REBEKAH’s POV
“Masyado na bang nakakaabala ang mga tanong ko?” Nangangambang paumanhin. “No, its better. Handa naman akong sagutin ang mga tanong mo.” Paliwanag. “Huling tanong na to. Hindi kasi ako pinapakali nito, lagi kasing sumasagi sa aking isipan ang ginawa sakin ni Steph at dahil dun paulit-ulit kong tinatanong sa aking sarili ngunit di naman masagot-sagot ang tanong na, maaari bang may ganon talagang pakiramdam na imbes sa isang kasarian ka magkagusto ay napupunta sa katulad na kasarian mo?” Humiga siya sa kama habang ako naman ay panay sa pag-aayos ng mga gamit na kanyang dadalhin.
Napalunok siya. “Ipinagbabawal iyan sa bansa subalit hindi ko ipagkakailang may ganoon ngang pagmamahal. Lumaganap ang maling pagmamahal na iyan noong nakaraang dalawampong taon. Nagsimula ito sa dalawang dilag na di lubos maisip ang nararamdam tuwing sila ay magkasama, hanggang sa lumago at lumago ang nararamdamang iyon. Pinilit nilang itago ito noong una ngunit nahuli rin ng ina ng isa sa mga dalaga. Naging ayos ang lahat kaya naisipan na lamang nilang isa publiko ang nararamdaman. Maraming nakatuklas, may ibang namangha, nanibago, naguluhan at sumunod sa tinatawag na eksperminto.” Umupo ito upang tingnan kung nakikinig ba ako.
“Nabalitaan ng hari ang nangyayari sa kanyang mga nasasakupan. Alam ng hari na sa tingin ng ibang mga bansa ay masama at nakakababa ng puri kung lalaganap pa ito. Kaya napagdesisyunan niyang kontrolin ang mga ito sa pamamagitan ng pagbabantang parusahan sila. Ngunit di natinag ang mga pasaway at mas sinuway pa ang hari. Bumuo sila ng grupo laban sa hari. Sa takot na ang buong nasasakupan ay maghimagsik sa kanya ay gumawa ito agad ng paraan. Ipinatapon niya ang lahat ng sumuway at nagmatigas sa gitna ng napakalawak na desyerto. Hinayaan niyang magutom ang mga ito at mauhaw, hanggang sa mamatay. Sa takot ng iba na matulad sa mga pumanaw ay nagbago sila at sinunod ang hangad ng kanilang hari. Nakikinig ka pa ba o inaantok ka na sa kwento?” Tanong niya sakin.
“Hindi, ituloy mo lang. Nasisiyahan akong makinig.” Nakangiting saad. Tumango siya at nagpatuloy. “Matapos masiguro ng hari ang katapatan ng mga nasasakupan ay siniguro niya naman na tuluyan nang hindi lumaganap ang kwentong ito upang maitago sa mga susunod na henerasyon ang kalupitang ginawa ng magiting na hari. Dali namang sumunod at tumahimik ang mga takot maparusahang mga tao. Kaya hanggang sa pumanaw at napalitan na ang hari ay maayos parin ang bansa hanggang sa ngayon sa kasalukuyang hari at reyna. The end” Saad niya.
“Nagustuhan mo ba ang kwento?” Tumango ako ng marahan. “Ang pagbanggit sa kwentong iyon ay tunay na ipinagbabawal sa labas kaya marapat na itago lamang natin iyon sa ating sarili.” Isinara ko ang kanyang bagahi habang tumatango. “Salamat sa tiwala.” Saad ko at ngumiti lamang siya. “Sa kwentong iyon masasabi ngang tunay na ipinagbabawal iyon.” Saad ko. “Dito sa bansa ngunit sa ibang karatig bansa ay legal ang ganoong pagmamahalan.” Paliwanag uli.
Napakamot ako sa ulo. “Hindi ba natatakot ang hari na mahusgahan ang kanilang bansa?” Umiling-iling siya. “Hindi, dahil democratic ang bansa nila na ang ibig sabihin ay malaya silang magpasya sa magiging buhay niya ngunit kailangan nilang sumunod sa mga batas ng gobyerno upang patuloy paring mapanatili ang kaayusan at kapayapaan.” Kumunot ang noo ko. “Batas, katulad ng?”
“Bawal magpatay, gumahasa, manakit, at iba pa.” Tumingala ako upang tingnan ang kisame. “Ano ba iyan, bakit mas lalo lang akong naguguluhan?” Tumawa siya. “Ganyan rin ako nong una. Normal lang na maguluhan ka dahil ang tinuturo lamang sa atin sa paaralan ay ang tanging mga tungkol lamang sa bansa.”
Tiningnan ko siya sa mga mata. “Isang tanong na ngalang, tungkol sa ganoong uri ng pagmamahalan.” Saad ko. “Naku, curious ka talaga ano? Ano iyon?” Hinimas-himas ko ang kilay gamit ang aking hintuturo. “Pano kung ikaw mismo na papalit sa trono ang magkakagusto sa katulad mong kasarian. Paparusahan ka rin ba ng katulad sa parusang hinatol dun sa mga nauna?” Seryosong saad.
YOU ARE READING
MY WORSE LOVELY NIGHTMARE
RandomIs it totally that worse to fight for love? Or it is totally hard to win because of the people that surrounds us? Question that I can't totally answer. By: The princess That's not the case. You know what? If you really knew what the battle all about...