CHAPTER 22 PROMISED LAND

1.6K 97 22
                                    

***SIMYEON***

This is it!

Huling practice namin ngayon sa pagrampa at tanging ako lang ang pinoy na lalakad sa fashion show na ito.

Hindi ko alam kung ano bang mangyayari pagkatapos.

Ilang oras na lang magsisimula na show.

Maigi na lang at na-orient ako ni Reginald sa mga dapat gawin.

Nakakagulat ang connections ng agency at madali nila akong napapunta dito sa Japan para lang makasama sa fashion show.

Gagawin ko ang lahat para matapatan ko ang expectations nila sa akin.

Sana ay makita nila ang hinahanap nilang feature sa akin bilang modelo.

Kailangan ko lang talagang lakasn ang loob ko para sa aking mga pangarap.

Para kay Xeven.

Dalangin ko na hindi akong umuwing bigo.

May ilang minuto pa kaming nalalabi kaya lalong nagkagulo sa back stage. Isang beses lang akong lalakad suot lang ay isang swimwear kaya di ako gaanong nai-stress sa mga kaganapan.

Inayos lang ang aking buhok,konting make up at shower mist na pinahid sa buo kong katawan para kumintab. Hindi gaya ng iba kong mga kasama na natataranta dahil hindi sukat ang sapatos o may alteration pang inaayos sa mga damit.

Nilapitan ako ni Regi upang kamustahin.

"Relax lang mamaya ha."

Ngumiti ako sa paalaala ni Regi.

"Oo nga e,kinakalma ko lang sarili ko. First timer kasi. Sanay kasi ako sa photoshoot lang e."

"Okay lang kabahan,huwag lang magkakalat. Basta kaya mo yan."

Nakadagdag ng lakas ng loob ang pagsama sa akin ni Regi. Dahil kung ako lang baka umatras na ako sa kaba.

"Tanungin kita ha, kailan pa kayo ni Nikko?Nagulat kasi ako ng halikan mo siya nung bago tayo umalis sa inyo e."

Napangiti ako lalo ng sumagi sa isip ko si Nikko.

Oo nga pala.

Isa rin siya sa nagpapalakas ng loob ko kaya nakakayanan ko ang ganito ka at-ease.

Isa siya sa gusto kong pasalubungan ng magandang balita kung sakaling magustuhan ako ng agency.

"Sorry kung hindi ko nabanggit sa iyo na kami ni Nikko. Ang totoo ako ang unang bumigay sa kaniya e."

"You mean nag out ka sa kaniya?"

"Parang ganoon na nga siguro...Regi, i know nagtataka ka na...na were walking on the same path. I know maiintindihan mo ako. I love Nikko. Why? Masaya kasi e...masaya siya kasama. Yung hindi ako nahihiya sa kaniya. Hindi ko maexplain yung feelings. I thought he's just a friend. A good friend na masarap kasama.Pero iba yung nararamdaman ko. Ang bait kasi niya and mahal niya ako, mahal siya ng kapatid ko."

Si Regi naman ang napangiti.

"Di na ako mag-uurirat ha,mukhang inlove ka nga kay Nikko. Sabagay,mabait naman talaga siya. Cute din naman kayo magkasama. Nagulat lang ako kasi open ka sa nararamdaman mo. Si Dax kasi,kahit kami di siya ganoon ka-showy in public.May limitations pa rin pagdating sa publiko."

Nauunawaan ko ang sinasabi ni Regi.

Siguro kung lalabas at ipakikita kong masaya ako sa aming relasyon mauunawaan siguro kami ng publiko. Hindi na bago sa karamihan sa same sex relation.

TAKING CARE OF XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon