16.THE HAPPINESS

708 26 5
                                    

AWARINA’s POV

'Alam ko namang wala akong pag-asa na makuha ka. Na kahit anong gawin ko ay kaibigan lang talaga ako sa iyo. Ngunit… Bakit? Bakit di ko kayang matanggap? Bakit ang hirap sabihing ‘Sige sa kanya ka nalang. Di na ako maghahabol. Di ko na sasaktan ang sarili ko.’? Bakit ganoon kana ka importante sakin? Patawad, humihingi ako ng patawad sa aking sarili mismo dahil patuloy kitang sinasaktan.'

Tumayo ako at lumakad patungo sa silid ni Ate. Kumatok ako. “Teka lang.” Saad kaya hinintay ko siyang pagbuksan ako. Nang magkatitigan kami. “Ayos ka lang?” Tanong nito. Di ako nagsalita, pumasok ako, isinara ang pinto at niyakap siya. “May nangyari ba?” Umiling-iling ako.

Nang maramdaman niyang wala akong balak na sabihin ang kung ano mang bumabagabag sakin ay niyakap niya na lamang ako ng mahigpit.

Ngunit ilang saglit ay pinutol niya ang katahimikan. “Alam kong nahihirapan kana kaya kung maaari pahinga ka muna. Mas tumatagal nasasaktan ka lang imbes na sumaya ka. You need to find your happiness not love cause love can hurt if you give too much unlike happiness.” Malungkot na saad. Dahil dun ay nagsimula na akong umiyak. Kumalas ako para iwakli ang mga luha. “Salamat po. Aalis na po ako.” Saad at lumakad pabalik sa silid.

Nakayuko lamang ako sapagkat ayaw kong may makakita saking umiiyak. Minadali ko ang paglalakad upang makarating agad at dun na umiyak. Sa bilis ng lakad ko ay hindi ako nakahinto agad sa palikong daan. Nabangga ako sa isa sa mga tauhan nitong palasyo.

“Shit!” Pagmumura. “Mahal na Prinsesa, naku patawad po! Hindi ko po sinasadya!” Saad at daling lumapit sakin para tulungan akong makatayo. “Hindi, ayos lang. May kasalanan rin naman ako.”Saad ko bago tumingin sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya at napahinto ng ilang segundo ng nagbangga ang mga tingin namin. “Ayos lang po kayo?” Nag-aalalang tanong.

Alam ko na agad kung ano ang tinutukoy niya. Yumuko ako upang itago ang pagpunas ko sa mga luha. “Oo, ayos lang ako.” Saad sabay abot sa kamay niya nang makatayo ako ay dali ko itong winaglit ng makaramdam ng parang kuryente. Tinitigan ko siya ng nakakunot ang noo. Napalunok laway ako. ‘Kung mas tatagal ka pa ay baka lumala lang ang kaba na iyong nadarama. Kay umalis kana!’ Payo sa utak. Lumakad ako palayo ng walang paalam.

Ilang hakbang ang nagawa ko bago mapahinto. “Kung kailangan mo po ng kausap. Maaasahan po ako.” Saad niya. Tumango ako. “ Salamat ngunit ang kailangan ko lamang ngayon ay mapag-isa.” Binigyan ko siya ng ngiti bago lumakad at pumasok sa kwarto.

Dumapa ako sa kama. “Embarrassing, embarrassing, embarrassing.” Salitang paulit-ulit kung saad. ‘Peste, nakita niya akong umiiyak, nakakahiya! Tapos nag-act pa ako ng weird sa harapan niya. Ni hindi ko nga nagawang humingi ng paumanhin at magpaalam bago umalis. Teka lang bakit ba ako nahihiya dun? Ano kaba! Syempre kahit matagal na siyang nagtatrabaho rito at alam kong kilala niya na ako ay nakakahiya parin ang mga nangyari!’

Yun si Dayena C. Montesil anak ng nangungunang knight rito sa bansa, si Leisar H. Montesil. Ginagalang si Dayena ng lahat dahil sa angking talino, husay sa iba’t-ibang uri ng labanan maliban na lamang sa palaksan ng Braso at kamao dahil sakin iyon at dahil rin sa koneksyon.

Matalino siya dahil willing siyang matuto at nagsusumikap siya sa bawat talakayan sa paaralan, kung gugustuhin mo talagang maging matalino gaya niya ay magagawa mo kung hindi ka lamang tamad. At pagdating naman sa pagiging mahusay niya sa labanan ay dahil lamang iyon sa kanyang ama na patuloy siyang tinuturuan. Mabuti rin siya at matulungin kaso wala akong pakialam. Ang laging nasa isip ko ay malakas lamang siya dahil may kinakapitan. Tssk.

‘Pero kahit papano dapat ko siyang pasalamatan dahil naiwakli niya sa aking isipan si Rebekah, Oo si Rebekah. Teka lang, asan na nga pala ang babaeng iyon?’

MY WORSE LOVELY NIGHTMAREWhere stories live. Discover now