Challenge # 04

72.5K 3K 681
                                    

Paano?

Paano?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Aswell's

"Mama bakit wala si Dada? Nagpunta ako kahapon sa house nila Daddy Lolo pero wala siya roon. Saan siya, Mama?"

Sinusuklayan ko si Castel nang araw na iyon. Off ko sa work kaya maghapon lang kaming magkakasama dito sa bahay. Si Tatay ay sinundo nila Kuya Narcing, pupunta yata sila sa firing range. Hindi niya pa rin ako kinakausap hanggang ngayon. Galit pa rin siya sa akin dahil sa ginawa kong pagsama kay Japet sa Morong, Bataan, he even had the gall the ask me if I am already pregnant – again. I felt so small, pero hinayaan ko na lang.

"Nasa work si Dada." Sabi ko sa kanya. "We will call him later. Baka busy pa siya ngayon." I smiled at her.


"Okay. Ay Ma, nakita ko na iyong magiging house natin. Maganda iyon."


Napakunot ang noo ko.

"Anong house?"

"Iyong house natin po."

"This is our house."

"Hindi po, Mama. May house tayo. Sabi ni Dada kapag okay na daw doon na tayo titira." Nakangiti ang anak ko. Ilang beses naman akong kumurap. "Lagi kami nagpupunta ni Dada roon, minsan nagpeplay kami sa backyard. May malaking tree doon lalagyan daw niya ng house." I fixed her hair.


"Really?" Naiiyak ako, sa totoo lang.

"Opo. Pero h'wag mong sabihin ha. Sabi kasi ni Dada sa amin ni Kuya, secret daw namin iyon. Bawal daw sabihin." She giggled. I shook my head and kissed her. Niyakap ko lamg siya at dinala na sa sala. Naroon sa bahay si Ate Etang at si Kuya Oliver. They are bonding wth Mama, nakisama na rin naman ako. Miss ko na rin si Ate. Sa sobrang busy ko hindi na kami nagba-bonding.

"Alam mo ba?" Ate Etang said. Titig na titig siya sa akin, seryoso siya kaya sumeryoso rin ako. Pakiramdam ko sobrang importante ng sasabihin niya soI had to listen closely.

"Ang ano, Ate?"


"Na... sobrang ganda ko. Jusko!"

Napatawa ako. I already know that. She rolled her eyes.

"Nakakapagod nang maging sobrang ganda. Tapos iyong asawa ko pa, palaging pinaaalalang maganda ko, na dyosa ko. Have you seen his Instagram?" Tumawa naman si Ate. "Balita ko nagbakasyon ka daw kasama si Japhia? Nag-sex kayo."


"Oo ate. Grabe ang sarap!" Napahagikgik ako. "Pero nag-iingat na kami. Nag-pi-pills ako."

"Bakit hindi ka pa sumama kay Japet?" Natigilan ako. "Alam ko madalas mong sabihing napapagod ka na. Bakit hindi ka pa sumama sa kanya?"

"Hindi pa pwede, Ate. Alam mo naman si Tatay diba?" Mahinang wika ko. She sighed.


"Pagod ka, Aseng, paano kung si Japet ang mapagod?"

CrazierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon