REBEKAH's POV
Papunta kami ni Sinadia sa harden upang magpahangin at mag-relax. Lagi na lang kasi kaming nasa opisina nitong mga nakaraang araw. Pababa na kami ng handan ng makita naming nakaupo sa dulo nito si Krislia at malalim ang iniisip.
Siniko ko si Sinadia at tinuro ang bata. Dali niya naman akong naintindihan at dali siyang lumapit rito habang nakasunod naman ako. "Oh anak. Bakit ka nagmumukmok rito at malalim ata ang iniisip mo." Daling pasok ni Sinadia na naging rason kaya gulat na gulat ang bata. I rolled my eyes.
'Naku talaga naman tong taong to oo.' Tumawa si Sinadia habang nakatitig sa takot na takot na bata. "Natakot ba kita? Pagpasensyahan mo sana ako."
"Mom! Hindi po magandang biro iyon!" Reklamo habang pinapakalma ang sarili. Natawa kami ni Sinadia pero napahinto ako ng mabalin ang tingin ko sa librong hawak-hawak niya.
"Anong ginagawa mo? May problema ba?" Saad ko sabay upo sa tabi niya. Umiwas siya ng tingin sakin kaya tinitigan ko ang nagkibit balikat na si Sinadia. "Binabasa ko po ang kwento nang buhay niyo ni Mommy. Andami niyo palang pinagdaanan mama no?" Malungkot na sambit ng dalaga.
Umupo sa kabilang tabi niya si Sinadia. "Bakit anak may problema ba?" Itatanong ko na sana iyon kaso napansin niya rin ata. Tumango ang bata. "Hulaan ko, problema ba yan sa pag-ibig?" Saad at humalakhak nanaman. Tinapik ko ang balikat niya at umiling-iling. Nahihiya siyang yumuko bilang paumanhin.
"Opo." Sagot nong bata. "Babae ba ito o lalaki?" Excited kong tanong. "Babae po." Ngumiti kaming dalawa ni Sinadia. "Oh yun lang naman pala eh bakit ka malungkot. Ayaw niya ba sayo?" Umiling-iling siya.
"May nagawa ka bang ikinagalit niya?" Umiling-iling uli ito. "Sa katunayan nga po. Masyado kaming malapit sa isa't-isa at masaya po kami sa tuwing magkasama."
Napakamot ako sa ulo. "Oh tapos, bakit malungkot ka?" Nag-aalalang tanong ni Sinadia. "Eh kasi po baka magalit si---"
"Rebekah!" Bulyaw ng kabababa ng karwaheng si Awarina kasama si Dayena. "Anong ginagawa niyo rito?" Tumayo siya ng makalapit ang mga ito habang ako ay nanatiling nakaupo kasama si Krislia.
"Narito po kami upang mag picnic sa inyong harden. Balita ko po kasing napakaganda at tunay nanakakaaliw tumambay roon. Kaya narito po ako sa inyong harapan upang humingi ng basbas. Naway payagan niyo sana kami ng asawa ko mahal na Reyna." Sabay yukong pang-aasar.
Nagtinginan na lamang kami ni Dayena habang pinipigil ang tawa. Hinampas ni Sinadia ang ulo ni Awarina . "Tumigil ka nga. Wag kang gagawa nang ikasisira ng araw ko!" Padabog na sambit.
"Masakit yun ah." Reklamo nung isa. "Para magising ka." Sumbat naman ng isa. "Oh bakit parang malungkot ang prinsesa namin?" Tanong ni Dayena. 'Dahil dun sa dalawang mokong, nakalimutan ko tuloy na may problema ang batang katabi ko.'
"She's suffering a love problem." Sinadia stated. "Aghhh, talaga ba? Sino naman ito baby?" Umupo si Dayena sa kabilang tabi niya at pinagpipisil ang pisngi ni Krislia. "Tita ginagawa niyo po akong bata." Angal niya.
Napangiti ako. "Eh ilang taon kana ba?" Nagmamaang-maangang tanong. "Sixteen po." Sumingkit ang mga mata ni Dayena na parang nagtataka. "Sixteen na ba? Eh parang kahapon lang nung huli akong umuwing basa dahil umihi ka habang kalong-kalong ko." Napatawa kaming lahat at ganon rin si Krislia sabay baon ng mukha sa mga palad at yuko sa hiya.
"Tita nakakahiya po." Reklamo niya habang tinatago ang pagtawa. 'Ngayong tumatawa na siya ay pwede ko na atang itanong uli.' Inakbayan ko si Krislia. "Ano nga ba ang problema?" Pabulong na sambit.
Huminga siya ng malalim. "Gusto ko pong umamin sa kanya. Nararamdam ko pong napapansin niya na may gusto ako sa kanya at alam ko rin pong gusto niya rin ako pero natatakot parin po ako. Hindi ko alam kung bakit. Sinubukan kong kumuha ng ideya sa kwento niyo ni Mommy pero hanggang ngayon wala parin akong ideya kung pano ko ito gagawin." Nangangambang paliwanag.
YOU ARE READING
MY WORSE LOVELY NIGHTMARE
RandomIs it totally that worse to fight for love? Or it is totally hard to win because of the people that surrounds us? Question that I can't totally answer. By: The princess That's not the case. You know what? If you really knew what the battle all about...