REBEKAH’S POV
“Bitawan niyo ako! Wala akong gingawang masama!” Nanghina ako nang marinig iyon. Alam ko na agad kong sino ang traydor na tinutukoy nila. “Hayaan niyo akong makita siya!” Malakas na saad ni Awarina. Hinawakan niya ang kamay ko. “Ayos ka lang?” Rinig ko siya kaso pano ako makakasagot kong ang tanging nasaisip ko lamang ay negatibong mga katanungan.
Binigyan nila ng daan si Awarina. Ni hindi ko kayang tumingin ng diretso sa kanya. Pero ginawa ko. Kita ko ang lungkot at takot sa mga mata ng mahal ko. “Sinadia?” Pailing-iling na saad ni Awarina. Nilingon niya ako ramdam ko ang kaba sa kanya.
Binalik ko ang atensyon kay Sinadia. Ngumiti siya at umiling-iling. Basa ko sa mga mata niya na gusto niyang sabihin na magiging ayos lang ang lahat. ‘Hindi ko na kaya. Nahihirapan na akong makita ang sitwasyon niya ngayon.’
Tumalikod ako at tumakbo palayo. “Rebekah!” Sigaw ni Awarina. Kaso di parin ako tumigil tumakbo ako palabas ng palasyo at huminto sa harapan nong malaking puno. Nanghihina akong lumuhod sa harapan nito at hindi ko na pinigilang umiyak.
‘Patawad kong wala akong magawa para tulungan ka. Patawad dahil sa karami-rami mong nagawa para sakin ay hindi ko ito kayang suklian. Ano ba naman ang kayang ibigay ng isang hamak na tauhan sa isang maharlikang Prinsesa? Tanging paglilikod at katapatan eh anong silbi nito sa kalagayan mo ngayon?’
“Wala akong kwentang tao.” Humagulgol ako sa lungkot. Napahinto ako saglit ng may humawak ng balikat ko. “Rebekah?” Saad ni Awarina. Tumingin ako sa may balikat ko subalit ayaw ko siyang lingunin. Kaso dahan-dahan niya akong pinatayo at hinarap sa kanya. Kita ko ang lungkot sa kanya.
‘Lungkot dahil sa sitwasyon ni Sinadia o lungkot dahil umiiyak ako, dahil nasasaktan ako, dahil naaawa ka sakin? Please kahit katiting lang. Maawa ka naman kay Sinadia, Awarina pakiusap tulungan mo siya. Kahit alam kong imposible hihilingin ko iyon.’
Dali niya akong niyakap. “Tama na Rebekah. Tiwala lang, magiging ayos rin ang lahat.” Saad nito. Wala na akong lakas magsalita gusto ko na lamang iiyak ang lahat ng lungkot at sama ng loob.
*****
Nakaupo ako sa kama ni Awarina habang nakasandal sa pader. Iniisip kung anong maaaring gawin upang matulungan si Sinadia.
‘Marami na tayong napagdaanang dalawa. Marami na tayong memories na nalikha. Hindi ako papayag na ganito lang magtatapos ang lahat. Kung mawawala ka ay mamamatay ako. Hindi ko kakayaning mawalay sa iyo. Niligtas mo na ang buhay ko. Panahon na na ako naman ang gumawa ng paraan para iligtas ka.’
Parang isang lantang gulay na pumasok si Awarina sa silid niya. Tumayo ako upang marinig ang balita niya. “Ilang araw na siyang narito?” Tanong nito. Yumuko ako at umupo sa dulo ng kama niya. “Ta-tatlo.” Nanginginig na saad.
Lumakad siya palapit sakin. “Tatlong araw kanang nagsisinungaling sakin?” Medyo taas boses na tanong. Nagsimula na akong manginig. “Natatakot akong mapahamak siya kung malalaman mo.” Tapat na sagot. Lumuhod siya para tingnan ako bago huminga ng malalim. “May disisyon ng lumabas. Pinatawan siya ng kamatayan at mangyayari iyon bukas na bukas ng madaling araw.” Umiling-iling ako.
“Kung gusto mong makita ang kalagayan niya o gusto mo siyang kamustahin ay maaari kitang samahan. Hindi na kasi siya pwedeng dalawin bukas.” Tumayo ako sa kinauupuan. Dali siyang lumakad palabas at sumunod naman ako.
Nang makarating sa silda niya ay dali kong nakita ang nakaupong takot na takot at nanghihina sa isang sulok nitong kulungan. “Sige sa labas lang ako. Para makapag-usap kayong dalawa.” Lumakad siya palayo bago tuluyan ng nawala sa paningin.
YOU ARE READING
MY WORSE LOVELY NIGHTMARE
RandomIs it totally that worse to fight for love? Or it is totally hard to win because of the people that surrounds us? Question that I can't totally answer. By: The princess That's not the case. You know what? If you really knew what the battle all about...