***SOPHIE***
Lulan ng kotse,umuwi si Sophie ng biglaan. Galit na galit siya dahil sa nangyaring gulo sa bahay ni Simyeon.
****
Bwisit na bata yun!
Ang ganda na ng nangyayari kung bakit pumasok-pasok pa sa eksena.
Nakakainis!
Akalain ko bang may pagka sintu-sinto yung batang yun!
Abnormal!
Malay ko ba na may ganoong kapatid si sir.
E kasi naman,para silya lang akala mo nanakawin ko na?
Kainis talaga!
Ito namang si sir bakit hinahayaan lang yung ganoong ugali nung batang yun.
Tapos yung lalaking nanigaw sa akin akala mo kung sino.
Paano pa ako makakabalik para magpatutorial kay sir?
Kakaasar talaga.
Kakausapin ko na lang si sir...
Gagawa na lang ako ng paraan...
Sasabihin ko na joke-joke lang yung mga sinabi kong i love him.
Na biro lang na may gusto ako sa kaniya.Magso-sorry ako...
Ganoong na lang.
Mag-sosorry ako na hindi ko sinasadya na maitulak ko yung bata.
Pakikiusapan ko na hindi ko alam na abnormal yung batang yun.
Ganoon na lang.
Kaso, nandoon yung isang epal na guy na nanigaw sa akin.
Kamag-anak rin ba yun ni sir?
Bwisit din yun ha?
Naku sana hindi galit sa akin si sir sa nangyari.
Sana bigyan nya pa ako ng chance.
Basta,gusto ko si sir ang magtuturo sa akin.
Basta!
Basta!
Basta!
"Okay ka lang Sophie?"
Isa pa itong intrimitidong driver na to. Pakialamerong matanda sa mga affairs ko.
"Manong huwag kayong magkukuwento sa daddy ng mga sinabi sa inyo ng teacher ko kanina ha."
Binigyan ko ng warning si mang Conrad. Alam ko na magkukuwento ito sa daddy sa nangyari kanina at pihadong baka ihanap ako ng ibang tutor.
Hindi ako papayag na ihanap ako ng iba.
Ang gusto ko si sir, siya lang.
"Basta gusto ko siya at lahat ng gusto ko nakukuha ko."
*****
***NIKKO***
Laking gulat ko ng masaksihan ko kung paano itinulak ni Sophie si Xeven.
Halos sumabog ang kalooban ko sa gigil ng nakita niyang napaupo sa sahig ang bata.
Agad ko itong kinarga at kinanlo sa awa.
Inilayo ko siyang iyak ng iyak at pumasok sa silid ni tita Ramona..
"Gaga yung babaeng yun."

BINABASA MO ANG
TAKING CARE OF X
Любовные романыDalawang magkaibang mundo ang nagtagpo dahil sa hiling ng isang pagkakataon. Si Simyeon- isang anak na nagmamahal sa kaniyang pamilya.Mabait,matalino at gwapo ngunit sa likod ng tinatamasang tagumpay ay ang nakatagong kalungkutan. Hanggang sa dumat...