Challenge # 11

63.7K 2.6K 521
                                    

Tropical Depression

Japet's

"Talaga? Mag-get married na si Mama at Dada?"

Tuwang – tuwa ang mga anak ko nang sabihin ko sa kanila iyon. Ako rin ay masaya kahit na hindi pa rin malinaw sa alaala ko kung paanong nangyari iyon. Si Uncle Ido naman kasi, may pagsapak pang nalalaman. Ang natatandaan ko lang ay kung paano ako napunta roon – I was the one who came to him and asked him to talk to me pero hindi ko na gaanong matandaan kung ano ang naging usapan naming – pero kung anuman iyon, may pakiramdam naman akong naging maayos ang lahat. Nagawa ko na lahatnang dapat gawin sa harapan ni Uncle Ido nang hindi ako nababaril o pinabubugbog sa Hambog brothers.

"Oo anak, tapos ikaw ang flower girl. Si Kuya ang best man ko. Silang dalawa ni Ninong Eli. Siguro mga next year, anak. Bago mag full time intern si Mama." Inayos ko ang buhok ni Castel.

"Da, ibig sabihin dito na talaga tayo titira sa isang bahay." Caspian was smiling.

"Yes, Kuya. Aren't you happy?"

"I am, Dada. Hindi na ito basta panaginip na lang." He hugged me. Napabuntong – hininga naman ako. Lahat naman ito ginagawa para sa mga bata – para na rin kay Aswell, kahit hindi na para sa akin basta maging masaya lang silang tatlo ay solve na solve na ako. "Thanks, Dada. Masayang – masaya po ako." Sabi pa ni Caspian sa akin. Muntik na naman akong maiyak. Buti na lang ay napigilan ko.

"Sige na, Kuya, mag-sleep ka na. I'll put Castel to sleep too. Goodnight." I kissed his forehead. He just smiled. Tumayo na ako nang karga ko si Castel at saka pinatay ang ilaw. I stared at my son for a long time, thanking God for such a blessing.

Isinunod ko ang babae ko. Hindi naman nagtagal ng tatlong minuto ay knock out na iyong maliit. Matapos kong masigurong komportable siya ay pinuntahan ko na si Aswell sa kusina. Nagluluto siya ng pambaon bukas, napagpasyahan kasi naming mag-picnic sa Tagaytay nang kaming pamilya lang – para naman bago bumalik iyong mga bata sa school ay nagkaroon kami ng family trip.

"Pet!" Sigaw niya.

"Po?" Humarap siya sa akin.

"Gusto mo nitong macapuno? Ililigpit ko na kasi, baka nagugutom ka." I smiled. Agad kong hinapit si Aswell. Napahagikgik ang luka – luka. "Tama na ha. Baka ma-over eating ka na." She giggled again. I kissed her neck tapos ay kinuha ko ang hawak niyang sandok. I started swaying her around the kitchen.

I clearly remembered the day I realized that she is what I wanted. It was her Prom night. Hindi ako iyong date niya kundi si Kuya Don. Sumama lang ako kay Kuya Narcing na sumundo. Habang naghihintay kami sa may parking lot ng school, nakita ko si Aswell na patakbong papunta sa sasakyan habang tawa nang tawa. I was only twenty years old, but I already know what I wanted. It's her. And I know that it will always be her.

"Pet! Wala naman kayang tugtog." She kept on laughing. I cleared my throat...

You lift my feet off the ground.

I spinned her.

Spin me around... you make e crazier , crazier...

"Saan mo gustong ikasal? Sa St. Agustine o sa Manila Cathedral?"

"Sa St. Agustine. Doon kasi kinasal si Mommy."

"Done."

"Gusto ko sa Manila hotel iyong reception."

"Consider it done."

I smelled her hair.

"Pero... kahit hindi na doon, ang gusto ko lang naman ay makasama ka. Okay na ako roon."

CrazierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon