***NIKKO***
Mukhang okay naman ang nanay sa trabaho niya dito.
Maswerte ang nanay at lahat ng mga naging amo niya ay mababait.Ilang buwan pa lang sito ang nanay.
Ayon sa kwento niya ay maayos at hindibhirap ang trabaho sa bagong amo.Totoo nga.
Nakakatuwa ang magkapatid lalo na si Xeven.
Mabuti na lang at pumayag si kuya Simyeon na samahan ko ang nanay dito.
Wala rin akong trabaho kaya matutulungan at mababantayan ko pa ang nanay.Matapos kung ilatag ang hihigaan ko sa sahig ay lumabas ako para tulungan ang nanay sa kusina kung may mga gagawin pa.
Lumabas ako at naabutan ko si nanay na nagkakape sa may lamesa...kausap si Kuya Simyeon.
Para akong maii-star struck.
Ang pogi talaga...
Bagay siyang artista.
Kung titingnan, maganda si nanay Ramona.cute si Xeven. Sa ina nila nakuha ang mukha at pagkamaestizo.
Ewan ko lang sa ama nila at wala yata akong nakitang larawang nakadisplay sa sala.
"Nikko, upo ka nga muna para makapagkwentuhan naman tayo."
Hindi ako agad umupo.
Nagkatawan sila dahil akala ko ay bawal.
Hindi siya suplado.
Madali lang siyang kausap.
Ang humble niya at ang galing niyang magsalita.
Para siyang may gayuma na madaling mapalagay ang loob mo.Naupo ako.
Hindi ko alam kung sa mata ba ako titingin habang iniinterview niya.
Kumabog ang dibdib ko at alam ko na ang ibig sabihin nun.Ganito ako pagnagkakacrush.
Alam ng nanay ang pagkatao ko pero di ako lantad.
Hindi rin ako mahilig sa relasyon.
Kinukunsedera kong gay ako.
Hindi ako nagkakagusto sa babae.
Sa lalaki lang ako natingin.
Pero hindi ako halata.
Wala naman akong barkadang gay. Kilala oo, pero yung close na barkada na makakaimpluwensiya ng paglalantad- wala.Wala ring karanasan sa same sex relation.
Mahirap ang relasyon ng isang gay lalo na sa kagaya kong hirap sa buhay.
Priority ko ang pamilya.
Ang tulungan ang mga lolo't lola ko at si nanay.Sex sa kapwa lalake?
Hindi ko makukusiderang sex ang una kong karanasan.
Bata pa ako noon.
Maliit pa ako noon ng yayain ako ng kuya ng kalaro ko.
Kaya siguro ganito ako ngayon.Ang hirap kasi ng estado ng isang gay sa publiko kaya iba ako kumilos sa kanila. Natuturuan ang pagkilos,nakakasanayan ang itsura, napag-aaralan ang pagsasalita,pero ang puso-hindi.
Naitatago ang kabaklaan para iwasan ang panghuhusga. Pero hindi kayang tuwirin nino man kung ano ka talaga. Sarili mong desisyon kung ano ka at desisyon ko kung ano ako talaga.
Wala akong kakayanang sundin ang sinasabi ng iba. Ang alam ko lumalaki na akong nagiging ganito na ang nararamdaman.
Ang humanga,magkagusto,magnasa at magkaroon ng lalaki na maari kong mahalin.
Kaya kong umiwas.
Kaya kong ring palipasin ang nararamdaman ko para hindi masaktan.Si kuya Simyeon?
Nakakakaba...
Para mabawasan ang kabog ng dibdib ko ay kinuha ko ang mga credentials sa kwarto namin bilang patunay na pwede akong magtrabaho.
BINABASA MO ANG
TAKING CARE OF X
RomantiekDalawang magkaibang mundo ang nagtagpo dahil sa hiling ng isang pagkakataon. Si Simyeon- isang anak na nagmamahal sa kaniyang pamilya.Mabait,matalino at gwapo ngunit sa likod ng tinatamasang tagumpay ay ang nakatagong kalungkutan. Hanggang sa dumat...