CHAPTER 5 CRUSH

1.6K 87 17
                                    

*** SIMYEON***

"Good morning sir...(ayyy ang pogi!)"

Nangiti na lang ako sa mga batang bumabati sa akin sa tuwing papasok ng school.

Medyo nakakahiya minsan sa tuwing babatiin ako ng mga nakakasalubong na mga estudyante.

Hindi nawawala ang ilang mga bulong at kilig na halatang hindi nila kayang pigilan.

Sabagay kahit noong bata pa ako,lagi ko ng nararansan ang ganito. Ang makapukaw ng pansin.

Maliit pa ako, proud na proud na ang mama sa tuwing namamasyal kami. Ipinagkakapuri niya sa tuwing makakarinig sa mga tao ng
"Ang cute ng bata oh".

May dugong swiso ang mama. Swiss ang lola ko kaya lamang ang mukha kong foreigner.

Katrabaho naman ng mama ang papa ko noon sa isang ski resort sa Switzerland. Ski instructor ang mama at photographer naman ang papa.

3 years old pa lang ng ako ng manirahan kami dito sa pilipinas.

Maayos kami namuhay sa simula. Tumagal ng ilang taon,nagbago ang papa. Nalulong sa sugal at alak. Halos lahat ng ipon nila ay nilustay lang sa pagkacasino.

Matalino ang mama at isang realtor kaya naigapang niya ako noon kahit walang nagawang mabuti sa amin ang papa. Ilang buwan pa lang si Xeven ay binawian na ng buhay ang papa dahil sa heart attack.

Masama man, ipinagpapasalamat ko na wala na ang papa. Hindi ko siguro alam kung ano gagawin niya kung malaman niyang special child ang kapatid ko.

Pinili ng mama na dito kami manatili sa pilipinas dahil na rin sa kundisyon ni Xeven.

Dalawang taon pa lang ang bunso kong kapatid ng nalaman namin na espesyal siya. Late na naming napatingnan si Xeven dahil akala namin ay normal sa kaniya ang pagiging tahimik.

Hindi siya mahilig sa parallel games. Lagi lang siyang mag-isa kung maglaro at ayaw niyang makihalubilo sa ibang bata.

Iiyak na lang kung tinatabihan o nadidikit sa ibang kalaro. Maging sa ibang tao ayaw niyang hinahawakan siya. Yuyuko o di kaya ay magtatago sa likuran ng mama kung nasa labas. Sa loob lang siya ng bahay madalas at kung minsan hanggang gate lang siya ng bakuran at biglang papasok.

Kahit sa pagpasok hindi mawala sa isipan ko ang dalawang mahal ko da buhay. Kailangan kong magsikap para hindi maranasan ni Xeven ang naranasan namin ng mama noong nabubuhay pa ang papa.

Magsimula ng magring ang bell at simula ng una kong klase.

Anim ang klase ko sa maghapon kaya sa pag-uwi pata na ang katawan ko. Masakit sa binti kakatayo,masakit na lalamunan,at paulit-ulit na pagtuturo ng aralin. Sasabayan pa ng ilang makukulit ng estudyante.

Gusto ko talagang maging guro. Inpluwensiya siguro ng pagiging matyaga ko sa kapatid ko.

Tyagaan lang muna at mahirap din ang walang trabaho.

Hindi naman pwedeng asahan lang ang pagmomodelo.

Kwento kasi sa akin ng isang nakasabayan ko sa agency minsan daw walang siyang natatanggap na pera. Damit at pakain lang kung minsan.

Sana naman hindi humatong ang ganoong sitwasyon sa akin.

Kailangan ko talaga ng pera. Para sa mama ko.

Nakakadalawang session pa lang kami para sa chemo niya at pito pa ang bubunuin namin.

Natapos na ang maghapong klase at pauwi na ako.

Pasakay na sana ako ng jeep ng makaramdam ako ng isang kalabit sa aking balikat.

Nilingon ko siya.

TAKING CARE OF XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon