***NIKKO***
Hindi ko nagustuhan yung sinabi nyang Simyeon na yan.
Oo namamasukan lang ako dito.
Namamasukan ako para tulungan ang nanay ko.
Pinapunta ako para mag-assist dahil sa paso niya sa paa.
Dahil sa pagpilit niya kaya napapayag ako na tumulong sa kanila.
Makapagsalita siya parang wala akong pakiramdam.
Hindi ko intensyon na sumikat si X.
Gusto ko lang makita nila na ang isang kagaya ni Xeven ay may puwang sa mundo.
Na hindi lang siya alagain.
Na hindi siya pabigat.
Na dapat siyang tularan at maging inspirasyon sa mga pamilyang may ganitong issue.
May ilan na akong nakita na kagaya ni X na pinabayaam na lang sa pangangalaga ng iba.
Yung ikinakahiya at itinatago na lang sa bahay.
Yung kinaawaan.
Ang masakit pa, pinagtatawanan.
Yung parang kasalanan ng isang bata na isilang siya ng may kapansanan.
Oo mahal nyang Simyeon ang alaga ko,pero duwag siya.
Duwag siyang harapin ang mga tao at ipagmalaki si Xeven.
Ano, siya lang ang magmamahal sa bata?
Di ko man kadugo si X, mahal ko siya bilang tao dahil bigay siya ng Diyos.
Wala akong karapatan sa kapatid niya?
Na binabayaran lang ako?
Sobra siya.
"Oh? Ano ginagawa mo?"
Tanong ng nanay ng pumasok siya sa kwarto. Nakita niya ako na nagsisilid ng ilang damit sa aking bag.
"Uwi ho muna ako nay."
Minamadali kong maglagay ng gamit ko. Gusto ko munang umuwi dahil sa sama ng loob.
Hindi ko ipinaliwanag sa nanay kung bakit. Ang sinabi ko na lang na gusto ko lang muna bumisita sa mga lolo at lola.
Nagmadali na akong lumabas at ayaw kong makita ni Xeven na papaalis.
Hinatid ako ng nanay sa labas. Nakasakay na ako ng tricycle ng marinig ko si Xeven na umiiyak.
Kinukurot ang dibdib ko ng lingunin ko sila ngunit bigla ko ring binawi ang pagtingin.
Naglalaban ang aking nararamdaman.
Kung babalik o hindi.
Hindi ako dapat maging attached kay X. Tagapag-alaga nga lang siguro ako.
Nakaramdam ako ng pagsisisi sa pagkakamaling aking ginawa.
Sumobra nga siguro ako...
Hindi ko inisip ang kapakanan ni kuya Simyeon.
Hindi na ako makakabalik. Galit at pagkahiya ang naglalaban sa akin.
Ngunit kawawa naman si X.
Paano na siya?
Inisip ko na lang na naroon naman si nanay.
Kaya naman nila kahit mag-isa lang ang nanay na katuwang nila.
Kaya nila kahit wala pa ako.
"Hindi naman sila pababayaan ng nanay."
Yun na lang ang inisip ko para matahimik ang aking kalooban.
BINABASA MO ANG
TAKING CARE OF X
RomanceDalawang magkaibang mundo ang nagtagpo dahil sa hiling ng isang pagkakataon. Si Simyeon- isang anak na nagmamahal sa kaniyang pamilya.Mabait,matalino at gwapo ngunit sa likod ng tinatamasang tagumpay ay ang nakatagong kalungkutan. Hanggang sa dumat...