CHAPTER FOUR #HELLORINA

270 8 1
                                    

YUMI'S Prove

After ng nangyare kahapon..pumasok akong punong-puno ng kaligayahan ang puso ko kasi kami ni Migo, okay na. Bumalik na kami sa dati. At lalo pa akong napapalapit ngayon kay Yno.

Habang naglalakad kami sa school ground, bawat madaanan namin nagsosorry sa akin. Napapangiti na lang ako dahil alam kong pakana na naman ito ni Migo.

Mula sa malayo nakita kong naglalakad sina Charles at Jana, kaya patakbo akong nagtungo sa kanila at inakbayan ang mga ito.

"Yumi?" gulat na gulat ang mga ito sa akin. Bumitaw ako sa pagkakaakbay sa kanila at humarap ang mga ito.

"Hi! Guys!" bati ko sa mga ito.

"Yumi. Sorry!!!!"

"Bakit ba kayo nagsosorry? Dapat nga si Migo ang mag-sorry sa inyo. Di ba Migo?"

Nilingon ko si Migo at napanganga ito sa sinabi ko. "Ako?"

"Yumi, nag-uumpisa ka na naman eh" dinig kong sambit ni Jigsz.

Ngunit nakatitig lang ako kay Migo lumihis ito ng tingin sa akin at..

"Fine, I'm sorry to the both of you" saka ito nagtuloy tuloy sa paglalakad.

Napanganga naman ang tatlo pati na sina Charles at Jana.

"Teka, tama ba narinig ko nagsorry si Migo?" gulat na tanong ni Russel.

"Wow, nag-eclipse ba?" tanong naman ni Jigsz.

Napangiti ako sa inasal ni Migo. Baka nga magbabago na siya.

Tinapik ako ni Yno. Saka ito ngumiti sa akin. At sinundan nila si Migo.

"Yumi, nagsorry sa amin si Migo!" gulat na sambit ni Charles.

"wow, paano mo nagawa yun Yumi?" napaismid na lang ako sa tanong ni Jana. Ang totoo kahit ako nagulat sa inasal ni Migo ngayon pero Masaya ako dahil feeling ko matatahimik na ang Cheng University.

After Class..

"Yno, nabalitaan kong nandito na sa pinas si Rina" napalingon ako kay Yno after kong marinig iyon kay Russel.

Si Rina, ang school muse noong Junior High kami. Grabe ang pagkagusto ni Yno kay Rina, halos twing uwian hinihintay siya ni Yno para lang tugtugan ng gitara ngunit ang sabi wala daw special na nararamdaman si Rina para kay Yno. Nakaramdam ako ng inggit. Sana ako na lang si Rina. Paano na kung nandito na siya ulit. Paano na kami ni Yno?

"Ahm, edi okay kung ganoon" sagot naman ni Yno.

Yun lang? Yun lang ang sagot niya? Ano yun?

"Yun lang? hindi ka ba Masaya na magkikita na kayo ulit?"

Napasimangot ako sa narinig. Magkikita na sila ulit, kapag ba nagkita sila ano ang magiging reaksyon ni Rina. Baka magkagusto na siya kay Yno, lalo pa gumagwapo na ito lalo.

Nasa malalim akong pag-iisip ng mapalingon ako kay Migo. Napansin kong tulala ito sa akin. Teka? Ano naman problema ng isang to..nilakihan ko siya ng mata. At napansin nitong nahuli ko na siya kaya naglihis ito ng tingin sa akin. Problema nito?

Nakasimangot ako ng biglang tumuon ng atensyon sa akin si Yno.

"I think. I don't care for her anymore" napatulala ako sa sinabing iyon ni Yno. Ngunit bakit nakatitig siya sa akin? Anong ibig sabihin nun?

Ngumiti ito sa akin, isa pa iyon sa nagpagulo ng isip ko.

"Let's go! Nagugutom na ako!" nag-iwas lang kami ng tingin ng magsalita na si Migo. Pero anong ibig sabihin ng mga sinabi niya? At bakit ganoon na lang ang titig sa akin ni Migo.

Gentle behind the Flowers BOOK 1Where stories live. Discover now