26.I'M SCARED

520 23 0
                                    

SINADIA’s POV

“Ngunit masyado pa po akong bata at wala pang kaalam-alam sa pagiging Hari. Hindi ko po matatanggap ang katayuang iyan, patawarin niyo po ako.” Kinakabahan at takot na takot na sambit. Umiling-iling si Mr. Hermes at lumapit sakin.

“Wala pa po sa ngayon subalit narito po kami ng Reyna para tulungan ka. Gagabayan ka namin kasama na ang mga kaibigang bansa. Pinagkakatiwalaan ka ng lahat hindi mo pwedeng itapon na lamang ang ibinibigay nilang tiwala.” Saad niya habang nakaturo sa mga mamamayan ng Norrieyale.

Panay ang sigawan nila na tanggapin ko ang trono. “Pansamantala munang makukulong ang aking ama habang pinagpaplanuhan ng mga nakakataas ang mangyayari sa kanya. Pag-iisipan ko ang tungkol sa trono. Bigyan niyo ako ng isa o dalawang lingo. Ngayon ay umuwi na tayo sa ating mga bansa hinihintay na nila tayo.” Malungkot akong umalis ni hindi ko na naisip si Rebekah at tumuloy sa palasyo.

“Maligayang pagbabalik po---” Naputol ang sasabihin niya ng itaas ko ang kanang kamay huyat na wala ako sa mood para makinig sa pinagsasasabi niya. Nakita iyon ng lahat kaya hindi na nila tinangkang bumati at tumingin na lamang sakin.

“Ano sa tingin mo ang nangyari?” Bulong nong isa niyang kasama pero wala na akong pakialam doon. Nagmadali akong tumuloy sa silid ko at ni lock ang pinto. Gusto ko munang mapag-isa ngayon.

Humiga ako sa kama at nagsimula nang makaramdam ng lungkot at takot. Nalulungkot ako dahil nasira ang dapat masayang araw namin ni Rebekah at natatakot ako dahil iniisip kong baka hindi na magpapakasal sakin si Rebekah matapos niyang marinig ang mga sinabi ni Mr. Hermes. Hindi ko na kayang humarap sa mga Eurken na muntik ng ipahamak ni Papa.

Pakiramdam ko nalulunod ako ngayon sa bilis ng mga pangyayari. “Love?” Sambit sabay katok sa pinto. Tiningnan ko lang ang pinto hindi alam kung bubuksan ba ito o hindi.

“We have to talk.” Malungkot ang boses niya. ‘No. Sasabihin niya na ba na ayaw niya na sakin? Na hindi na matutuloy ang pinangarap naming kasal? Hindi ko kayang marinig iyan.’ Huminga ako ng malalim. “I need to be alone.” Pabulong na sambit. “Love, we need to settle things.” Kumunot ang noo ko. ‘Alam ko na ang sasabihin mo.’

“Not now.”Lumakad ako palapit sa pinto. “Bu---” Hindi ko na siya hinayaang makapagsalita. “Just go and leave me!” Galit na saad. Rinig ko ang pag-atras ng mga yapak niya. “I’m sorry.” Huling sambit niya at umalis.

Umupo ako at sumandal sa pinto. Gusto kong sumunod at pigilan siyang umalis subalit pinipigilan ako ng takot. Takot na kung sumunod ako ay iyon na ang huli naming pagkikita. Hindi pwedeng maputol ito ng ganon-ganon na lamang. Maybe we just need space to think and plan.

*****

“Narito na po ang inyong umagahan mahal na Prinsesa.” Saad nong tauhan. Binuksan ko ang pinto para kunin ito. “Kung ma---” I slum the door close. I don’t wanna hear anything from them. “Kung may kailangan po kayo tumawag lang po kayo.”I rolled my eyes. ‘As if I need your help.’

Mag-iisang linggo na magmula nong huli kung nakausap at nahawakan si Rebekah. I really missed her so much but I’m still scared. Napatalon ako kaunti ng may biglang kumatok. Tiningnan ko lamang ang pinto ni walang balak sabihin.

‘Imposibleng isa itong tauhan dahil kakaalis niya pa lamang, mamaya pa iyon babalik.’ Kumatok ito uli pero wala parin akong balak magtanong kung sino ito. Ang ginawa ko lang ay lumakad palapit sa pinto. Kumatok ito uli at doon na ako na inis. “What!” Sigaw ko ng buksan ang pinto. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko siya dali kung sinubukang isara pero naharang niya ang kanyang paa.

Wala na akong nagawa at hinayaan na lamang siyang pumasok. “Ganyan mo na ba ako tratuhin ngayon?” Galit na tanong. I just rolled my eyes. “What do you want, mama?”

MY WORSE LOVELY NIGHTMAREWhere stories live. Discover now