MIGO's Prove
Bigla na lang ako nagising mula sa pagkakatulog at napatulala na lang ako sa mukha na nabungaran ko. Napangiti ako ng maisip ko na nakatulog kaming magkatabi ni Yumi. Ang amo ng mukha niya kapag natutulog, sa tagal ng pagkakaibigan naming dalawa bakit ngayon ko lang napansin na maganda pala siya.
Napabalikwas ako ng bigla itong gumalaw at unti unting nagmulat ng mata. Umupo ako agad para hindi niya malaman na magkatabi kami natulog kagabi.
Umunat ito saka nagsalita. "Good morning Migo" saka ito ngumiti.
Sana ganito na lang kami palagi. Ang ganda siguro araw araw ng gising ko.
"Good Morning.... Tara na asikaso na tayo para magbreakfast"
Tumango ito sa akin ng pagsang-ayon niya.
Nag-ayos muna kami ng sarili bago bumaba para mag-almusal.
Habang nasa elevator.
"Migo—" napalingon ako sa kanya ng magsalita siya.
"Bakit?" tanong ko dito. bumilis bigla ang tibok ng puso ko ng hawakan niya ang kamay ko.
"Pwede bang ganito tayo para naman.... ano.... Maniwala sila na tayo na talaga"
Napatulala ako.. hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya.
"Hoy! Migo!" napabalik lang ako ng ulirat ko ng magsalita siya ulit.
Hinawi ko bigla ang kamay niya. "Ayoko nga" pagtanggi ko, hindi ko alam kung anong irereact ko eh.
"Ha? Grabe ka naman! Natulog ka lang ganyan ka na!"
Biglang nagbukas ang pinto ng elevator. "Ah basta! Ayoko!" saka ako nagmadali lumabas ng elevator. Ginawa ko yun hindi para asarin siya hindi ko lang talaga alam gagawin ko sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko parang sasabog eh.
"Migo!" dinig ko pang tawag niya sa pangalan ko.
YUMI's Prove
Bakit ganun? Akala ko ba okay na siya sa set-up naming dalawa.. tapos, iiwan lang niya ako bigla sa ere?! Bwisit na to!
Lumakas ang tibok ng puso ko habang papalapit kami sa dining table kung saan natanaw ko na ang barkada pati si Rina at Yno.
Nauuna ang mokong akala mo hindi ako kasama. Napayuko na lang ako, ngunit hindi ko namalayan na nasa harapan ko na ulit si Migo.
Pinandilatan ko siya ng mata ko, at nginusuan.
Nanlaki ang mata ko ng may biglang may malambot na bagay ang dumampi sa labi ko.
"Gusto mo lang pala ng kiss sa harap pa nila...." Napatulala ako ng bigla niyang ginawa sa akin yun. Ah—Anong????!!!!!
"Wow... inggit ako!" napalingon ako kay Russel sa sinabi niya at doon ko lang napagtanto na sa amin na pala sila nakatuon.
"Grabe, ang aga ng sweetness niyo ah.... " sabat naman ni Jigsz.
Napakunot ako ng noo at muling nagbaling ng paningin sa bwisit na migong ito.
"Tara na, Babe. Alam kong napagod ka kagabi at sure akong gutom na gutom ka na"
"Whoa" sabay na sabit nila Jigsz at Russel, mga mokong talaga nagsama.
HAH??!!! Ano bang pinagsasabi niya!!!! Migo Cheng! Bwisit ka talaga!!!!!!
Naupo na lang ako sa tabi ni Jana at halos hindi ako mapakali sa upuan ko. Tumabi sa akin si Migo. Pag-angat ko ng mukha si Yno pala ang katapat ko, nakatitig ito sa akin kaya naglihis ako ng tingin sa kanya at nahagip naman ng mga mata ko si Rina na nakatingin din sa akin kaya nagtuon na lang ako sa pagkain.
YOU ARE READING
Gentle behind the Flowers BOOK 1
FanfictionYumi, is a simple girl who live with a simple life though she have four richest friends in the whole campus, she continue to who she is. Si Migo, ang leader ng F4 and Yumi's Bestfriend. but behind his sweet and handsome image there is a beast side o...