Chapter 18 #MeetHisFamily

194 3 0
                                    

YUMI 's Prov

OMG!  Grabe ang bilis ng mga pangyayare.. bakit ko nasabi?  nandito ako sa kotse niya na nakatigil sa tapat mismo ng mansion nila., oh di ba?!  kinakabahan ako.  noon ayos lang na makapunta ako dito dahil matalik ko siyang kaibigan pero ngayon lalo na sa mga naging revalation ko kanina aba!  nakakatuliro!!!!Baba ba akong kotse o hindi!!!  naku!  Yumina!!! 

Nandito kami ngayon sa bahay nila dahil saktong sakto talaga ang biglang buhos ng ulan paglabas namin papuntang parking area after the event.  As in buhos talaga. Dahil sa basang basa kami pareho ng ulan nagdecide siyang dumiretso kami sa bahay nila para makapagpalit ako ng damit.  Marami naman daw napagliitan na damit ang Ate niya na never ko pang nameet nasa China kasi ang buong pamilya niya siya lang ang nandito dahil kagustuhan niya. 

biglang bumukas ang pinto sa side ko.  "Wifey,  Let's go"

Paanyaya ni Migo na may hawak ng Payong . "Ahm,  uwi na lang kaya ako hubby" 

"WHAT?!  No way!  basang basa ka dahil sa ulan,  tara na baka magkasakit ka pa!"

"Pero kasi--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla siyang magsalita. 

"Wala ng pero pero..  Yumi,  bumaba ka na! "

Sumunod ako sa sinabi niya baka maging tigre pa siya kapag tumanggi pa ako. 

Inakbayan niya ako at inalalayan papasok ng mansion nila.  As in Mansion! 

Pagpasok namin doon agad kaming sinalubong ng isa sa mga katiwala nila. 

"Ate Lor,  paki naman kuhaan mo siya ng damit na pamalit and paki asikaso na rin siya" Ani ni Migo. 

"Opo,  Young Master"

Wow! Hanggang dito ba naman yan ang tawag sa kanya.. Kahit naman napupunta kami dito noong mga bata pa kami ngayon ko lang na-appreciate ang tawagin siya ng mga kasama niya dito ng Young Master. Dahil nga siguro puro laro lang ang nais namin yung mga bagay na nakakamangha sa akin ngayon eh,  baliwala noon. At saka madalang na din akong sumama sa kanila simula ng magdalaga ako at ang last time na naaalala kong pumunta ako dito noong napagtripan niya ako. 

"Wifey,  Sumama ka na sa kanya, I'll see you in the living room after ten minutes" 

Bahagya akong nailang dahil napangiti si Ate Lor, siguro dahil sa tawag sa akin ni Migo. Tumango ako dito hudyat ng pagsang ayon ko.  saka siya bumitaw sa akin at dumiretso sa second floor.  

Nakaka amazed ang ganda talaga ng bahay nila Migo. kahit makailang beses na akong nakarating dito hindi pa din ako makapaniwala sa ganda. hindi ko rin natatandaan ang mga maids and butlers niya dito kasi bawat punta ko iba iba ang sumasalubong sa kanya. 

"Young Miss,  Halika na po"

napabalik ako sa ulirat ko ng biglang magsalita si Ate Lor.  "Ah! opo pasensya na hehe"

Sakto sa akin ang damit na pinahiram sa akin ni Migo.  Pagbukas ko ng pinto ko nagulat ako sa nabungaran ko. 

"Migo!  akala ko ba sa Sala tayo magkikita bakit andyan ka?!" Gulat na tanong ko. 

"Namiss kita agad eh" sabay ngumiti ito na nagpagwapo lalo sa kanya.  

Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi.  "Hmmm..  Pasaway ka talaga"

Binaba nito ang mukha niya sa akin.  "Kiss muna?" Ramdam ko na namula ang pisngi ko. 

Bibigyan ko na sana siya ng halik ng biglang may nagsalita. 

"What's happening here?! " 

Napabitaw ako kay Migo at agad naman din siyang nag-angat ng mukha niya sa taong nagsalita. 

Gentle behind the Flowers BOOK 1Where stories live. Discover now