Chapter Two #FriendsbecomesEnemy

353 8 0
                                    

YUMI'S Prove

"Yumi, Grabe ka talaga magpaamo ng Tigre, hinainan mo lang ng pagkain umamo na" Ani ni Jigsz.

Habang kasalukuyan kaming nasa isang bar na pag-mamay ari nila russel. Maliban kasi sa coffee mahilig din sa mga alcoholic drinks at night out ang mga ito. Minsan napapasama ako pero hindi palagi.

"Juice lang ako. Orange juice ah.." pahabol ko sa waiter bago ako nagbaling sa tatlo. "Ah, hahaha di ba.. kapag nag-aamok ang tigre dapat mong Hainan ng pagkain kasi gutom"

Natawa sila sa sinabi ko. Kaharap ko ang tatlo at wala si Migo. Dumiretso uwi dahil may gagawin pa daw, minsan talaga busy na tao siya.

"Hahaha.. grabe akala ko nga pati si Yumi pagbabalingan niya ng galit eh" dagdag ni Russel.

"Malabo yun, bestfriend ni Migo si Yumi.. He can't do that to her and besides she's very special" sambit naman ni Yno saka inom ng wine niya.

Feeling ko namula buong paligid ng pisngi ko sa sinabi ni Yno sa akin. Ako special? Kay migo lang ba o pati sa kanya?

"Oh, Yumi sure ka ayaw mong mag wine?" Tanong sa akin ni Russel.

Umiling ako rito. "Okay lang ako. I'm fine with my Juice"

"Yah, she should not drink alcohol, shes fine for what she have"

Hindi ko alam kung bakit sa twing nagsasalita ng ganyan si Yno feeling ko he has feeling for me too. Is this only a dream, hallucinations or true feelings? Hay Yno. Ginugulo mo ang puso ko.

After two hours sa bar. Umuwi na din kami si Yno ang naghatid sa akin. Very casual lang ang pakikitungo ko sa kanya para hindi ako mahalata sa tunay kong nararamdaman para sa kanya.

One week din ang lumipas smooth lang.. walang gulo at Masaya.

Masaya kaming nagkukwentuhan ng F4 habang naglalakad sa school ground. Masayang nagtatawanan sa mga biruan.. alam mo yung tipong may naglalaglagan pang mga dahon na hinahangin.. good weather, good morning with my good friends.

Napatigil kami sa paglalakad ng may biglang humarang na tatlong babae sa harapan namin. Ang isang babae ang nag step forward may dala itong round cake at ang cute talaga ng itsura mukhang masarap. Parang pamilyar ang mukha niya sa akin parang madalas ko na siyang nakikita ngunit hindi ko maalala kung saan.

"Jana, ibigay mo na yan kay Migo.. dali na pinaghirapan mo pa naman yan" narinig ko pang sambit ng isa sa mga kasama nito.

"Ah.. ahmm.. Migo, cake oh.. ginawa ko ito para sa iyo.. alam mo gusto talaga kita.." sambit ng babae. Grabe napakatapang nya para magtapat ng paghanga niya kay Migo sa harap pa namin. Saludo ako sayo girl. Sabay napalingon ako kay Yno mula sa likuran ko na matiim na nakatitig sa babae halatang parepareho kaming gulat sa confession nito. nagbalik ako ng tingin kay Migo. Wala itong reaksyon kaya ako na gagawa ng paraan.

"Ahm Migo, ano masasabi mo. Mukhang masarap yung cake na ginawa niya" pag-babago ko ng ambiance.

"Talaga? Masarap yang gawa mo?" tanong ni Migo dito. Yes, success ang ginawa ko.

"Sure kaming magugustuhan mo yang gawa ni Jana, Migo. Katulad ng pagkagusto mo sa mga binibigay sayo ni Yumi"

Napabaling ako sa babaeng nagsalita nito. medyo parang hindi ata maganda ang dating ng sinabi niya para sa akin ngunit siguro ako lang ang nakaramdam noon.

"Talaga? Kung masarap yan, bakit hindi mo kainin mag-isa" Nabigla kaming lahat ng hawakan ni Migo ang kamay ng babae na hawak kung saan hawak ang cake at daglian nitong hinawi sa direksyon ng mukha ng babae. Kaya sumambulat ang cake sa mukha nito. napatakbo naman ang mga kasama nito sa takot na pagbalingan ni Migo. Ang kaninang masayang Migo ay biglang naging beast na naman.

Gentle behind the Flowers BOOK 1Where stories live. Discover now