CHAPTER 28 HARDSHIPS

1.2K 87 8
                                    

***NIKKO***

Sa pagpasok pa lang ng bulwagan ng Malacañang abot-abot na ang kaba ko.

Mayat-maya kong sinanasabihan si X tungkol sa dadaratnan namin.

"X maraming tao mamaya sa pupuntahan natin. Mababait yun. Makikita natin yung predidente mamay. Bibigyan ka niya ng medal. Dahil mabait ka...dahil mahal ka ng nakakakilala sa iyo...X ang swerte-swerte mo talaga...mamaya ha pagtinawag ka sama ka lang kay kuya. Kapit ka lang sa kaniya. Pag-hinilingan ka tumugtog at ayaw mo,pwede kang tumanggi. Hindi sila magagalit. Basta huwag ka matatakot ha."

Talagang inihahanda ko siya bago kami dumating kanina.

Well behave ang alaga ko. Nakahawak pa siya sa aming mga kamay habang papasok sa entrance.

Marami din kaming mga kasabay.

Sila ang mga batang may kapansanang nagbigay ng inspirasyon sa bayan. Na gagawaran ng oaramgal ngayon.

Nasa labing lima sila. Iba dito ay mga para-athelets, academic genius at ang nag-iisa sa musika,si Xeven namin.

Kasama si nanay dahip tatlong guest ang pwedeng isama ni X Bukod kay kuya bilang guardian.

Tuwang-tuwa naman ang nanay dahil ito ang una niyang pagkakataon na makikita ng presidente.

Ang gwapo ng magkapatid sa suot nilang puting barong.

Pareho silang mukhang konsorte sa isang sagala.

Talagang hinanap pa ng nanay yung kilala niyang burdadero ng barong sa lugar namin at pagawan talaga kami ng barong na masusuot.

Matapos makumpleto amg mga tao sa loib ay binagyan muna kami ng pahapyaw na mangyayari sa programa.

Live pala na ipinapalabas sa dalawang news program ang parangal na ito at ang isa doon ay nilapitan ako ng dati ng nagfeature kay Xeven noon.

Ilang sandali pa ay nagsimula na aming pinakahihintay matapos ang opening prayer ay national anthem naman.

Kahit hindi ituro,alam ni Xeven kung paano magbigay galang sa pambansang awit. Ang cute talaga.

Kaunti lang ang introduction,tungkol lang sa award ang ibibigay tapos nagpalakpakan na ang lahat ng iintroduce at pumasok na ang pangulo.

Namamangha ako sa nangyayari.

Hindi ko akalain na dahil kay Xeven makikita namin ang pangulo.

Nakaka-starstuck na ewan. Iba ito sa pakramdam. Hindi siya artista kundi lider ng maraming tao. Kakaiba ang kaniya tono at  magsalita. Hindi gaya ng napapanood ko noon sa tv na palamura. Mas seryoso siya kung kausapin ang mga bata na akala mo ay tatay na tatay talaga sa kanila na nagpapaalala.

Naikwento pa niya na makulit at matigas din ang ulo niya noong bata pa ngunit nandoon ang magulang niyang handang tanggapin,ituwid at gabayan siya.

Naiiyak ako sa narinig ko.

Dahil nandoon kami ni kuya sa mga sinabi ng pangulo sa buhay ni Xeven.

Ang dalawang nauna ay hindi na kailangan dahil mabait si Xeven.

Ang gabayan siya...yun na lang ang kailangan.

Nasa unahang upuan ang magkapatid at kaming mga bisita ay sa likurang bahagi. Nasa ikaapat na row kami mula sa kanilang likuran.

Pinapanood ko ang dalawa sa pagkakaupo. Behave na behave talaga ang alaga kong tahimik lang na nakaupo.

Pagkatapos ay  pinatayo na ang mga paparangalan.

TAKING CARE OF XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon