REBEKAH’s POV
“Nagtatapang-tapangan ka wala ka naman palang binatbat!?” Singhal uli sakin habang lumalakad palapit. “Kesa naman dinadaan sa lakas at laki ng katawan malamangan lamang ang kalaban.” Pinunasan ko ang bibig na kanina pa dumudugo.
Nang makalapit na siya ay pumakawala nanaman siya ng isang malakas na suntok, yumoko lang ako upang hindi makita kung saan ito tatama.
“Ahh!” Sigaw niya na naging dahilan nang agad kong pagtingin sa kanya. Isang taong nakakubli sa kanyang balabal ang bigla nalang umatake sa kanya. Sa bilis at talino ng galaw ay para lamang itong tela na lumilibad at inaatake ang kalaban.
Tama sa tagiliran, braso na muntik ng mabali, paa na naging dahilan ng pagkatumba at mukha na sanhi ng pagkawala ng malay ang natanggap ng lasinggerong lalaki.
Nang mapatumba na ang lasenggo ay umaksyon na itong umalis. “ Salamat.” Saad ko na naging dahilan kaya napalingon siya. Tanging ang kulay kahoy na mata niya lamang ang lantad. Tumango siya bago tuluyang umalis.
Ngunit bago niya ito nagawa ay natamaan pa siya ng isang bala ng baril na nagmula kay Mr. Hermes sa bandang balikat. “Wag po!” Pigil ko sabay harang ng katawan upang hindi na matamaan pa ang taong nagligtas ng aking buhay. “Urgh!” Reklamo ng madaplisan ng bala ang bandang pisngi ko.
Bago pa may malalang mangyari ay napatigil na ni Mr. Hermes ang putok ng bari niya. “Walang magpapaputok!” Saad nito sa mga bagong dumating. Nang masigurado iyon ay nilingon ko ang tinakbuhan ng taong naka kapa. ‘Salamat sa isa pang buhay kaibigan. Aasahan kong magkikita pa tayo. Magpapasalamat pa ako at babawi sa ating muling pagkikita aking tagapagligtas.’
*****
Ikatlong araw na ngayon ng pagtatrabaho ko kay Mr. Hermes at gaya ng ipinangako niya ay siya nga mismo ang nagbibigay sakin ng sweldo araw-araw. Ngayon ay kasalukuyan akong tumutulong kay Ante Febbie (Ang ipinakilalang pangalan na gusto niyang maging tawag namin sa kanya) na mag-alaga ng mga halaman kasama si Stephanie.“Miss Cleoma, ipinapatawag ka ni Tito.” Isang kilalang boses ang biglang lumantad sa aking likuran. “Bwisit!” Pagmumura sa gulat bago humarap sa kanya. Unang tumawa si Paullo, sumunod si Stephanie at ngayon ay pati na rin sa ante Febbie. Tumawa nalang rin ako para makisabay.
“Matatakutin na nga magugulatin pa.” Saad matapos ang tawanang naganap. “Pakialam mo?” Sambit ko sabay harap sa tanim at nagsimula uling magdilig. “Ayos kana ba? Nabalitaan ko ang nangyari sayo nong nakaraan pang araw kaso hindi ako makapunta dito dahil sa trabaho.” Kinunot ko ang noo at umiling-iling dahil hindi ako naniniwala sa sinasaba niya.
“Dami mong drama. Di naman totoo.” Naiinis na saad. Tumawa lang siya.“Hali kana nga lang, pumunta na tayo kay Tito.” Pag-aaya niya.
Nilayo ko ang kamay ko ng mapansing lumalapit nanaman ang kamay niya. “Opps, diba sabi ko---” Naputol ang pagpapaliwanag ko ng bila siyang sumabat. “Hindi na kita hahawakan kasi hindi kana bata at hindi kana madadapa.” Paliwanag niya. ‘Ok na sana pero bakit nagkaroon ng karugtong?’
Tinakpan ni Steph at ante Febbie ang bibig upang pigilan ang pagtawa. “Hilig mo talagang pahiyain ako sa harapan ng ibang tao ano?” Naiiritang saad. “Hi---” Hindi siya natapos sa pagsasalita ng itaas ko ang kamay upang pahintuin siya. Hindi rin kasi siya tanga para hindi malaman na masyado na siyang maraming sinasabi.
Lumingon ako sa dalawang panay ang pagpipigil sa tawa. “Babalik po ako.” Saad ng nakangiti. “Ahh, sige pakasaya kayong dalawa.” Sambit ni ante Febbie. “Di po yan mangyayari kung kasama ko siya.” Sabi at iniwan si Paullo.
*****
“Gusto ko lang ibalita na maaari kanang pumasok bukas ng gabi sa iyong tunay na trabaho. Gusto ko ring ipangako mo sakin na babalitaan mo ako lagi tungkol sa iyong trabaho. Gusto ko kasing lagi kalang maging ayos.” Sambit ni Mr. Hermes sabay patong ng kamay sa magkabilang balikat.
YOU ARE READING
MY WORSE LOVELY NIGHTMARE
RandomIs it totally that worse to fight for love? Or it is totally hard to win because of the people that surrounds us? Question that I can't totally answer. By: The princess That's not the case. You know what? If you really knew what the battle all about...