Chapter Three #Migo'sRevenge

264 7 2
                                    

YUMI'S Prove

Lumipas ang dalawang linggo na iwasan at walang pansinan ang nangyare sa amin nila Russel, Jigsz at Yno. Yung dating mga kaibigan ko na lagi lang nasa tabi ko ngayon para na lang akong isang hangin nararamdaman nila na nasa paligid ngunit ini-ignore nila. Isa naman sa pinagtatakahan ko, dalawang linggo na ding hindi ko nakikita sa campus si Migo. Aminado ako sa sarili kong nag-aalala ako sa kanya ngunit hindi ko na magagawa pang kamustahin siya dahil ako na ang nagsabi na mawala na siya sa paningin ko.

"Yumi, tara kain na tayo" napabalik ako sa ulirat ng marinig kong magsalita si Charles. Natapos na naman pala ang subject namin na wala ako sa focus. Lumingon muna ako sa kinaroroonan nila Yno ngunit wala na ang mga ito doon kaya gumayak na ako at nagtungo na kami sa canteen.Napatigil kami sa paglalakad ng para bang may pinagkakaguluhan sa loob ng canteen. Halos ang mga estudyante kasi ay nakapalibot na sa labas ng canteen at tila ba nanood ng boxing match.

"Ano yun?" Gulat na tanong ni Jana.

Habang papalapit kami saka namin naririnig ang ingay mula sa loob ng canteen.Tilian at sigawan ang umaalingawngaw sa loob.

Hindi ko Makita kung anong nangyayare sa loob buti na lang at maliit lang ako feeling ko advantage ko yun. Pinagsiksikan ko ang sarili ko hanggang sa makapasok ako, naiwan naman sa labas ng canteen sila Jana at Charles. Pasensya na guys curious lang talaga ako.

At nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Si Migo, ibang klase na ang awra niya ngayon mukha siyang rakista na ewan at yung mala pineapple niyang buhok eh mas pinagtibay ng gel, may hikaw na din siya sa magkabilang taenga. Nakakatakot siya mukha siyang leader ng fraternity.

Nabigla ang lahat ng ibuhos niya ang Juice sa ulo ng babae. Saka naman naghiyawan ang lahat. Yung babae parang tindera sa canteen dahil sa uniform nito at may apron pa. napabaling ako sa mga nasa likod ni Migo yung tatlo at prenteng nanunuod sa ginagawa nito.

Ngunit hindi pa nakuntento si Migo, hinawakan nito ang plato na naglalaman ng spaghetti at tangka pa ata nitong isaboy sa mukha ng babae. Hindi pwede ito.

"MIGUEL GAVIN CHENG!!!! TUMIGIL KA NA!!!!"

Oh know! Yumina! Bakit nakialam ka na naman. Lagot na! hindi naituloy ni Migo ang pagsaboy sa babae. Napabaling ito sa akin, hinawi nito ang babae at nilakasan ko ang loob kong lumapit sa kanya.

"Wow! Nandito na pala ang tagapagtanggol ng campus na ito" nanahimik ang lahat sa sinabi ni Migo. At natuon ang paningin sa akin.

Napalunok ako bago tumitig sa galit na galit na awra ni Migo.

"Migo, hindi mo dapat ginawa iyon sa kanya" mahinahon na sambit ko rito. Ngayon nakakaramdam na ako ng pagka-ilang sa kanya.

"At sino ka para pigilan ako sa mga gusto kong gawin?" napakagat labi ako sa sinabi nito medyo masakit yun.

"Ahm-" hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng bigla ko na lang naramdaman ang tila malagkit na bagay na sumaboy sa mukha ko.

"AWWW!!!!" dinig kong sigaw ng mga tao sa paligid. Isinaboy pala sa akin ni Migo ang spaghetti. Hindi ko na napigilang umiyak ngunit nakatayo pa din ako sa harap nito.

"Yan ang dapat sayo, pakialamera ka kasi" habang dahan dahan itong lumalayo sa harapan ko ay dahan dahan din akong nakaramdam ng pagmamanhid ng buong katawan ko. At para akong nabingi sa mga sigawan na nasa paligid namin sigaw na lang nila Charles at Jana sa pangalan ko ang huli kong naalala.

Nagising na lang ako na nasa clinic na pala ako.

Pagmulat ng mga mata ko si Yno ang nabungaran ko. "Y-Yno?"

Hindi ako narinig nito dahil nag-giguitara ito. Luminga linga pa ako sa paligid ngunit na pagtanto kong kami lang dalawa ang nandito sa clinic.

Pinakinggan kong mabuti ang tinutugtog nito. Sa himig na Your love ng alamid pala iyon. Napalingon ito sa akin at napatigil sa pagtugtog. Grabe ang galing niya talaga sa instrument yung tipong para niyang pinapakanta iyon.

Gentle behind the Flowers BOOK 1Where stories live. Discover now