Challenge # 14

60.5K 3K 555
                                    

Signal number 2

Japet's

"PET, si Elishua yata iyan oh."

Hindi pa kami nakalalapit sa bahay ay namataan na kaagad ni Aswell ang sasakyan ni Eli sa tapat ng bahay namin. Malamang kanina pa siya naghihintay dito. Hindi ko na kasi tiningnan iyong phone ko paggaling namin ni Aswell ng university. Hindi ko naman kasi ugaling mag-cellphone lalo na at magkasama kaming dalawa. Wala naman na akong ibang ite-text kaya bakit kailangan pa?

"Ano kayang ginagawa niya rito? May usapan kayo, Pet?"

"Hmm? Wala naman. Baka makikikain lang." I smiled at Aswell. Nakakaniti na siya pero sa mga mata niya ay naroon pa rin ang kalungkutan. Is she sad that she's cheating on me? Was that guilt? I hate to think that. I know that I have to talk to her about it, pero hindi pa ako handa. Sisiguraduhin ko na lang muna na hindi lalabas ang kagagahan ni Aswell. She deserves all the good things in life – maybe she has a valid reason for doing this.

Siguro nga ako na iyong pinakatanga pero hinding – hindi ko pakakawalan si Aswell. Akin siya.

"Pet, nag-text si Tatay kung pwede daw niyang hiramin iyong mga bata. Last Friday na ngayon na wala silang pasok, he wants the kids to sleep over, is it okay? He said na nagtext rin siya sa'yo."

Ni-park ko muna iyong kotse bago ko tiningnan ang phone ko. May text nga si Uncle Ido – at lahat ng sinabi ni Aswell ay nakasaad roon.

"Nakakagulat na nagpapaalam si Uncle sa akin." Bigla akong napangiti. Hinawakan ni Aswell ang kamay ko.

"Siyempre, Pet. Ikaw ang ama. Sabi ko naman sa'yo, once na maging okay na kayo, wala nang problema."

Kay Uncle. Pero sa'yo mayroon. I wanted to say that but I shut my mouth. Hinalikan ko si Aswell sa noo tapos ay sabay na kaming bumaba ng kotse. Sinalubong naman ako ni Eli. Tinanguan niya si Aswell tapos ay agad na umakbay sa akin. Magkasing – tangkad kaming dalawa, pero mas gwapo ako.

"Aseng pahiram muna sa kambal ko ha."

"Sige. Pet, anong gusto mong dinner?" She even asked me.

"Surprise me, Bi." I smiled. Hinatak na ako ni Eli palayo sa bahay na iyon. Nang tuluyan kaming makalayo ay tinulak ko siya saka pabirong sinuntok sa balikat.

"Have you confronted her?"

"Hindi ko gagawin iyon. Kung meron man akong dapat harapin iyong gagong – anong pangalan noon?"


"Xandro Marquez."

"Iyong putang inang iyon! Ang ordinaryo ng pangalan. Xandro Marquez – tang ina, ako KING JAPHIA SANDOVAL – pangalan ko pa lang ang gwapo na, mayaman pa!"

"Tang ina." Eli said. Nagulat ako nang sampalin niya ako, kahit na mahina lang iyon ay nagulat pa rin ako.

"Ano ba?"


"H'wag kang magpakatanga, Japhia. I've been there, it's not a good feeling."

"Is it Violet?"

"Yes. No matter what she says, it will never change the fact that she cheated on me. Iyong katotohanan na sumama siya noon kay Rigor kahit na kaming dalawa ang magkarelasyon, panloloko iyon. Kahit na alam ko pa iyon, panloloko pa rin iyon. Violet did that – even though I was ready to give her everything, ikaw pa kaya na ibinigay mo na ang lahat pero anong napala mo? Wala. Niloko ka pa rin. Niloloko ka, Japet pero nagpapakagago ka." Tumaas ang sulok ng bibig ni Eli habang nakatitig sa akin. "Ikaw lang ang inaalala ko."

CrazierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon