CHAPTER 3 XEVEN's WORLD of WONDER

2.1K 93 15
                                    

***SIMYEON***

Sa tuwing uuwi ako ay excitement.

Nakakawala ng stress ang kapatid ko. Kahit pagod sa maghapong pagtuturo at traffic,para akong naeernergize sa tuwing yayakapin ako ni Xeven.

Ganito siya lagi sa akin sa oras na ako ay uuwi. Pagbubuksan ako ng pinto. Yayakapin hanggang sa mahiga na kami sa sahig.

Parang gusto na muna niya akong magpahinga sandali.
Magrelax mula sa nakakapagod na maghapong pagtatrabaho.

Sa sahig kami magkukulitan,
magkikilitian,magkukuwentuhan.

Ito ang kinasasabikan ko pag-uuwi. Ang sasalabungin ng napakabait kong bunsong kapatid.

Panay halik niya sa pisngi ko.
Kung minsan may kagat pa kung nanggigigil.
Yayakapin ko lang siya ng mahigpit. Luluwagan ko lang kung naangal na.
Yayakapin ng mahigpit muli at panggigilan.

"Ha ha ha! Ang Cute mo talaga!"

Gigil ko kay Xeven.

May tao pala sa gawing ulunan namin ng mapansin ko. Siya siguro ang anak ni Nay Rizza.

"Wait lang ha. Nagkukuwentuhan lang kami sandali."

Hindi pa ako makatayo dahil nakadagan pa sa akin si Xeven.

"Kain na tayo? Gugutom na si kuya."

Agad tumayo si Xeven.
Hawak ako sa kamay at hinila patungo sa lamesa. Amoy ko ang luto kaya alam kong nakahanda na ang pagkain

Nakita ko yung lalaki nakasalip sa amin.

"Simyeon ito nga pala anak ko, si Nikko. Siya yung sinasabi kong tutulong sa atin."

Pakilala ni nay Rizza.

Tama nga ako na siya ang bago naming makakasama.

"Hi,pasensya na ha... medyo nakakatawa ang ayos namin ng kapatid ko sa may pintuan."

Dispensa ko.

"Okay lang,nakakatuwa nga kayong tingan kanina e."

Sagot niya.

Pinapaupo na ako ni Xeven sa silya.

"Wait lang, silip muna ako kaya mama tapos magwash tayo kamay bago kumain.

Sinilip ko muna si mama at nagpaalam na kararating ko lang at saka bumalik sa kusina.
Sabay na kami naghugas ng kamay ni Xeven at naupo sa sa harap ng lamesa para kumain.

Si nanay Rizza naman ay pumasok na sa kwarto upang pakainin ang mama.

"Kain na tayo."

Yaya ko kay Nikko na naghahanda ng aming maiinom.

"Mayamaya na lang kuya."

"Sabay ka na. Huwag kang mahiya."

"Eh kasi...si Xeven..."

Tinapik niya ng ilang beses ang sandalan ng silya. Naintindihan ko agad ang ibig niyang sabihin.

Pinagbawalan siguro siya ni Xeven na huwag umupo sa mga silya at may mga may ari noon.

"Xeven, gamitin muna ni kuya Nikko yung bangko ni Nanay Rizza ha. Wala siya mauupuan eh. Kakakain na rin kaai siya."

Tumingin sa Xeven sa akin,tapos kay Nikko,tapos sa mga silya. Tumayo siya at pinagdikit ang dalawa naming upuan.

Halos matawa ako sa ginawa ni Xeven ng hilahin at paupuin niya si Nikko sa gitna namin.

Umusod na ako kaunti upang magkasaya kaming tatlo.

TAKING CARE OF XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon