CrazierÂ
a novel written by:Â
xxakanexxÂ
Men Challenge Junior Book # 08
Di pa
"HINDIÂ ka pa ba uuwi, Aswell?"
Nginitian ko lang si Jade – iyong kasamahan kong ahente ng condo. Kinuha na niya lahat ng gamit niya kasi nasa ibaba na daw iyong sundo niya. Ang swerte ni Jade, kasi gabi – gabing may sumusundo sa kanya, hindi siya nahihirapang umuwi. Sabagay, may kotse naman kasi sila ng asawa niya. Ako, nagco-commute ako. Nakakalibre lang ako ng pamasahe kapag nakakasabay ako kay Kuya Dondon kapag sa bahay sila natutulog ni Ate Ganda at ng mga anak nila.
Pero minsan lang iyon. Nahihiya naman akong magsabi kay Kuya Don na sunduin at ihatid niya ako, busy rin naman siya, isa pa, may sarili siyang pamilyang dapat intindihin at hindi ako kasali roon.
"Susunod na rin ako Jade. Ingat kayo ni Lino." I waved at her. Kumaway naman siya sa akin at umalis na. Bumalik ako sa pagre-review ko. Makapal – kapal itong binabasa ko.
Nag-aaral ako sa isang University na ang klase noon ay tuwing Tuesday, Thursday at Saturday ng gabi. Iyong mga oras na iyon na wala ako sa bahay ay si Japet ang kasama ng mga anak namin.
Hindi pa rin kami okay ni Japet – we're friends, And he somewhat made me understand that he will wait for me, ang problema, hindi ko naman kahit kailan sinabi sa kanya na hintayin niya ako. Gusto ko munang matapos ng college. Ilang sem na lang rin naman, tapos noon, papasok ako sa Med school. Kaunting ipon pa, siguro after graduation, magpapahinag ako ng dalawang taon, mag-iipon ng pan-tuition para sa unang taon ko sa Med school. Habang nag-aaral, magta-trabaho pa rin ako, hindi pwedeng mawalan ng pan-tuition rin ang mga anak ko.
Dalawa iyon. Nag-aaral sa private school. Although si Japet naman ang sagot sa tuition noong dalawa, hindi ko pa rin hinahayaang mawalan ng pera iyong mga bata. Pinag-iipon ko sila. Kailangan, para naman hindi masabi ng mga tao sa paligid ko na hindi ko kayang panindigan iyong naging desisyon ko.
Kung pwede nga na umalis na ako sa bahay nila Tatay, ginawa ko na, pero sa tuwing susubukan ko ay nililitanyahan ako ni Mama o kaya man ni Ate Etang. Ang hirap – hirap akong lumugar sa bahay.
Mahal ko iyong mga magulang ko pero madalas ay naiinis ako dahil hindi ko madisiplina iyong mga anak ko. Halimbawa, si Caspian, may ginawa siyang di-maganda, papaluin ko siya sa kamay, isang iyak lang, nakatakbo na agad si Tatay para kunin ang anak ko, ilalayo pagkatapos ay susuyuin kahit na hindi naman ganoon dapat.
Kaya kapag kaming dalawa na lang ni Caspian ay saka ko siya pinagsasabihan. Salamat na lang talaga at mabait ang anak ko, madali siyang makaintindi.
I sighed. Wala akong naiintindihan sa binabasa ko. Physical Therapy ang kinuha kong course, at hindi siya madali. Ang daming kailangan tandaan – hindi nga ako makapaniwala na apat na sem na lang, tapos na ako. Poproblemahin ko na lang iyong kung paano ako Mag-OJT gayong may trabaho ako.
I sighed again. Pagod na ako. Sobrang pagod na ako.
Tumayo ako at isa – isa nang kinuha ang mga gamit ko. Ako na lang iyong tao sa office. Sumakay ako sa elevator, dala ko lahat ng hand – outs, notes at libro ko. Hindi na ako magkanda-ugaga. Nakalimutan ko pang magtawag ng grab driver, tapos paglabas ko ng building, tinamaan ng lintek, nakakaputang ina ang buhay, biglang bumuhos ang malakas na ulan.
"Jusko naman!" Biga akong napasigaw. "Ano bang problema ninyo sa akin?! Sobrang ganda ko ba at binabasa ninyo ako?! Mind you! Mabasa man ako, maganda pa rin ako! Putang ina!"
Sigaw ko. Iyon na ang kasi talaga iyong kaya kong gawin. Ang sumigaw. Pagod na pagod na ako. Gusto ko nang sumuko. Gusto ko nang isigaw na pagod na ako pero hindi ko magawa. Pagoda ko sa trabaho, pagoda ko sa pag-aaral, pagod na ako sa buhay!
Nabasa ang lahat ng notes ko, lahat ng libro ko. Basang – basa ako at ang tanging naisip ko lang ay iyong pumunta ako sa katapat na 7/11 ng office building namin. I run there and sat inside. Nilalamig na nga ako. Nakaupo ako sa chairs malapit sa table sa may glass window. I watched the rain and I just felt like crying.
I need a good cry. I need a break. I can't even remember the last time I had a good sleep.
I called Japet. Wala naman akong choice. Gusto ko rin naman siyang makita – kahit sandali lang. I told him to meet me in this place. Nasa kanya ang mga bata ngayon, humiling kasi si Mama Yella.
Hindi naman nagtagal ay nakita ko na siyang nag-park sa tapat. Palinga – linga pa siya na para bang hinahanap ako. Finally, he saw me. Tumakbo siya paloob ng 7/11 at saka lumapit sa akin.
"You don't look okay, Aswell. What happened?"
Naupo siya sa tapat ko. Hinubad niya pa nga iyong jacket niya para ipatong sa balikat ko. Yumakap ako sa kanya at saka umiyak nang umiyak. Impit na iyak iyon at talagang napakasakit sa dibdib. Hinahagod hagod lang ni Japet ang likuran ko, nang medyo kumalma na ako ay lumayo ako sa kanya.
"What happened?" He asked me.
"Pagod na ako, Japet." I said. I needed to let that out. I needed someone to hear that. I needed to say that.
Japet took my hand.
"Then come home to me, Aswell." Kitang – kita ko sa mga mata ni Japet ang sincerity He wanted me with him, but I just... can't.
Napaluha ako. "Sorry, Japet... Hindi pa kasi pwede... Sorry..." I told him. Mataga; niya akong tinitigan pagkatapos ay binitiwan niya ang kamay ko.
"Ihahatid na kita. Come."
I watched him leave the store. Alam kong masamang – masama na naman ang loob niya pero wala akong magagawa. Hindi pa kasi talaga pwede at hindi ko alam kung kailan.Â
BINABASA MO ANG
Crazier
General FictionChildhood sweet hearts sina King Japhia at Aswell. Mahal nila ang isa't isa, pero hindi ganoon kadali ang lahat. They have two kids, they love each other but the can never be together because Aswell thinks that it's not the time yet. Naiintindihan n...