AWARINA’s POV
“Matapos nating kumain ay gagala tayo, ayos lang ba iyon?” Tanong ko habang may laman ang bibig. Tumango siya at di na sinubukang sumagot dahil puno ng laman ang bunganga. Ngumiti ako sa naging reaksyon niya kaya napakunot ang noo niya na tumitig sakin, naghihintay ng sagot. Umiling-iling ako matapos tumawa.
Mag-iisang linggo na ang nakalipas ng dumating siya rito. Isang linggo na rin akong gumagawa ng paraan para ibalik ang dati niyang tiwala. Pero masasabi ko paring ganoon parin ang nararamdaman ko sa kanya. Subalit masaya na akong makasama na lamang siya. Isa nang malaking biyaya na narito siya sa tabi ko ngayon parati. Ang tanging hiling ko lamang ay sana hindi na siya ilayo sakin.
Matapos kumain ay lumabas kami ng palasyo. “Anong gusto mo, lakad o sakay?” Kumunot ang noo niya. “Bakit ako ang magdedesisyon. Ikaw ang prinsesa, nasasaiyo po iyon kung anong gugustuhin niyo.” Nag-aalalang saad.
Ngumiti ako. “Sige maglalakad na lamang.” Sabi at nagsimulang maglakad. Dali naman siyang sumabay. “Sigurado ka? Hindi ka ba mahihirapan sa suot mo?” Nangangambang tanong. “Wag kang mag-alala. Hindi ko naman nararamdaman ang pagod kung nandyan ka.” Ngumiti ako at tiningnan siya. Binigyan niya ako ng side smile sabay yuko.
Kita ko ang lungkot sa mukha niya. “Patawad.” Bulong ko ng hindi tumitingin sa kanya. “Wala ka namang ginagawang masama.” Saad niya. Binigay ko sa kanya ang atensyon at nakitang ganoon parin ang reaksyon niya. Lungkot na parang may bumabagabag sa kanya. ‘Ako ba? Kasalanan ko kaya?’
Natahimik na kami. Hanggang sa nakarating kami sa bilihan ng mga bulaklak. “Aling Nena!” Bati ko. “Steph--- Ahm, mahal naming Prinsesa. Ikinagagalak po namin ang iyong pagbisita.” Pormal na saad at sabay-sabay silang nag-halfbow. Ngumiti ako. “Naku, ayos lang po kung hindi niyo na iyan gawin. Ako parin naman yung Steph na nagpakilala sa inyo dati.” Kamot ulong sambit.
Natawa sila sa naging reaksyon ko. “Dapat na po yata kayong masanay your majesty.” Singkit matang saad. Tumawa ako. “Huwag naman sana.” Saad kaya sumabay narin sila saking tumawa. ‘Yayks, nakalimutan ko si Rebekah. Ang tanga! Pano mo makakalimutan ang babaeng mahal mo?!’ Bulyaw sa utak.
“Ito nga pala ang matalik kung kaibigan. Ipinapakilala ko sa inyong lahat si Rebekah.” Ilang segundo nila siyang tinitigan bago yumuko uli. “Ikinagagalak po namin kayong makilala.” Sabay-sabay na saad. Ngumiti ako at tinitigan ang nag-aalalang dilag. “Ah.. ahm… Marami pong salamat, ikinagagalak ko po kayong makilala. Pero ayos lang pong huwag na kayong magbigay galang sakin. Isa lamang po akong hamak na tagapaglingkod.” Nanginginig na sabi.
Dali kaming tumawa ng sabay-sabay maliban kay Rebekah. “May mali ba akong sinabi?” Bulong sakin. Umiling-iling ako. “Marapat lang na bigyan ng paggalang ang bawat isa, kahit na ano pa man ang katayuan niya sa bansa.” Saad ni Aling Nena. “Ganoon po ba? Sige tatandaan ko po iyan. Salamat po sa paalala.” Nagpalitan sila ng ngiti sa isa’t-isa.
“Sige po babalik na po kami sa aming ginagawa. Just ask help if you need.”Tumango ako. “Thanks a lot Aling Nena.” Tugon ko.
Hinawakan ko ang kamay niya para sabay kaming pumunta sa paborito kung parte nitong Nena F-shop. Nang makita ko ang labasan sa likuran nitong shop ay nilingon ko siya at nakita kung nakatitig siya sa magkahawak naming kamay. Huminto ako at binatawan siya na naging dahilan kaya napatitig siya sakin.
“Naiirita ka ba? Patawad, sige sundan mo na lamang ako.” Malumanay na saad at nagsimulang maglakad uli. Laking gulat ko ng hawakan niya ang kamay ko. Nilingon ko uli siya. “Hindi ayos lang.” Nakangiting sabi. “Asan tayo pupunta?” Tanong.
Ibinalik ko ang ngiti. “Sa paborito kung parte.” Hinigpitan ko kaunti ang pagkakahawak at tumuloy sa labasan kung asan nila binubuhay at tinatanim ang mga binibintang bulaklak. Binuksan ko ang pinto. Agad sumalubong samin ang malawak at puno ng paru-parong harden. “Ang ganda!” Ngumiti ako at hinila siya.
YOU ARE READING
MY WORSE LOVELY NIGHTMARE
RandomIs it totally that worse to fight for love? Or it is totally hard to win because of the people that surrounds us? Question that I can't totally answer. By: The princess That's not the case. You know what? If you really knew what the battle all about...