CHAPTER NINE #IgnorebyMigo

209 4 0
                                    



YUMI's Prove

Hindi ko na naabutan si Migo sa Parking area.... Wala na din ang kotse niya kaya for sure umalis na siya. Nakaramdam ako ng sakit sa dibdib ko pero wala naman akong ginawang mali eh.

Naramdaman kong may humawak sa balikat ko. Paglingon ko si Ken.

Ngumiti ito sa akin. "He left. Don't worry everything will be alright to the both of you" tumango na lang ako sa sinabi niya. Kilala ko si Migo, kapag nagalit at nasaktan siya bumabalik siya sa pagiging barumbado niya and that makes me more worry.. kasalanan ko kapag nagkaganun.

Kinabukasan.... Maaga kaming umalis ng resort...

Sinabay na lang ako ni Jigsz sa kotse niya, wala na din silang tinanong pa sa akin kung anong nangyare sa amin ni Migo kagabi kaya bigla itong umalis. Baka si Howard na lang ang nagsabi sa kanila tutal hindi na rin naman na ako makausap ng maayos.

Binaba na lang ako ni Jigsz sa malapit sa bahay namin. Nahiya na din kasi ako sa kasama niya, hindi sila makapag-usap ng maayos ng dahil sa akin.

Sa bahay....

"Oh. Anak? Kamusta naman ang bakasyonista namin? Nag-enjoy ka ba?" bungad sa akin ni Mama.

"Ito po pagod". Wala na akong sinagot pa at dumiretso na lang ako sa kwarto ko. Hay pagod ako and guilty sa nangyare.. dahil sa akin hindi naging Masaya ang vacation na iyon.

Naririnig ko pa ang mga sinasabi ni Mama at Papa sa akin.. nag-aalala sila pero mas minabuti ko na lang itulog ang sama ng pakiramdam ko.

Kinabukasan sa School....

Hindi pa din maalis sa isip ko yung nangyare.. paano kaya kapag nagkaharap kami ni Migo, sa lahat ng ginawa niya para sa akin sa resort. Iyon lang ang isinukli ko sa kanya. Grabe naman ako sa ginawa ko. Nakakainis ka talaga Yumi! Kasalanan mo lahat e!

Nasa malalim akong pag-iisip ng may biglang tumawag sa pangalan ko. "YUMI!"

Paglingon ko si Yno iyon kasama si Russel, Jigsz at si.... Si Migo.

Ngumiti ako sa mga ito. "Good Morning sa inyo...."

Pagkalagpas nila sa akin.. hinintay kong si Migo naman ang tumapat sa akin para mabati din siya ng Good Morning ng personal.

"Migo! Good ---" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla itong naglihis ng tingin sa akin at hindi ako pinansin, saka ito nagtuloy sa paglalakad. Ramdam ko nasaktan ako. Pero masisisi ko ba siya kung yun din naman ang sakit na naramdaman niya sa mga sinabi ko.

Naglakad na lang ako at kunwari na lang hindi ako napahiya.

Sa room... agad na lumapit sa akin sina Charles at Jana.

"Good Morning Yumi" Bati ng mga ito sa akin.

Ngumiti ako sa mga ito saka bumati din. "Good Morning...."

Good Morning nga ba? Kung ganun naman ang pakikitungo sa akin ni Migo. Teka nga, bakit ba ako apektado masyado? Wala naman akong pakialam kung ganyan siya sa akin eh. Kasalanan naman din niya kung bakit siya nasasaktan tsaka totoo naman lahat ng sinabi ko kay Ken ano naman masama dun? Bahala na nga siya diyan.

"Yumi, malapit na pala ang Juniors Night" nabigla ako sa sinabi ni Jana.

"Juniors Night? May ganun ba dito?" gulat na tanong ko rito.

"Oo, meron dito nun. Balita ko nga Mascarade ang theme. Di ba, nakakaexcite? Sana masayaw ko lahat ng F4 HAHAHA ay..." bigla itong napatigil at napatakip ng bibig. "Maliban pala kay Migo.... Sorry Yumi" pagpapatuloy pa nito.

Gentle behind the Flowers BOOK 1Where stories live. Discover now