CHAPTER 29 SACRIFICES

1.1K 79 8
                                    

***SIMYEON***

"Paano ba to...
Big break yung project sa Japan...
Papaano yung mga iiwan ko dito?"

Naguguluhan ako sa gagawin kong desisyon at kailangan ko talaga ng magpapayo sa akin.

Two days from now ay ibobooked na nila ako ng flights papuntang japan.

"Hindi naman problema kuya kung aalis ka at mawawala ng 9 na buwan e. Kailangan mo sa trabaho yun. Kung iniisip mo si Xeven narito naman kami ng nanay."

Magkatabi kaming makahiga ni Nikko habang nag-uusap sa dilim. Pinapagitnaan namin siya ng kapatid kong yakap-yakap siya.

Naguguluhan o natatakot ako sa desisyon ko sa aking paglayo.

Hindi ako sanay na malayo sa aking kapatid.

Nag-aalala ako na baka kung ano ang mangyari sa kaniya sa loob ng siyam na buwang wala ako.

"Paano kung maghanap si Xeven?"

Tanong ko.

"Matalino si X,mauunawaan niya kung bakit ka aalis. May mga paraan para hindi siya maghanap kuya. May Facebook,video chat at telepono para makausap ka."

Niyakap ko si Nikko.

"Paano ka...mawawala ako..."

"Pinoproblema mo rin ako pag-aalis ka?"

"Oo naman. 9 months akong mawawala. Paano kung palitan mo ako."

Marahan kong hinaplos ang kaniyang tiyan.

"Kuya ikaw ang aalis. Ako dito lang sa bahay. Hindi ba dapat ako magtanong nyan? Alalahanin mo,dito pa lang madami na ako kalabang lokang-loka sa iyo, doon pa kaya?"

Pabiro kong kinurot ang tiyan niya.

Mukhang iba ang lag-aalala niya kung malalayo ako.

"Advice ko sa iyo...huwag kang mag-isip ng masyado sa amin. Priority mo ang kinabukasan nyong magkapatid at kasama doon ang sakripisyo. Ako,ang oriority ko siempre ang alagaan ang bata. Siyam na buwan,mabilis lang yun. Kayang gawan ng paraan para di nyo mamiss ang isat-isa. May chat,may video call naman. Nasa iyo na lang yun kung gagawin mo."

"Siempre naman lagi ako tatawag. Lagi kong iche-check ang ginagawa ninyo."

"Ako di mo iche-check?"

"Kailangan pa bang tanungin yan?

Hinalikan ko ang kaniyang batok.

"Siempre lagi kitang tatawagan pwede ba namang hindi...iniisip ko lang kasi na baka maghanap ang kapatid ko."

"Matalino si X kuya,mauunawaan din niya kung bakit ka aalis...nasubukan na natin siya noong iniwan monsiya sa akin sa Laguna."

May point si Nikko.

Minsan na nga palang hindi natulog dito si Xeven at hindi siya naghanap dahil kasama niya si Nikko.

Alam niya ang mga nangyayari kahit hindi siya magsalita. Hindi siya natutol o nagtatanong kung bakit may mga ganoong pagkakataon.

Mauunawaan niya ako kung bakit ako lalayo pansamantala.

Sumapit na ang paglipad ko papuntang Japan.

Sa airport ay inihatid nila ako.

"Xeven...aalis na si kuya ha...di ba nakwento namin sa iyo na medyo matataglan ako bago umuwi. Aalis si kuya kaya ikaw na muna bahala sa bahay ha. Bantayan mo yun...huwag mo aawayin si kuya Nikko at nanay Rizza. Tatawag ako lagi para di mo ako mamiss...kakain ka ng marami at susundin si kuya Nikko at nanay Rizza ha?"

TAKING CARE OF XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon