Aftermath
Aswell's
"Japet iiwanan mo na ba ako?"
I couldn't stay still. We got home that night. Ang mga bata ay nasa bahay nila tatay. Japet was just sitting on the bed, I was at the other side of the room, staring at him, waiting for him to say something. Nakayuko lang kasi siya habang magkasiklop ang mga kamay.
Hindi ko maisip kung anong iniisip niya, I know him. He's very hurt right now. Nagsinungaling ako, na malinaw na malinaw na hindi ko dapat ginawa. I wiped my tears. Kahit pag-iyak ng malakas ay hindi ko magawa, kasi baka iwanan niya ako.
"Pet, say something..." I pleaded. He looked at me. Tinapik niya iyong tabi niya. Nangingiming lumakad ako papunta sa kanya at umupo. He held my hand.
"Iniisip kong dapat akong magalit. Really, but I have no right because I left you that moment. Hindi ako pwedeng magalit sa'yo noon dahil may kasalanan ako. Mahal kita, Aswell at nagagalit ako sa sarili ko dahil hinayaan kitang mag-isa..." Humigpit ang hawak niya sa kamay ko. He even touched my face. I bit my lower lip.
"Sorry..."
"You don't have to be. How'd you do it? Losing a child, living life like nothing happened. Wala kang pinagsabihan talaga? Paano?"
"Si Caspian, Pet. He became my direction. Araw – araw noon umaasa akong babalik ka pero hindi ka naman dumating. Naisip ko noon, maybe it was a wake up call for me. Dumating kasi sa point na kinamuhian ko pati si Caspian natin. I hated him kasi nagbago ang lahat dahil sa kanya which is so wrong, Pet. I'm so sorry if I hated our chikdren. They are the love of my life – the three of you are the loves of my life."
"I know." Wika niya. He kissed my temple. "I love you too much. Hindi nga kita matiis. Kanina, gustong – gusto ko nang iwanan ka roon kaya lang bawat hakbang ko, bawat paghikbi mo para akong natutunaw. Ayokong umalis tapos sa huli babalik rin naman ako sa'yo. Dapat harapin natin ang problema nang magkasama. Iniwanan na kita noon, hinding – hindi ko na gagawin iyon."
Yumakap ako sa kanya. We stayed silent for a while. I think that we needed this silence. Iyong katahimikan na iyon ang nagpapatunay na may unos kaming kinahaharap pero magkahawak kamay namin itong malalagpasan. Alam kong may hinanakit pa rin si Japet sa akin, ang tagal – tagal kong tinago sa kanya, pero nagpapasalamat ako at nandito pa rin siya.
"Hindi kita matiis, Aswell. Ayaw na ayaw kong umiiyak ka." He even said. I took a deep, deep breath. Hindi na ako nagsalita. Naiiyak kasi ako. Ayaw niya noon kaya bakit ko gagawin. Sa kalagitnaan ng katahimikan, nag-ring ang phone ni Japet. Nakita kong nag-flash ang pangalan ni Avery roon. He answered it habang nakayakap pa rin ako sa kanya.
"Hello?"
I could hear Avery in the other line. May pupuntahan si Japet. Iyon lang ang narinig ko. Binaba ni Jape tang phone. Alam kong magpapaalam siya at hindi naman ako nagkamali.
"Bi, alis muna ako ha. May pupuntahan lang ako."
"Ayaw ko." Nalabing wika ko.
"Saglit lang naman ito."
"Sama ako."
He sighed.
"Okay. But can you free me from this? Medyo hirap akong mag-drive kapag ganito ka. Bi." Lumayo naman ako sa kanya at tumayo na rin para makaalis na kami. Sa sasakyan ay tahimik pa rin kami. He was still holding my hand. Binibitiwan niya lang iyon kapag kailangan.
Napansin kong palabas na kami ng Metro. Bigla akong kinabahan. Saan pupunta si Japet at anong usapan nila ni Avery? They seldom talk. We grew up together but then, hindi naman sila masyadong close ni Japet.
BINABASA MO ANG
Crazier
General FictionChildhood sweet hearts sina King Japhia at Aswell. Mahal nila ang isa't isa, pero hindi ganoon kadali ang lahat. They have two kids, they love each other but the can never be together because Aswell thinks that it's not the time yet. Naiintindihan n...