STEPHANIE's POV
Pansin kung lumalayo na ang loob sakin ni Rebekah. Sa tuwing magkasama kami lagi siyang ngumingiti ng walang dahilan. Kinakausap ko pero sa huli di naman ako pinapakinggan. Nagmamadali narin siyang bumalik sa silid nong bwisit at iniiwan ako mag-isa.
Dati pag nagtampo ako nagagawa pa niyang lambingin ako pero ngayon wala na, di niya man lang nga napansin na malungkot ako. Nagbago na siya. Halos di ko na siya kilala.
"Ayos ka lang Steph?" Pang-aagaw niya ng atensyon ko. Naiinis akong tumango. "Sigurado ka?" Tanong niya. Tumango ako at sinubukang ngumiti. "Ikaw?" Tanong ko.
"Wag mo akong alalahanin." Mula sa nag-aalala ay biglang napalitan ng ngiti ang reaksyon niya. 'Heto nanaman tayo.' Tumingin siya sa daan. "Ayos na ayos ako lalo pat nagiging mabuti na ang ugnayan namin ni Summer. Kanina naglaro kami nong Cheese bored na tinatawag niya. "
"Chest Board" Pagtatama ko. "Yun nga." Pagsang-ayon. "Nanood rin kami ng TV habang nagkukwentuhan at nagtatawanan. Naalala mo pa nong una natatakot ako sa kanya, kahit nga ikaw lalo nanong pinagalitan ka niya? Grabe, kinabahan ako nun." Blah blah blah.
'Laging ganya. Laging ang babae na iyon na lamang ang bukang bibig niya.' Tinulak ko siya sa isang silid na alam kong walang pumapasok. Isinara ang pinto at isinandal siya sa pader.
Napalunok laway siya. "Anong ginagawa mo?" Tanong nito. Nagsimula nang tumulo ang mga luhang matagal ko nang pinipigilan.
"Bakit hindi mo napapansin? Matagal ko na itong kinikimkim. Bakit siya nalang lagi? Kulang pa ba ako, hindi ba ako sapat? Ang oras natin, ang dapat sa atin lang, napupunta sa kanya. Ganon ba siya kahalaga sayo kesa sakin? Nauna ako sa kanya rebekah." Ngayon ay nasa pagitan siya ng dalawang kamay ko na nakapwesto sa pader.
"Bakit ba lagi nalang pinaparamdam nang mundong ito na wala akong halaga? Sabihin mo nga. Patapon ba ako?" Tanong habang nakatitig sa mga mata niyang puno ng lungkot at awa. "Hi-hindi, isa kang biyaya Steph. Wag mo sanang isiping patapon ka. Mahalaga ka sakin at sigurado rin akong mahalaga ka sa pamilya mo. May ginintuan kang puso." Saad niya sabay pwesto ng kamay sa dibdib ko.
"Matalino ka at malakas. Kinakaya mo lahat para lang sa pamilya mo, kahit pagod kana nagtatrabaho ka parin at hinahangaan kita dun. Ikaw ang inspirasyon ko. Tandaan mo sana iyan." Tumigil ako sa kakaiyak at natulala sa kanya. Ngumiti ako at ganon rin siya. Ipwenesto niya ang kamay sa pisngi ko.
'Pinapakalma ako nito. Gustong-gusto ko ang mga haplos at hawak niya.' Ngunit iwinakli ko ito at inilayo ang mukha at tumalikod. "Sinasabi mo lang yan dahil naaawa ka sakin. Hindi ko kailangan ng awa mo ngayon. Ang kailangan ko ay yung dating ikaw."
"Hindi ko naman sinabi ang lahat ng iyon dahil sa awa. Sinabi ko iyon dahil iyon ang totoo at iyon ang nararamdaman ko." Lumapit siya sakin niyakap ako mula sa likuran. "Mahalaga ka sakin Steph, para na kitang kapatid." Itinabon ko ang dalawang kamay sa mukha. "Ngunit mas mahalaga pa rin siya. Mas pinahahalagahan mo pa rin siya." Saad ko. "Hindi yan totoo."
Kumalas siya at pumwesto sa harapan ko. Hinawakan niya ang dalawa kung kamay at inialis sa pagkakatabon ng mukha ko. "Yun ang nararamdaman ko at iyon ang nakikita ko rebekah." Kumunot ang noo niya at natahimik ng ilang sigundo. "Hindi ka makapagsalita dahil iyon ang totot, tama ba?" Saad sabay pahid ng luha.
Umiwas siya ng tingin. "Siguro nga mahalaga siya pero mahalaga karin." Tumalikod ako at lumayo sa kanya ngunit dali siyang sumunod. "Lahat ng tao ay may iba't-ibang halaga sa bawat isa. Hindi mo kailangang mag selos sa ka---"
Nang marinig ko ang salitang selos ay dali ko siyang hinarap. "Selos!? Ako nagseselos?! Sa katulad niyang walang ginawa kundi manakit ng kawpa, ako magseselos?! Ganon naba ka despirada ang tingin mo sakin?!" Galit na sumbat.
YOU ARE READING
MY WORSE LOVELY NIGHTMARE
RandomIs it totally that worse to fight for love? Or it is totally hard to win because of the people that surrounds us? Question that I can't totally answer. By: The princess That's not the case. You know what? If you really knew what the battle all about...