Chapter Twelve #Don'tdothisMIGO!

228 3 0
                                    

Yumi's Prove

After ng klase namin kanina agad kaming nagtungo ni Yno sa Dean's office. Para pakiusapan na wag akong bigyan ng night class. Nabanggit kasi ng Professor namin na magkakaroon na daw ng shifting schedule. Pumayag naman dahil na rin sa tulong ni Yno. Thanks to him, right after nagtungo kami sa Coffee shop hinatid na niya ako. First day ko din kasi.

"Yumi, by the way this is Erica. She will be the one to train you"

Ngumiti ito sa akin at ganun din naman ako. Nagshake hands kaming dalawa. Feeling ko makakapalagayan ko siya ng loob.

"Hi, ako nga pala si Erica"

"Hi, ako naman si Yumi"

"Yumi pala pangalan mo.. nawalan kasi ako ng chance na magpasalamat sayo noong last time na nagkaharap tayo"

Napaisip ako sa sinabi nito ibig sabihin magkakilala na kami noon pa?

"Ahm, nagkakilala na ba tayo?" tanong ko rito.

Tumango ito. "Ako yung muntik na tapunan ng spaghetti ni Migo sa canteen".

Nag-flashback saglit sa utak ko yung nangyaring iyon kaya naalala ko na siya.

"Ah—ikaw pala iyon, sorry ah.. mali ang naging trato sayo ni Migo"

Umiling ito at ngumiti sa akin. "Hindi ah.. wag kang magsorry kasi kasalanan ko naman kaya siya nagalit noon.. sobrang antok ko kasi galing dito sa trabaho nag-overtime ako sinalo ko yung schedule ng isa sa mga crew.. dagdag kita na rin.. tapos inabot na ako ng umaga kaya nagmadali na ako pumasok.. sumakto naman na ako yung kumuha ng order niya at nagkamali ako imbis na Rice Salami eh.. Spaghetti yung naibigay ko kaya nagalit siya"

"Ha? Ganun ba? Pero hindi ka nag-aaral?" naisip ko parang twenty four hours siyang nagtatrabaho.

"Oo, puro lang ako trabaho.. saka na ako mag-aaral kapag may sapat na ipon na.. nasa probinsya ang mga magulang ko pati mga kapatid, pagsasaka lang ang ikinabubuhay namin.. nakipagsapalaran ako at luckily nakapasok sa Cheng University bilang canteen servant tapos nag try ako ng part time job at ito nandito na ako"

Habang nagkukukwento siya hindi ko mapigilan na maisip na hindi lang pala ako ang may ganitong sitwasyon. Akala ko yung sitwasyon ko ang pinaka mahirap sa lahat.. mali pala.. may mas higit pang matindi ang pinagdadaanan kaysa sa akin.

"napakabait mo namang anak, Erica"

"Salamat Yumi.. ikaw din naman eh, sa tingin ko mabait ka din.. kasi hindi mo hinayaang mapahiya ako noong mga oras na iyon.. and siguro pinagtatagpo talaga tayo na magkaharap ulit. Masaya akong makatrabaho ka, Yumi."

Ngumiti ako dito.. magaan kong nakasalamuha si Erica.. Bagong Buhay at bagong kaibigan.

Kinabukasan..

MIGO'S PROV-

Parang halos araw araw na lang naglalakad akong mag-isa, I feel so alone.. though kahit na gumagawa ng paraan sina Jigsz and Russel na bigyan ako ng oras na makasama sila.. still I feel lonely..

Nasa gitna ako ng paglalakad, bigla akong napahinto.. gusto ko umiwas at lumihis ng daan ngunit parang ayaw ng puso ko at siyang nagpapagalaw ng buong katawan ko.. I really really miss her.. napahinto siya ng makita ako.. mga ilang sandali kaming nagkatitigan.. ngunit umiwas siya ng tingin sa akin.. nagtuloy siya sa paglalakad at nilagpasan ako.. sobrang sakit.. bakit ko hinayaang lumayo sa akin yung taong kahit anong gawin ko noon, handa akong patawarin.. I miss you, YUMI.

Wala akong nagawa at hindi ko na siya nilingon.. kailangan kong umiwas para hindi ko na din siya masaktan pa.

YUMI'S PROV-

Gentle behind the Flowers BOOK 1Where stories live. Discover now