***SIMYEON***
Natutuwa ako sa mga papuri naririnig ko ngayon.
"Ang husay talaga ng kapatid mo."
"Nakakatuwa na malamang may isa akong kamag-anak na kagaya nyong dalawa ni Xeven na sobrang bait."
"Magsabi ka lang sa amin kung may kailangan kayo. Lalo na si Xeven ha. Alam ko na hindi mo siya pababayaan."
Ilan lang sa iyon sa mga bati ng mga nakiramay sa aming pagdadalamhati.
Nag-iba ang atmosphere ng lamayan matapos tumugtog si Xeven ng lumabas kami ni Nikko.
Lahat sila ay pinalibutan siya.
Akala ko ay susumpungin si Xeven ngunit hinayaan niyang siya ay kamayan o halikan sa pisngi.
Alam niyang lahat ng narito ngayon ay totoo ang pakikiramay.
Lumapit ako sa aking kapatid. Lumuhod ako sa kaniyang harapan at niyakap siya,kinarga at lumapit sa puting kabaong.
Hindi ako natakot na muli kong silipin ang mama na kasama si Xeven.
Huling gabi na namin na kasama siya at bukas na ang kaniyang cremation.
Masakit na mawalan ng magulang lalo na sa inang solong nagbuhos ng lahat ng pagmamahal sa aming magkapatid.
Tanggap ka na dahil ayaw ko na rin siyang maghirap pa.
"Salamat po mama..."
Bulong ko sa aking sarili.
"Sleep na si mama..."
Napangiti ako sa sinabi ni Xeven.
Napakainosente niya sa mga nangyayari.
"Oo...pagod kasi si mama kaya sleep na siya..."
Niyakap ko si Xeven at hinalikan sa kaniyang pisngi.
Pagod na nga ang mama at natuldukan na rin ang kaniyang paghihirap.
Tanggap ko na ang pagkawala ng mama ko.
Kinabukasan ay sinunog na ang labi mga niya.
Tangan ko sa aking mga kamay ang lalagyanan ng kaniyang mga abo.
Dito sa isang moseleo namin muna siya pansamanatalang ilalagak.
Ang bilis ng pangyayari at tila parang kahapon lang kasama namin siya.
Kahit tanggap ko ng wala na si mama,nandoon pa rin ang kalungkutan.
Sa alaala ko na lang siya makikita.
Pero dito...sa puso ko...lagi ko siyang kasama.
Kasama siya sa mga itinuro niyang mga aral sa buhay...sa mga saway kung nagkakasala ako...sa mga pagtatama kung magkamali ako...kasama ko siya sa presensya ng kapatid ko.
Malungkot...oo...pero kailangan ko pa ring bumangon.
Hindi naman nasayang ang pagpapagal ng mama dahil pinalaki niya akong mabuting tao.
Mabuti akong tao dahil mabuti ang aking ina.
At proud akong siya ang aking naging ina sa mundong ito.
Sa isang maliit na pwesto ko inilagay ang lalagyanan ng kaniyang mga abo.
Isinara ko ang pintuan nito at nag-alay ng panalangin at pagpapasalamat.
"I love you ma..."
Iyon lang ang nasabi ko bago kami umalis.
Gabi na rin kaming nakabalik ng bahay dahil sa mga bisitang isa-isa akong kinausap.
BINABASA MO ANG
TAKING CARE OF X
Любовные романыDalawang magkaibang mundo ang nagtagpo dahil sa hiling ng isang pagkakataon. Si Simyeon- isang anak na nagmamahal sa kaniyang pamilya.Mabait,matalino at gwapo ngunit sa likod ng tinatamasang tagumpay ay ang nakatagong kalungkutan. Hanggang sa dumat...