Chapter Six #StupidYUMI

231 4 0
                                    


YUMI'S Prove

Umakyat kami papunta sa room namin ng hindi nag-iimikan. Bwisit na Migo ito, balak pa atang sirain ang vacation kong ito. Hmp, hindi ako papayag. Grabe ang room namin nasa 3rd floor, kami lang talaga yung nahiwalay. The rest of the gang nasa second floor. Aba't kung minamalas talaga naman.

"Hoy! Saan ang punta mo. Dito kaya yung room hindi dyan!"

napatigil ako sa paglalakad. Kakaisip ko nagdirediretso na pala ako sa paglalakad. Naiinis akong bumalik sa kanya. Sino ba ang hindi maiinis? Kahit bagpack lang dala ko, mabigat pa rin ito. Hindi man lang ako tinulungan ng bwisit na ito. Aba't hindi pa ako hinintay talagang nauna pa pumasok sa loob ng kwarto, bwisit! Bwisit!

Inis na inis ako hanggang sa pagpasok ko pero.... OMG! Ang ganda sa loob ng room, akala ko para lang itong tipikal na room sa mga hotel, parang noong last time na nagkaconference si papa sa trabaho niya at sumama kami ni Mama. Grabe itong room na ito akala mo buong bahay namin. Naibaba ko ang bag ko at agad akong nagpunta sa biranda sakto naman nakabukas na dati ang pintuan. Hindi ko na pinansin si Migo, bahala na siya. Wow... tumambad sa akin ang napakagandang view ng resort. Ganda ng beach!!!! Buti na lang ready ako sayo.

"Grabe ang ganda!!!!" napasigaw ko. Grabe ang pagkamangha ko sa mga ganitong tanawin eh. Minsan lang din naman ako kung mamasyal kaya ako yung tipo ng tao na dalhin mo kahit saan, walang humpay ako sa pagsabi ng maganda. I can appreciate everything.

"Hello, Howard?" napasilip ako ng biglang mag salita si Migo. Nakahiga na pala ito sa kama at nakasalpak lang ang Bluetooth earphone niya sa tainga niya.

"Howard, can you buy me clothes? I don't have one. I forgot to bring my luggage. Just use the cheng migo account. You know my bank, right? Thanks"

Nakakamangha talaga itong si Migo. Mukha na talaga siyang businessman sa kinikilos at pananalita niya kahit na First year college pa lang siya ngayon. Pero teka lang, hindi siya nagdala ng gamit? Pero Bakit kaya. Nilapitan ko ito mula sa likuran. Nang silipin ko ito. Humihilik na siya. Tinanggal ko ang nakasapak sa taenga niya. Kahit na minsan nakakainis siya, hindi maitatanggi yung sweetness niya. Perfect boyfriend na nga siguro siya. Ay teka! Ano ba itong iniisip ko? Perfect boyfriend ng ibang girls pero hindi sa akin. Pinagmasdan ko ito. Napagod talaga siya sa buong byahe. Sabagay siya kasi ang nagmaneho. Kinumutan ko ito para maging kumportable ang pagtulog niya. At ako? Magsasaya habang tulog ang tigre hahahaha.

Bumaba ako sa at nagtungo sa beach. Grabe ang ganda at kahit tirik ang araw makikita mong napakasaya ng mga taong nagtatampisaw sa tubig dagat at ang mga batang nagtatakbuhan may mga foreigner pa.

"Yumi!" napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko. Si Rina kasama si Yno, ano ba yan bakit ba parang tadhana ang nagtatagpo sa aming tatlo lagi.

"Hello, Rina.. Yno" ngumiti lang si Yno sa akin.

"Nakita kita mula sa malayo, kaya agad kitang nilapitan. Where's Migo?"

Umiwas ako ng tingin sa kanila para hindi nila mahalata na awkward ako sa sitwasyon.

"Nakatulog siya, napagod sa buong byahe"

"ang cute ni Migo, a not so ordinary guy" napalingon ako dito. Ano daw cute si Migo? Sinabi niya yun sa harap ni Yno, napabaling ang paningin ko kay Yno. At nag-iwas ito ng tingin.

"Rina, balik muna ako sa room.. I think I need to take a rest din" sambit ni Yno.

"Okay, see you later" saka ito umalis. Ano yun? Ganun lang yun? Bakit parang kapag nag-usap sila walang sweetness? Hmm.. bakit ganoon?

"Yumi, I have something to ask" muli itong nagsalita pag-alis ni Yno.

"Ah, ano yun?" tanong ko.

Gentle behind the Flowers BOOK 1Where stories live. Discover now