***NIKKO***
Nakakadalawang araw pa lang ang nakalipas buhat ng mailibing ang tita Ramona.
Sa mga araw na iyon ay naging tahimik si kuya Simyeon pansin ko.
Nag-alala ako na baka masyado niyang namimiss ang kaniyang mama. Iba kasi siyang magpakita ng affection kay tita Ramona.
Noon laging niya itong sinisilip kahit alam niyang may kasama sa kwarto. Papasok at hahalik,tatabihan at kukuwentuhan ng mga nangyari sa maghapin niyang pagtatrabaho. Parang bata kung makadikit at maglambing.
Maging sa kapatid ay pinaparanas niya ang pagiging malambing. As in sobrang lambing basta mapasaya lang si X at ang ina.
Maski ako nakatikim ng sweetness niya. Di ba nga pati ako nahalikan.
Napapangiti tuloy ako kapag naaalala ko yung hawak niya ang mga kamay ko at maglapat ang aming mga labi.
Grabe,ang lambot ng kaya ng mga labi niya?!
Hindi ko maexplain ng madali yung naramdaman ko ng mga sandaling iyon.
Yung biruan lang na smack tapos inulit pa?
Yung ikalawang kiss na ginawa niya, hindi na biro yun pakiramdam ko.
Kaya nalilito ako kay kuya Simyeon.
Ayaw kong isipin na gay or bi din siya dahil hindi iyon ang pagkakakilala ko sa kaniya noong una akong dumating dito.
Oo magkasama kami lagi.
Nakikita ko kung paano siya kumilos,magsalita o makisama.
Nakita ko na ang ugali niya.
Pati nga yung... sandata niya nakita ko na.Nayakap na niya ako, tulog man o gising.Pero sa kalasingan lang yun o sa sobrang saya.
Expressive lang talaga siya sa narararamdaman.
Masaya man o malungkot.
Hindi siya nahihiyang umiyak kahit may ibang tao.
Parang sa mama niya...sa kapatid...at sa kaibigan.
Ganoon din kaya siya sa iba?
Naiilang tuloy ako pagsasapit ng gabi dahil magkatabi na naman kami kung matutulog.
Ako, alam ko may nararamdaman ako para sa kaniya. Ang malaking tanong ay ang nararamdaman niya kung ano talaga.
Ayaw ko namang manamantala sa nangyari sa amin noong halikan niya ako. Mamaya mali lang ako ng akala at baka ako pa mapahiya sa bandang huli.
Tapos ngayon, lagi pa siyang walang imik.
Miss na miss na nga niya siguro ang tita Ramona.
Kaya medyo ingat din ako sa mga kilos ko.
Oras ng pananghalian at abala kami ng nanay sa pag aasikaso sa aming kakainin.
Pinaghugas ko si Xeven ng kaniyang mga kamay sa banyo gaya ng lagi niyang ginagawa.
Naihanda ko na ang mga niluto ng nanay at hindi pa nalabas si kuya sa kaniyang silid. Maging ang alaga ko ay hindi pa rin nabalik.
Pinuntahan ko na sila upang tawagin para makakain.
Bago makarating ng kwarto ni kuya ay madadaanan ko muna ang banyo.
Nagtataka ako kung bakit ang tagal naman lumabas ni Xeven.
Bukas ang pinto ng masilip ko at naroon pa rin si X.
Nakatayo lang siya sa harap ng toilet.
Akala ko ay umihihi lang pero hindi naman siya nagbabawas.
Naroon lang siya nakatayo at nakatingin sa toilet.
BINABASA MO ANG
TAKING CARE OF X
RomantizmDalawang magkaibang mundo ang nagtagpo dahil sa hiling ng isang pagkakataon. Si Simyeon- isang anak na nagmamahal sa kaniyang pamilya.Mabait,matalino at gwapo ngunit sa likod ng tinatamasang tagumpay ay ang nakatagong kalungkutan. Hanggang sa dumat...