Challenge # 06

61.3K 3K 433
                                    

Dalawang Linggo

Aswell's

"Pet, kinakabahan ako. Tang ina."

Kanina pa kami naka-park sa tapat ng bahay namin. Maliwanag pa naman ang buong kabayahan pero hindi ako makababa kas inga ang lakas – lakas ng tibok ng puso ko.

"Anong gusto mong gawin? Mag-sex muna tayo para mawala iyang kaba mo, Bi." Binalingan ko si Japet. Pinanlakihan ko siya ng mga mata tapos ay sinabunutan. Malambing siyang umaray, may kasama pang tawa iyon. Jusko, napakalandi talaga ng lalaking ito, ang kapal ng mukha. Sa mga panlalandi niyang ganoon, bumaba ang panty ko noon. Tang ina talaga.


"Umayos ka nga! Palagi mo na lang sinisingit iyan! Nag-sex na tayo noong pinuntahan kita sa Mariveles ha!" I hissed at him.

"Luh, isang linggo na iyon. Tigang na ulit ako."

"Napakalibog mo!" Sinabuntan ko na naman siya. Umaray siya na parang humahalingling. Hinubad ko iyong sapatos ko at tinuktok sa ulo niya. "Pakyu ka ha." Huminga ako nang malalim, siya naman ay tatawa – tawa lang. Sinisilip ko iyong bahay namin at pilit na sinisipat si Tatay, kasi baka nasa paligid lang siya at baka sinisipat rin kami gamit iyong sniper niya tapos baka mamaya bigla na lang bumulagta si Japhia dito sa sasakyan namin – magkagulatan pa kaming dalawa.


"Pet, bababa na ba ako?"

"Ewan ko, Bi. Gusto mo ba? Hang out – hang out muna tayo dito. Pag-usapan natin ang first love mo – uy ako nga pala iyon." Pinanliitan ko siya ng mga mata. Ang gago, nag-peace sign pa.

"Bahala ka sa buhay mo." Huminga ako nang napakalalim at bumaba ng sasakyan. Sumunod naman si Japet sa akin. Dahan – dahan pa kaming naglalakad na dalawa papasok ng main gate. Kabadong – kabado ako. Nang maisara niya ang gate ay huminga na naman ako nang napakalalim.

"Okay, positive. Buhay pa ako. Ikaw, may tama ka ba?" Binalingan kong muli si Japhia at tiningnan kung may daplis na ba siya o kung nakabulagta na ba siya. Para akong nabunutan ng tinik nang makita ko siyang nakatayo pa rin. Ginagap ko ang kamay niya.

"Okay lang ako, Bi. Feeling mo ba mamamatay na ako? Mami-miss mo bur ko no." Piningot ko siya.

"H'wag ka nga ganyan." Napapadyak pa ako. Sa totoo lang natetensyon na ako. Gusto ko nan gang umiyak. Gusto kong awayin si Japhia dahil sinabi niya kay Tatay ang lahat – hindi pa naman dapat. Iyong reaksyon ni Tatay kanina ang ikinakatakot ko. Wala siyang sinabi, umalis lang siya.

Kahit kailan ay hindi pa naging ganoon si Tatay. Bungangero ang tatay ko. Palagi siyang may sagot sa lahat, palaging may pabara pero kanina, wala siyang sinabi.

"Sorry na, Bi. Pinapasaya lang kita." Japhia cupped my face. "Sorry kung nasabi ko, Bi. Mahal na mahal kita." He said.

"I love you too, Pet." He kissed my forehead. Kahit paano naman ay nawala ang kaba ko. Muli ay ginagap ko ang kamay niya at sabay kaming naglakad – medyo nauuna lang ako sa kanya kasi nga bahay naman namin ito. Hindi ko alam kung anong kahaharapin namin ni Japhia pagpasok sa bahay. Iba kasi talaga si Tatay kanina.

We entered the house. Naririnig ko na iyong tawanan noong mga anak ko. Si Castel ay kausap si Mommy, nasa living area lang sila.

"Dada..." Nagulat pa ako nang makita kong nakatayo pala si Caspian sa gilid noong into. Nag-bless siya sa Dada niya pagkatapos ay sa akin. "Kumain na po ba kayo?"

"Hindi pa, anak. Ikaw?" Si Japet lang ang nagsasalita. Hindi kasi ako makakibo dahil umiikot ang mga mata ko sa kabahayan. Hinahanap ko si Tatay.

"Nak, nasaan si Lolo Pogi?" Tanong ko kay Caspian.

CrazierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon