CHAPTER TEN #HeBrokeherHeart

193 5 0
                                    

YUMI'S Prove

Umalis kami ng bahay around Five in the afternoon.. dumaan muna kami sa boutique kung saan magpapalit si Rina. Imagined kasama niya ako doon and I already wearing that Unicorn costume.. pero natuwa naman ako kasi maraming humangha sa akin at nagpakuha pa ng letrato. Naging instant celebrity ako hahaha.

After niyang magsukat ng mga gagamitin niya. Naamazed talaga ako sa kanya kasi kahit anong suotin niya bagay lahat talaga. Dumating kami ng saktong Seven O'clock sa School. Maganda sobrang ganda ang ayos very Elegant.. iyon ang nasa isip ko habang naglalakad kami papasok sa event area. Pero teka lang parang may pumipigil sa akin na pumasok sa loob, habang unti unti kaming naglalakad ni Rina papasok parang unti unti rin akong nakaramdam ng kaba at takot na nag-uurong sa akin pumasok doon.. habang mula sa tahimik na lugar ay naririnig ko na ang iba't ibang ingay sa loob, napalunok na lang ako ng isang hakbang nalang nasa entrance na kami.. Nagtataka ba kayo kung bakit wala akong Escort? Mga ilang minuto bago kami umalis ng bahay tumawag kay Rina si Migo, malilate daw siya kaya hindi na niya ako masusundo. Sumang-ayon na lang ako para na din may makasama si Rina. Bumalik lang ulirat ko ng biglang dumilim sa paligid. Napakapit kami ni Rina sa isa't isa.

"Brown-out ba?" tanong ko dito.

"Hin—Hindi ko din alam.. sobrang dilim"

Agaran din nawala ang takot namin ng ang spotlight sa amin na nakasentro.

Lumakas lalo ang kaba ko.. parang may mali..

"Anong—" hindi naituloy ni Rina ang sasabihin ng may biglang nagsalita.

Naaninag ko mula sa stage ang isang lalaki na may hawak ng microphone.. nakaformal ito at may mask ang mukha kaya hindi ko siya makilala ngunit sa boses niya alam ko na kung sino.. Si... MIGO ba yun?...

"Good Evening, Everyone welcome to Our College Ball 2018 on our mascarade theme"

Bigla kaming nagkatinginan ni Rina.. humigpit ang hawak niya sa akin, sure ako wala rin siyang alam, ramdam ko na ang tingin ng lahat sa amin lalo na sa akin..

"oh! Hi Miss you are so beautiful at this very moment"

Tuon nito sa amin.

"Miss Rina, you can now go to your respective area for being our special guest"

Biglang may lumapit kay Rina at inalalayan ito ayaw man niyang bumitaw sa pagkakahawak sa kamay ko ngunit pinilit siya ng taong nakamascara.. naririnig kong ako na ang pinag uusapan nila.. nangangatog na ako sa kinatatayuan ko at ang spotlight ay nakatuon pa din sa akin.. natatakot na ako.. hindi ko na alam gagawin ko, agad akong tumalikod heading the exit ngunit..

"Teka.. Miss.." napaharap ako agad ng bigla akong pansinin nito.. ano ba ito?

"I think.. teka Do you have an invitation for tonight?" hindi ako nakasagot kasi wala naman talaga.

"Ano ba Migo?!" dinig kong sabi ng isa. Alam kong si Charles iyon. Migo? So, si Migo nga talaga ito.

"The theme is mascarade and you are wearing Unicorn? Wait, Is that Unicorn costume?" biglang nagtawanan lahat ng mga tao roon.. namumuo na ang mga luha ko, gusto ko ng umalis sa lugar na ito.

"You think this is a children's Party? You gate crash.. do you know that?"

"Migo! That's enough!" napayuko ako alam kong si Yno iyon. Pero hindi pa nakuntento si Migo at lumapit pa siya sa akin, ngunit hindi ako nag-angat ng mukha sa kanya.

"So, this girl is Carla Yumina Velasco, Our gate crasher for tonight!"

Hindi na napigilan ng luha ko ang umagos sa sobrang sakit.. ito pala.. ito pala ang balak niya.. ang mapahiya ako..

Gentle behind the Flowers BOOK 1Where stories live. Discover now