Yumi's Prov-
Hindi ko maintindihan ang sarili ko.. bakit pilit na bumabalik sa isip ko lahat ng ginawa niya.. Parang hindi siya si Migo. Mas masahol pa sa Halimaw ang itsura niya..
Flashback..
"HINDI AKO LASING!! SAGUTIN MO AKO?! BAKIT SI YNO? BAKIT HINDI AKO?!!! DAHILAN MO LANG BANG IWASAN AKO DAHIL SA GINAWA KO SAYO PARA ANO?!!! PARA MAGSAMA NA KAYO NI YNO!!!!"
"KUNG HINDI KITA MAKUKUHA SA MABUTING USAPAN, KUKUNIN NA LANG KITA SA PARAAN NA KAYA KO!"
[End of Flashback]
Bakit ganoon ang mga sinabi niya sa akin? Ano bang ibig sabihin noon? Seryoso ba siya? O, nadala lang siya ng kalasingan niya.
Ring.. Ring..
Nasa malalim akong pag-iisip ng biglang nag ring ang cp ko.
Si Yno. Agad kong sinagot ang tawag niya.
"Hello, Yno?"
Sa kabilang linya.. "Yumi, kamusta ka na? masama pa ba ang pakiramdam mo?"
Oo nga pala, after ng nangyare hindi ako nakapasok sa school at sa part time job ko. Buti na lang at naintindihan naman ako ng Manager ko at ni Erica na pansamantalang reliever sa akin.
"Ahm.. okay naman na ako. Yno, sure ako bukas makakapasok na ako"
"Sigurado ka ba? Wag ka mag- alala susunduin kita, bukas. Okay?"
"Okay. Thank you, bye."
Sa totoo lang hindi ako okay. Iyon talaga ang totoo.. kasabay ng pag iisip ko sa nangyare 40 degree Celsius pa din ang taas ng lagnat ko. Pero naisip ko konting pahinga lang naman e, gagaling na din ako.
Ding... Dong....
Napabalikwas ako sa nagdoorbell. Napatingin ako sa wall clock sa kwarto ko, 10:15pm? Sino naman kaya ang pupunta dito sa bahay ng ganitong oras. Si Yno kaya? Pero hindi e, kakatawag lang niya.
Agad akong lumabas ng kwarto ko para tunguin ang pinto ng sala.
Pagbukas ko, muntik ko ng maisara ulit. Dahil sa pagkabigla sa nabungaran ko.
"Anong ginawa mo dito?" tinakpan ko ng cardigan ang katawan ko.
"Yumi, okay ka na ba?" pilit nitong hinahawakan ang noo ko.
Hinawi ko iyon. "Umalis ka na! bakit ka ba nandito?! Subukan mong gumawa ng masama ulit. Sisigaw ako!"
Lumabas ito at bahagyang may kinuha lang..
Plastic? Inilagay niya iyon sa ibabaw ng dining table. Sinundan ko lang siya ng tingin.
"Kumain ka na ba? Nagpaluto ako ng soup sa butler ko.. maraming herbs ang nilagay para maging okay ka.."
Lumapit ako dito.
"Bakit mo ba ito ginawa, Migo?! Ano bang intension mo?"
Natahimik ito at umupo sa upuan.
"I-- I'm sorry Yumi..."
Napatingin ako dito. Ang amo ng mukha niyang nakatitig sa akin. Madalas ko naman noon naririnig ang sorry niya pero this time parang iba.
Hindi ako nakaimik sa sinabi niya.
"I was so drunk.. I can't control all my emotions"
"Bakit—Bakit mo nagawa iyon?"
Tumingin ito ng matiim sa akin.
"Be-- Because.. I love you, Yumi"
Napaatras ako mula sa pagkakatayo at nabigla sa sinabi niya.
YOU ARE READING
Gentle behind the Flowers BOOK 1
FanfictionYumi, is a simple girl who live with a simple life though she have four richest friends in the whole campus, she continue to who she is. Si Migo, ang leader ng F4 and Yumi's Bestfriend. but behind his sweet and handsome image there is a beast side o...