa wakas ay nagising na si Xeven.
Unang bumaba si Nikko ng hagdan kasunod kami at nagpakarga sa kaniya si Xeven.Naabutan namin ang apat na nakakatanda sa hapagkainan na nagkukuwentuhan.
"Aba gising na pala ang mga magtatay."
Bati sa amin ng nanay Rizza ng lumapit kami.
Nauna akong naghilamos sa labas pagkatapos ay yung dalawa naman.
Dahil maganda ang sikat ng araw ay niyaya ko munang paarawan si Xeven. Maganda raw sa kalusugan ang sikat ng araw sa umaga. Isa pa masyadong maputi ang kapatid ko kaya napagkakamalang maputla o di kaya ay napagbibintangan pang kinukulong sa kwarto kaya ganito ka tisoy.

BINABASA MO ANG
TAKING CARE OF X
RomanceDalawang magkaibang mundo ang nagtagpo dahil sa hiling ng isang pagkakataon. Si Simyeon- isang anak na nagmamahal sa kaniyang pamilya.Mabait,matalino at gwapo ngunit sa likod ng tinatamasang tagumpay ay ang nakatagong kalungkutan. Hanggang sa dumat...