Challenge # 13

60.2K 3K 402
                                    

Signal number 1

Japet's

HINDI pa rin siya maayos. Napabuntong – hininga na lang ako habang tinitingnan si Aswell na nasa harapan ko. Nakabalik na kami ng Metro at kasalukuyan kaming naghahapunan sa bahay namin. She cooked this glorious meal, siya rin ang nag-asikaso sa mga bata. Paulit – ulit niya pang hinahaplos ang buhok ni Castel habang tinuruan niya itong maghimay ng sariling manok. She seemed fine, but I know deep inside of her, something is wrong and I've been trying to make her talk – pero wala akong nakukuha kundi iyong sinasabi niyang h'wag ko siyang iwanan.

Hindi naman talaga. I thought about it a lot and I realized that I will never leave her. Ayoko. Ang tagal – tagal kong nagpakahirap para sa kanya pagkatapos sa simpleng kung anuman ay mang-iiwan ako. I want a family and this is what I need and want, it is in front of me.

"Mama, pwede tayong maglakad sa park bukas?" Hirit ng babae namin. Aswell smiled.

"Oo naman. Mag-wake up ka ng early bukas ha?"

"Opo. Saka, Mama gusto ko po ng pan de sal. Iyong nisawsaw ni Lolo Pogi sa kape."

"Sige bibili tayo bukas. Kain nang kain."

"Ikaw, Kuya, anong gusto mo?" Tanong ko naman sa panganay namin.


"Baby brother po." Sagot naman ni Caspian. Napatingin si Aswell sa kanya na nanlalaki ang mga mata ako naman ay biglang napatawa.

"Ayos ka rin ha." Wika ni Aswell.

"In the making na."

"Hindi pa pwede." Kunot noong wika niya sa akin. "Hello, internship?"

"I know. Char lang naman, Bi."

Kapag ganito, nakikita kong parang maayos naman siya. She's here with us pero kapag kaming dalawa lang, para bang nawawala ang kaluluwa niya. And I wanted to know why. Ilang beses ko na siyang sinubukang kausapin pero wala talaga. Aswell won't crack and it worries me.

"Kailan ka mag-e-enroll?" Biglang tanong ko sa kanya. She blinked. She twitched her lips and sighed.


"Nakalimutan ko, Bi. Pero next week yata. Aasikasuhin ko lang iyong requirments ko."

She's forgetful. There is really something wrong.

"Mama, ayaw ko na po." Wika ni Castel. Aswell smiled.

"Drink mo na iyong water mo tapos mag-ready na to sleep. I will let you pick a story book."

"Ayaw, Mama, gusto ko lang si Tomas at Kulas. Hindi naman kasi alam ni Dada iyong kwento." Aswell giggled. Kinurot pa niya ang pisngi ni Castel.

"Pet, ikaw na magligpit ha." Wika niya pa. Kinarga niya agad si Castel pagkatapos ay umakyat na sila. Si Caspian naman ay tinulungan akong mag-ayos ng kusina. Habang naghuhugas ng plato ay kinaisip – isip ko ang mga kilos ni Aswell. Hindi naman siya ganito. Nag-aalala ako. It was a suddeng change and it scares me.

Hindi kaya nagbago na naman ang isip niya? Baka naman ayaw niya akong pakasalan? Naninikip an dibdib ko. Hindi ko kayang ganoon.


"Da? Okay ka lang?" Napatingin ako kay Caspian. "Parang hindi ka okay. Nagkukwento kasi ako." Wika niya pa.

"Na ano?"

"Naiilang po kasi ako kay Atlas. Kapag magkasama kami sa school palagi niyang sinsisigaw na ang gwapo niya po. Nakakahiya."

"Gwapo ka rin naman. Mana ka sa mama mong sobrang ganda – sing ganda ng Dyosa." I smiled at him. I shook my head. Natatawa ako sa sarili ko, kung ano – anong iniisip ko, hindi naman siguro tungkol sa amin ang problem ani Aswell. Siguro may iniisip lang siya tungkol sa trabaho.

CrazierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon