YUMI'S PROV-
Ano bang tumatakbo sa utak ng Migo'ng iyon. "DATE?" nahihibang na talaga siya.
Hindi ko maiwasang malungkot dahil pumunta rin ng London si Yno at sinundan si Rina. Hindi ako malungkot ng dahil lang sa dahilan ng pagsunod ni Yno ngunit malungkot lang dahil nasanay akong lagi siyang nasa tabi ko. Even dito sa Coffee shop lagi siyang naghihintay sa akin.
"Good Evening, Sir" napaangat ako ng ulo sa taong nasa harapan ko.
"Good Evening" hindi ko alam kung matutuwa ako or what sa taong ito ngunit nakaka-intimidate ang ngiti nito sa akin.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Sinusundo kita"
"Migo, ano bang nasa isip mo, hindi ko pa out nuh. Tsaka maghihintay ka ng matagal kaya mauna ka na umuwi"
Hindi na niya ako pinansin pa at lumabas na lang ito. Nakaramdam naman ako ng awa. Naku, may na sabi ba akong mali.
Mga ilang minuto lang bumalik ito at may bitbit ng boquet of red roses.
Iniabot ito sa akin. Nagtinginan naman lahat ng customers namin.
"Here." Sakto namang dating ni Erica.
"Wow, ang sweet naman"
Nahiya ako sa sinabi nito at agad akong lumabas ng counter at tinulak siya papalabas. Ngunit nagpumigil ito.
"Bakit ba? Ayaw mo ba nito?"
"BAKIT MO BA ITO GINAGAWA?!" tanong ko sa kanya na medyo napataas ang boses ko.
"Kasi gusto kita!" ramdam ko. Ramdam kong namula ang pisngi ko.
YUN NAMAN PALA EH!! GUSTO KA NAMAN PALA EH!!! TANGGAPIN MO NA!!
Grabe pati mga customer namin nakisawsaw na. Hay Miguelito!
"pwede ba wag dito, Migo" bulong ko.
"Mahal kita Yumi! At wala akong pakialam kung malaman pa ng lahat ng naririto."
Napatulala na lang ako at inabot ang bulaklak mula sa kanya. Saka naman nagkantyawan ang mga tao ng KISS! KISS! KISS!
"Hahaha.. hindi pa po ako sinasagot kaya hindi pa pwede"
Sa sagot na iyon ni Migo, hindi ko naiwasang lingunin siya at bahagya akong natuwa sa sinabi niyang iyon. Seryoso ba talaga siya?
30 minutes after and then one hour and two hours...
"Hey! I want a cup of coffee please.." napalingon ako sa nagsalita at si Migo iyon. Kanina pa niya ako hinihintay at kanina pa din siya order ng order ng kape.
"But Sir, that's your fifth order.. I think its not appropriate to.." hindi naituloy ng waiter ang sasabihin niya ng magsalita si Migo.
"Are you the customer?!!! Bakit ba mas marunong ka pa sa akin?!"
Oh, no! mainit na ulo niya.
"Ahm, Kyle.. ako na bahala dito. Thank you, sa iba ka na lang magserve"
Tumango ito. "Okay, Ate Yumi" saka ito bumaling sa ibang customer.
Nilingon ko si Migo ngunit nabigla ako sa awra nito.
"Hey.. I'm not mad, I'm just a little bit tired of waiting...."
Napangiti ako dahil akala ko tigre ang haharapin ko, kundi isang maamong tupa. Nagbago na ba talaga siya?
"Anong nginingiti mo?" napabalik ako sa ulirat ko sa sinabi niya.
"sige na, mag-out na ako"
Biglang umaliwalas ang mukha nito at this time with a big smile.
YOU ARE READING
Gentle behind the Flowers BOOK 1
FanfictionYumi, is a simple girl who live with a simple life though she have four richest friends in the whole campus, she continue to who she is. Si Migo, ang leader ng F4 and Yumi's Bestfriend. but behind his sweet and handsome image there is a beast side o...