Tuli na
Japet's
KABANG – KABA ako. Nakatayo lang kasi si Uncle Ido sa harapan ko habang kunot na kunot ang noo niya. Alam kong may edad na siya, but hey, the man looked so fucking good – when he says he's the hottest man in the country – he says that because it's fucking true. Man, when I age, I hope that I look this fucking good.
I noticed that he took a deep breath. Ilang beses akong napalunok. Ilang beses rin akong napapikit tuwing gagalaw siya. Pakiramdam ko kasi bigla na lang niya akong bibigwasan. Kinakabahan ako. Tinitingnan ko nga kung may dala siyang baril pero mukhang wala naman kaya safe naman ako.
Gusto ko namang makauwi sa pamilya ko, gusto kong makasama sila. Hindi pa nga kami nagse-sex ni Aseng ngayong buwan eh. I get to have that only twice a month. Swerte na iyong bigla niyang maiisipang premyuhan ako, may premyo ako ngayon pero hindi ko pa na-claime. Kapag naging ayos lahat, mamayang madaling arawko ike-claim iyon.
"Pumasok ka. Sumunod ka sa akin." Malinaw na malinaw na wika niya. Nauna siyang pumasok sa loob. Ako naman ay nag-warm up muna – stretching, jogging on place, kaunting push up, kailangan ko iyon para gising ang muscles ko sa oras na bigla niyang maisipang sapakin ako o kaya man bugbugin basta. Tuso si Thaddeus Emilio. Sa magkakaibigan, siya ang pinakamahirap basahin. Kunsabagay, assassin ng apala siya noong araw, kaya dapat lang na kalkulado ang mga galaw niya.
Pumasok kami sa loob ng bahay nila. Akala ko sa living area lang kami pupunta para mag-usap pero dumiretso pa si Uncle doon sa may hallway sa may gilid ng living area. Alam ko iyon, minsan na akong nakapunta roon. May kwarto sa ilalim. Sound proof. Naroon lahat ng baril ni Uncle Ido. Minsan akong nakapasok doon na kasama si Daddy. Bata pa ako noon. Hindi ko pa nabubuntis si Aswell kaya bati pa kaming dalawa.
Tama ang hinala ko. Sinalubong ako ng mga estatanteng nakatayo loob ng silid na iyon. May laman ang mga iyong malalaking baril. Ang lakas ng kaba ko. Kung papatayin ako ni Uncle Ido ngayon, walang makakarinig at walang makakakita sa akin because he can make me disappear.
May table sa gitna ng silid na iyon. I stood there. Si Uncle ay nakatayo lang rin habang nakapamulsa. Nasisilaw ako – hindi sa ilaw kuni sa hitsura niya – oo, talagang gwapo siya at lalong nakalakas ng dating niya iyong tattoo sa dibdib niya.
He moved. I jumped. Napakunot lalo ang noo niya.
"Putang ina ka, anong problema mo?"
"Nag-iingat lang, Uncle. Hindi ko kasi naisip magdala ng bullet proof – tuladni Kuya Ollie noon." Nag-peace out ako. Lalo lang siyang nagalit – yata.Tumalikod siya at nagpunta doon sa may bar. May inilabas siyang alak tapos ay dalawang baso. Iyong bote ng alak ay may nakalagay na ahas sa loob. Inilapag niya iyon sa gitna ng mesa at nilagyan niya iyong dalawang baso. Ipina-slide niya iyong isang baso papunta sa akin.
"Inom." Utos niya.
"Baka naman po malason ako. May ahas."
"Iinom ka ba o pauuwiin na kita?!" He hissed. Wala akong nagawa. Gusto ko siyang kausapin kaya ininom ko nga. Gumihit sa lalamunan ko iyong lasa noong alak o kung anuman iyon. Hindi iyon tulad ng mga nainom ko na. Iba iyon, para bang sinusunog ang lalamunan ko."Ang sherep, Angkel." Wala sa loob na wika ko.
"Bakit ka nagpunta rito?" He asked. Ininom niya rin iyong nasa baso niya.
"Eh kasi..." Napalunok ako. How can I say this without triggering him? Mahal ko si Aswell, iginagalang ko ang desisyon niya pero sa tingin ko kailangan na kami naman ni Aswell ang pakinggan niya. "Uncle, gusto ko nang pakasalan si Aswell. Sa simbahan. Gusto kong hingin ang kamay niya sa inyo."
BINABASA MO ANG
Crazier
General FictionChildhood sweet hearts sina King Japhia at Aswell. Mahal nila ang isa't isa, pero hindi ganoon kadali ang lahat. They have two kids, they love each other but the can never be together because Aswell thinks that it's not the time yet. Naiintindihan n...