11.THREE OF US

954 34 2
                                    

REBEKAH’s POV

Nang makalapit na samin si Sinadia ay nagkatinginan kami ni Steph dahil sa gulat at pagtataka. ‘Ang mga matang iyan, ganyan na ganyan ang mga mata nong tagapagligtas ko, kahit ang suot niyang balabal, tabon sa bibig ay saktong-sakto sa suot niya, posible kayang siya ang nagligtas sakin dun sa lasinggong iyon? Posible kayang isang babae ang tagapagligtas ko?’

“Ano na?” Tanong nito saamin na tulalang nakatitig sa kanya. “Di pa ba tayo aalis?”Dagdag niya. “Ah ahm, sabi ko nga aalis na tayo.” Saad ko sabay hawak at hila kay Steph para isabay siya sa paglalakad. “Iniisip mo ba ang iniisip ko?” Kinakabahang bulong. “Kung ang pagkakahawig niya dun sa tumulong sa iyo ang tinutukoy mo ay magkapareho tayo ng iniisip. Sa suot, sa kilos at sa kulay ng mga mata, masasabi kong hindi malayo ang pagkakaiba.” Tumango-tango ako.

“Nakita mo rin ang kulay ng mga mata nong nagligtas sakin?” Pagtataka. “Oo, sapagkat lumingon siya samin upang hanapin ang pinanggalingan nong putok.” Bulong niya. “Ano bang pinag-uusapan niyo?!” Maangas na tanong. Dali akong kumalas sa pagkakahawak sa braso ni Steph at naglaan ng distansya saming dalawa.

Umiling-iling ako at tumawa upang takpan ang pagiging kabado. “Wala ito, sinabi nya lang sakin na nagagalak na siyang makita ang pamilya ko. Yun lang yun.” Nanginginig na saad. “Siguraduhin mo lang.” Saad nito. “Sigurado.” Biglang saad na naging dahilan kaya napalingon sakin si Steph at tumawa ng hindi napapansin ni Sinadia. Tiningnan ko siya ng may pagtataka at nagkibit balikat ng ngitian niya ako.

Nang makarating kami ay dali kong binuksan ang pinto. “Lolo nandito na po ako.” Saad habang binababa ang mga gamit sa mesa. Mula sa kwarto ni lola lumabas si lolo ng nakangiti at pagkagulat. “Oh, di mo man lang sinabi na may mga bisita pala tayo, nakapaghanda sana ako.” Masayang bati niya.

“Biglaan po kasi Lo eh.” Lumapit ako at nagmano habang nasa likuran ko ang dalawa. “Wag na po kayong mag-abala ako nga po pala si Stephanie matalik na kaibigan ni Rebekah. Ikinagagalak ko po kayong makilala.” Bibong saad ni Steph at nagmano. “Pfft.” Muntik na akong matawa ngunit napigilan naman.

“Ikinagagalak ko ring makilala ka apo.” Nakangiting sambit ni Lolo. Matapos magpakilala ni steph ay lumapit naman si Sinadia, ipwenesto sa bandang likod ng leeg ang nakatabong pantaas ng kapa at yumuko. “Ako po si Summer isang mabuting kaibigan. Salamat po sa masayang pagtanggap sa amin.” Sabi bago tumayo uli ng tuwid at ngumiti kay lolo.

‘Ngayon ko lang siya nakitang ganito ka pormal. Anong nangyari dun sa kilala ko?’ Tulala ko lang siyang pinagmasdan habang kausap ang nakangiting si lolo. Medyo matagal ko naring di iyon nakita. Ang ibig kong sabihin, nakikita ko naman siyang ngumingiti pero kakaiba talaga tong ngayon.

Tumawa si lolo. “Masyadong pormal bata. Pero gusto ko iyan, nakakagaan sa pakiramdam naming matatanda ang inyong paggalang.” Sabay tapik sa braso ni Sinadia. “Mabuti naman po kung ganon.” Nakangiting saad.

“Hmm? Amoy tinula, ang paborito ko!” Pag-iiba ng usapan ni Steph. “Aba, aba. Magkakasundo tayo dyan. Paborito ko rin ang tinula. Hali kayo sa kusina at sabayan niyo kaming kumain ni Rebekah.” Pang-aaya ni lolo at nauna nang tumuloy sa kusina. Dali namang sumunod si Steph.

“Maraming insekto na lumilipad kung saan-saan kaya dapat mo iyang isara.” Pang-aasar sabay lagay ng kamay sa ilalim ng baba ko para tulungan akong isara ang bibig na hindi ko pansing kanina pa pala nakabukas. ‘Rebekah!!! Nakakahiya ka talaga kahit kelan!’

Pero kahit ganon ay tulala lang akong nakatitig sa kanya. Di ko man lang nabantayan ang bawat galaw niya. Di ko man lang napansing nasa tabi na pala nang tenga ko ang bibig niya. “Pero kahit ganon maganda ka parin.” Bulong nito bago ako tingnan sa mga mata ang ngumiti.

MY WORSE LOVELY NIGHTMAREWhere stories live. Discover now