***SIMYEON***
Kinakabahan ako habang kausap ang nanay Rizza sa kabilang linya. Bakas din sa mukha ni Nikko ang pag-aalala ng sabihin ko siyang kailangan naming pumunta ng hospital.
Batid kong narinig man ni Xeven ang nangyayari ngayon ay wala siyang reaksyon.
Ayaw kong magpakita ng takot o lungkot sa aking kapatid at baka maramdaman niya ang nararamdaman ko.
Dalangin ko na hindi ito ang oras ng ikinakatakot kong mangyari.
Alas onse na ng gabi ng makarating kami ng hospital. Pagkababa ng parking area ay muli kong tinawagan si nay Rizza na narito na kami.
Pinaalam niyang nasa intensive care unit ang mama kaya doon na kami agad dumeretso.
Parang napakahaba ng hallway ng daanan namin. Parang lumalayo ang pintuan ng ICU natatanaw ko habang papalapit ako sa takot kung ano ang kalagayan ng mama.
Sarado ang ICU.
Nabasa ko ang notice sa pintuan na 10-11am at 3-5pm lang maaring makita ang pasyente.
Sa katapat na pinto ay naroon ang visitors lounge kung saan naghihintay ang mga tagabantay at tagasunod
sa mga iuutos ng mga doctor sa kakailanganin ng pasyente sa loob ng ICU.Pumasok kami at naroon si nanay Rizza nakaupo sa isang sulok hawak ang isang rosario.
Nakita niya kami agad.
Hindi kami makaupo dahil okupado ng ilan ang mga silya kayat muli kaming lumabas,at sa hallway na kami nag-usap.
Kwento niya na bigla na lang nawalan ng malay ang mama at biglang nanilaw kaya agad siyang humingi ng tulong sa mga kapitbahay upang isugod dito.
Nagkaroon ng komplikasyon ang atay at bato ayon sa result.
Nanlumo ako dahil hindi ko alam na ganito kabilis lumala ang kalagayan ng aking ina.
Gusto ko siyang makita.
Mayakap at makausap.
Gusto kong malaman kung ano ang masakit sa kaniya.
Kung ano ang nararamdaman niya.
Gusto kong umiyak ngunit pinigilan ko alang-alang sa kapatid ko.
Maigi na lang at karga siya ni Nikko na nilalaro ang kaniyang buhok.
Malalalim ang aking paghinga upang huwag bumigay sa sitwasyon.
Kailangan kong magpakatatag.
Inabot niya sa akin ang health record ng mama,mga resibong unang nabayaran at mga bagong riseta ng gamot na nabili maging ang down payment ay naasikaso na rin niya.
May itinatago akong pera sa cabinet ng mama. Alam ito ni Nanay Rizza dahil bilin ko ito sa kaniya na kung sa oras ng emergency at wala ako ay iyon ang gagamitin.
Kilala na rin namin ang mga doctor ng mama dahil regular siyang pasyente dito kaya alam ko na aasikasuhan siya ng mainam.
Dahil isa lang ang kailangang tagapagbantay,si nanay rizza ang nagboluntaryong maiwan sa hospital.
Bilin niyang umuwi muna kami upang makapagpahinga.
Ayaw ko sana.
"Umuwi ka at magpahinga. Ako na muna ang bahalang magbantay. Asikasuhin mo bukas yung mga bayarin natin. Kung maari magpaalam ka ng leave sa school nyo at hindi ka makakapagtrabaho ng maayos. Alas diyes ng umaga nandito na ang mga doctor para makausap mo. Nikko ikaw na muna bahala sa bahay at sa bata.
Magdasal din kayo na wala sanang masamang balita bukas ha."
BINABASA MO ANG
TAKING CARE OF X
RomanceDalawang magkaibang mundo ang nagtagpo dahil sa hiling ng isang pagkakataon. Si Simyeon- isang anak na nagmamahal sa kaniyang pamilya.Mabait,matalino at gwapo ngunit sa likod ng tinatamasang tagumpay ay ang nakatagong kalungkutan. Hanggang sa dumat...