1.LOOKING FOR JOB

6.5K 100 4
                                    

REBEKAH's POV

"Manang Beth, nakahanap na po ba kayo nang pwede kong matrabahuan? Kailangan ko lang po talaga ng mapagkakakitaan. Kailangan po kasi ni Lola ng panbili ng gamot." Nag-aalalang paghingi ng tulong.

Binigyan niya ako ng malungkot na ekspresyon. Alam ko na agad ang ibig sabihin nito.

"Wala pa anak eh. Pero katulad ng ipinangako ko hahanapan kita. Oh ito muna para pambili ng gamot nang Lola mo." Saad sabay abot ng pera. Kumunot ang noo ko at umiling-iling. "Naku hindi ko na po yan matatanggap. Subra-subra na po ang naibigay niyo at utang namin sa inyo." Agad kong inabot ang pera pabalik sa kamay niya.

"Hindi, kumpara sa buhay ng iyong mga magulang sa pagligtas ng buhay ng anak at asawa ko ay kulang pa ang lahat ng pag-aari ko." Malumanay na saad. "Kaya pakiusap tanggapin mo ito." Pagpupumilit niya.

Inabot ko ang pera. "Maraming salamat po uli. Lalaking tulong po ito." Saad ko bago umalis.

Ako si Rebekah Montazur Cleoma anak nina Benedick Tohelo Cleoma at Amanda Jade Montazur Cleoma ang dalawang mahuhusay at mabubuting tagapagpangalaga ng palasyo nitong aming bansang Norrieyale. Pumanaw sila noong nakaraang labing dalawang taon.

May nangyaring pagsunog noong mga araw na iyon at sila ang nautusang tumulong sa mga mamamayang nasunugan. Agad nilang sinunod ang utos ng hari. Nagkataong pagdating ay naiwan sa nasusunog na bahay ang mag-amang Markez na mahimbing na natutulog. Agad humingi ng tulong kina papa si Manang Beth na kararating galing sa bayan.

Walang pagdadalawang isip naman nila itong tinulungan. Unang lumabas si papa. Nang lalabas na si mama dala-dala si Juveryl ang nag-iisang anak ng Markez ay biglang may nahulog na umaapoy na parte ng bubong na humarang sa daan palabas. Para masigurado ang kaligtasan ng bata ay hinagis niya ito palabas.

Nakita ni Papa ang ginawa ni Mama kaya agad niyang ibinaba ang lalaking buhat-buhat. Bumalik siya para subukang tulungan at iligtas si mama. Isang malakas na pagsabog ang pumatay sa kanila.

Magmula nun sinigurado ni Manang Beth o Maribeth H. Markez at Sikara B. Markez na katulad ng pagturi sa anak nilang si Juveryl H. Markez ay ganon rin ang magiging pagtutok nila sakin.

Ramdam na ramdam ko iyon kahit na nong kinuha ako nila lola ay wala paring pinagbago. Inuulit ko ako nga pala si Rebekah, labing walong taong gulang at isang mamamayan ng Norrieyale. Kami ang nagsasaka upang mapaglingkuran ang palasyong nag-poprotekta samin. Kaso wala kaming malawak na lupain para pagsakahan kaya nagpapatulong ako sa aking itinuturing pamilya bukod kay lola at lolo na makahanap ng kahit anong uri nang trabaho basta matino at di nakakasama sa ibang tao.

"Ito na po ang gamot mo lola." Saad ko habang dala-dala ang isang baso ng tubig at ang gamot na nakatakdang inumin niya. "Binigyan ka nanaman ng pambili ni Beth, tama ba?" Tanong ni Lolo.

Tumango ako. "Opo, kahit po tanggihan ay binibigyan niya parin ako at laging dinadahilan ang ginawang pagtulong nina Papa at Mama." Paliwanag ko.

Wala nang nasabi si Lolo at tumahimik na lamang.

Si Lola ay hindi na nagsasalita at lagi lamang tulala magmula nong nasaksihan niya ang matinding labanan sa pagitan ng Norrieyale at Abronicia ang dalawang makapangyarihang bansa.

Yun ang labanang nag-udyok kay Papa na pumasok bilang sundalo at maging tagapagtanggol ng bansa at dahil dun ay nagkakilala sila ni Mama.

"Lo, labas po uli ako. Magbabakasakaling makahanap na ng trabaho." Pagpapaalam ko. "Sige apo, mag-ingat ka. Wag papagabi ah." Saad ni Lolo. "Opo."

'Ayaw ko man silang iwanan palagi pero kung hindi ko ito gagawin sino ang magtatrabaho para samin?'

Lumabas na ako ng bahay. Agad akong tumungo sa bayan pamilihan. "Ale baka po kailangan niyo ng katulong dito? Pwede po ako kahit ano." Tanong ko sa nagbibinta ng karne. "Pasinsya na anak wala akong pangsweldo at kaya ko naman na ito. Pasinsya na." Malungkot na saad.

MY WORSE LOVELY NIGHTMAREWhere stories live. Discover now