YUMI'S Prove
4:00pm
"ahm, x is equals to 10?" sagot ko sa tanong ni Yno. Pinaka hate ko talaga ang college algebra.
"Yes! Tama sagot mo Yumi." Nagulat ako sa sinabi ni Yno. Napahawak ako sa kamay niya at inapir apir iyon sa sobrang saya.
"Grabe! Ang saya ko!" hindi ko na namalayan na overacting na pala ako at nakatitig na siya sa akin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. OMG! Nakakatunaw na ang mga tingin niya sa akin. Dahan dahan kong binitawan ang kamay niya.
"Ahm--- hehe sorry na carried away ako" nailang ako sa mga titig nito sa akin. Kaya tumayo na ako.
"Tara na, Yno. Malamang hinahanap na tayo. Baka hinahanap na ako ni Migo" paanyaya ko dito.
Biglang lumungkot ang mukha nito.
"Migo? bakit Yumi, bakit ka niya hahanapin?" nabigla ako sa tanong ni Yno.
"Ahm, Oo. Alam mo naman yun, tsaka ako kasama niya sa room eh"
"So, may feelings ka na ba para kay Migo?" bigla akong naguluhan sa mga tanungan ni Yno. Bakit parang ang seryoso naman ata ng mga tanong niya sa akin.
"Ano ka ba Yno, kung magtanong ka para naman hindi mo kilala si Migo" Ani ko dito. Na sa totoo lang hindi ko alam kung bakit ako sobrang kinakabahan na sagutin ang mga tanong niya sa akin.
"Bakit? Anong meron sa akin?" sabay kaming napalingon sa nagsalita.
Si Migo. kasama niya si Rina. Teka bakit sila magkasama? Anong meron.
"Migo-Rina---" nasambit ko.
"We've been looking for you guys kanina pa, and nandito lang pala kayo" sambit ni Rina. Lumayo ako kay Yno, sya namang paglapit nito.
"Ah, nayaya lang ako ni Yno magreview sa college algebra"
"Niyaya ka niya? Just the two of you? Bakit kayo lang?" tanong ni Migo.
"We didn't see you naman the time na magkasalubong kami ni Yumi. Kaya kami lang dalawa" sagot naman ni Yno. Tumango naman ako pagsang-ayon sa sinabi ni Yno.
"Really? Ganun ba kalake ang resort namin para makaligtaan niyo kaming yayain?" ano bang ibig sabihin nitong si Migo. nakakainis na ang pinupunto nito ah.
"Oo, masyadong malaki. Kung kayo nga sabi mo kanina pa naghahanap sa amin di ba?"
Naku naman sumagot pa si Yno.
"Forget it. Ang mahalaga nahanap na natin sila. Let's go, ayusin na natin yung para sa activity natin mamaya" sambit ni Rina.
"Activity?" gulat na tanong ko. May mga ganun pala kami ngayon.
"Yes. May bonfire and barbeque party tayo later. Kaya tara na Yumi help me to organize ha?Kayong dalawa sumunod na rin kayo."
Sumunod na lang ako sa sinabi ni Rina.
Seaside....
YUMI'S Prove
Tahimik lang kaming nag-prepare ng barbeque ni Rina. Tipong walang imikan. Tapos yung mga barkada namin nakapalibot na sa bonfire.... Hindi na pinatulong ni Rina si Jana sabi niya kaya naman na daw namin ito.
"Ahm-Rina, Ideya mo ba ito? Masaya kasi kung may mga ganitong activity" pambabasag ko sa katahimikan.
Tumango lang ito sa akin. Aw, parang may mali sa sitwasyon naming dalawa ngayon. Hinayaan ko na lang siya. Mga ilang minuto ay nagsalita din ito.
"Yumi, alam mo ba.... Ano.. kasi... " utal utal nitong salita.
"Ano yun Rina?"
"Nagkiss na kami ni Yno" napatigil ako sa pagpaypay ng barbeque.
YOU ARE READING
Gentle behind the Flowers BOOK 1
FanfictionYumi, is a simple girl who live with a simple life though she have four richest friends in the whole campus, she continue to who she is. Si Migo, ang leader ng F4 and Yumi's Bestfriend. but behind his sweet and handsome image there is a beast side o...