Epilogue

97.7K 3.3K 550
                                    

Something new


A year later...

Aswell's

Sobrang ganda ko.

Mangiyak – ngiyak ako habang nakaharap ako sa salamin nang araw na iyon. I am wearing my dram white dress; a veil and I am holding a bouquet of flowers. Kanina pa ako sinabihan ni Mommy na h'wag daw akong umiyak pero hindi ko naman mapigilan. Shit! Nakakaiyak talaga ang kagandahan ko.

"Stop crying!" Ate Rocheta was standing beside me. She was holding her own small bouquet of flowers. Ate was wearing a dress in the color of red wine. Ang ganda niya rin pero siyempre dahil kasal ko ito, ako ang mas maganda kaysa sa akin. For this time, ako ang pinakamagandang babae sa buong universe, mas pa ako kaysa kay Miss Universe. I tried controlling the tears, but I just can't.

"Napakaganda ko." I looked at Ate. She held my hand.

"Of course, we're Emilios. We are beautiful. Stop crying. You're gonna ruin your make up. Ano ka ba?! Nakakainis ka, naiiyak na rin ako." Nagpahid na rin ng luha si Ate Etang. We were standing in front of the mirror, crying while still admiring another one's beauty.

Maliban sa sobrang ganda ko, ay nakakaramdam ako ng sobrang kasiyahan. I never thought that this moment will come. I had always dream about this, finally marrying Japet Sandoval. Akala ko kasi aabutin pa kami ng sampung taon, o kapag dalaga at binate na ang mga anak namin, saka pa kami matatanggap ni Tatay but everything else in my world fall into their own places. Kinailangan ko lang talagang maghintay, at patunayan ang sarili ko sa kanya.

Nagawa ko naman. Sa October, ga-graduate na ako. Tsamba pa na with Latin honors ako. I remember crying after the dean talked to me. Ang akala ko nga may problema noon sa thesis ko, na baka hindi na ako ga-graduate pero nang sabihin ni Dean ang magandang balita, ay hindi ko napigilang umiyak. Umuwi ako agad sa bahay, kay Tatay para sabihin sa kanya ang nangyari and like me he cried too, he was to happy. I told Mom and then Japet, who is very proud of me that time. Naisip kong when it rains it really pours. Blessed na blessed ako. Bonus pa na maayos ang mga bata sa school, at finally, okay na si Daddy David at si Tatay. Hindi na sila parang mga bata na tuwing magkasama ay nagpaparinigan o nagbabangayan. They are very civil with each other, of course nandyan iyong panaka – nakang pambu-bully ni Tatay kay Uncle David but that's just how they work. They are friend, nag-aasaran lang pero hindi nagkakapikunan.

"Ano, bunso, ready ka na ba?" I wiped my tears again when I heard Kuya Narcing. Nakatayo na sila ni Kuya Dondon sa may pinto. Nakasuot sila ng kulay itm na suit and tie, naks, ang ga-gwapo rin ng mga kapatid ko, kahit na obvious na iyon, kailangan pa ring sabihin kasi baka may makalimot.

"Nasaan si Tatay?" I asked. Siya kasi ang maghahatid sa akin sa altar. Tumawa si Kuya Dondon.

"Pinatatahan ni Mommy. Sab inga namin ni Narcing mababawasan ang kagwpuhan niya kapag iyak siya nang iyak. Hindi naman daw siya umiiyak. Nag-exercise daw kasi ang mga mata niya.

Kinuha ni Ate Rocheta ang kamay ko pagkatapos ay pinahid ang mga luha ko.

"Buti na lang okay pa itong make – up mo. Let's go, Aswell, you are marrying the love of your life today, it's something to be excited about." Hinalikan niya pa ako sa pisngi pagkatapos ay sumama na kami kina Kuya palabas ng cottage.

I am going to have a beach wedding. I am excited. Si Caspian at Eli ang best man, si Ate Etang at Castel naman ang mga maid of honor at matron of honor ko. Siyempre sila Ate Blue at Ate Ganda ang mga bridesmaids ko.

Sobrang solemn lang ng kasal ko. We just invited over fifty to sixty people para sa reception, samantalang sa ceremony ay kaming pamilya lang.


I could see Japet habang papaakyat ako sa hagdan papunta sa paggaganapan ng kasal namin. Japet, Eli and Caspian were wearing matching purple suits, ganoon talaga, purple is the color of royalty and loyalty, iyon daw kasi ang rason kung bakit sa dami ng pagsubok naming dalawa ay hindi siya napagod at basta na lang sumuko. Alam na alam niya raw na kaming dalawa ang magkakatuluyan sa huli.

CrazierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon