Chapter One #MeetFOREVERFIVE

1.2K 19 3
                                    


YUMI'S PROVE

Hindi ko makakalimutan ang araw na nagkakilala kami ni Migo.

"CARLA YUMINA!!!! Asan ka bang bata ka?! Aba't kanina pa ako naghahanap sa iyo!! Kapag nakita kita talaga malilintikan ka sa akin!!!!"

Napalunok na lang ako ng marinig ko ang sigaw ni Mama mula sa malayo. Sure ako mapapalo ako ni mama sa ginawa kong ito. Nagtatago ako sa isang sulok ng drum yung ipunan ng tubig sa likod bahay namin.. nabasag ko kasi yung vase sa sala namin.. naglalaro kasi ako ng prinsesa syempre ako ang prinsesa ngunit walang prinsipe nag-iimagine na lang ako na meron.. sinuot ko ang lumang daster ni Mama. Malaki sa akin iyon (for a five years old playing Mother's dress). kaya noong pa-ikot ikot ako, natapakan ko ang laylayan na sumasayad sa sahig ayun na out balance ako at nasagi ang vase.. at ayun na nga, yare ako kay Mama.. Hindi niya dapat malaman na nandito ako.

Napabalikwas ako ng biglang narinig kong halos nasa malapit ko na si Mama..

"Yumi! Kapag hindi ka pa lumabas mas lalo kang mamasamain sa akin, Bata ka talaga!"

Napapalunok na lang ako at nanginginig sa takot.. Iniisip ko na lang na dapat na dapat na dapat hindi niya malaman kung saan ako nagtatago.. ng biglang......

.......

...............

"Bata, anong ginagawa mo dyan? Sali ako sa tago-taguan!"

"WAG PO MAMA!!!! ARAY! ARAY!!!! WAG PO! SORRY NA MAMA!!!!"

Lahat ng plano, lahat ng effort ko para magtago sa sulok na iyon ay sinira ni Migo.

Bestfriend ko na ang bwisit na ito. Simula ng makita niya ako sa sulok at paluin ni mama sa harap niya.. doon na nagsimula ang pagkakaibigan naming dalawa.

"Miguel Gavin Cheng?"

"Present Ma'am!" sabay taas ng kamay.

fourteen years ang nakalipas ng maging magkaibigan kami ni Migo. Sa totoo lang siya naman ang nagpursige na maging magkaibigan kami. Todo sorry siya at siya rin ang gumawa ng paraan para hindi na tuluyang pudpudin ni Mama ang pwet ko noon. Mayaman, nagmamay-ari ng naparaming hotel dito sa Pilipinas.. swerte ko ba na maging bestfriend siya? Hindi rin nuh. Napaka-angas, mayabang at mapang-asar niya, barumbado pa.. advantage lang? Hindi niya ako napag iinitan.. pero bully talaga siya..

"Carla Yumina Velasco?"

"Present Ma'am!" Tinaas ko din ang kanang kamay ko.

Yumi, tawag sa akin ng mga kaklase ko.. Akala niyo mayumi noh? Well, dyan kayo nagkakamali.. Palaban na babae sabi nila ayoko ng inaapi at ayokong magpaapi.. si Migo lang talaga ang malupit na nakakagawa nun sa akin. Hindi ako mayaman.. pero hindi ako gold digger.. basta naging magkakaibigan kami ng F4 simula pagkabata kaya Masaya na ako doon.

"Jian Greg Matinez?"

"I'm Here!" Sabay hawi ng buhok.

Siya si Jigsz with a Z sa dulo. Trip niya yan e.. Actually, matindi siya sa mga chicks ewan ko ba? Pero, gwapo naman itong kaibigan namin e. Kaya hindi nakakapagtaka na siya ang Chickboy sa tropa.

"Russel Ken Rivera?"

"Yes, Ma'am" sabay tuon ulit sa librong hawak niya.

Siya naman si Russel. Ang pinakamatalino sa klase, swerte ko kasi tropa kami sa kanya kasi kami kumukopya ng assignment e. Mahilig din siya sa mga iba't ibang coffee.. sabi nga niya pagkagraduate namin ng college baka magtayo siya ng sarili niyang coffee shop.

Gentle behind the Flowers BOOK 1Where stories live. Discover now