Challenge # 10

65.7K 2.9K 559
                                    

The calm before the storm


Aswell's

MASARAP sa pakiramdam na nagkausap kami ni Tatay. Pakiramdam ko nawala iyong masakit sa dibdib ko. Ang tagal kong hinintay iyong pagkakataon na ito na makapag-usap kami at masabi ko sa kanya ang totoo. Kahit na hindi ko pa rin maintindihan kung bakit siya ang nag-sorry sa akin samantalang ako naman ang may kasalanan. Thankful ako kasi sa tagal ng panahon, nakarating kami ni Japet dito, hindi madali pero nandito na kami and all along this is just what I wanted – what we both wanted – a chance to prove to everyone that we owned our mistakes and we are living for it.

"Nasaan ang mga apo ko?" Tanong ni Tatay.

"Iniwanan ko muna kay Eli, Tay. Hinahanap ko nga kasi ay--- putang ina! Hinahanap ko nga po pala si Japet! Tay!" Sigaw ko. He shook his hand. Ibinigay niya sa akin iyong key card doon sa man cave niya. Tumakbo agada ko sa lugar na iyon. Sa aming magkakapatid, ako lang ang pinapapasok ni Tatay roon kaya palagi akong niloloko nila Kuya na ako nga raw ang paborito ni Tatay dahil ako lang ang pinapayagan niyang sumama sa kanya roon – kahit si Mommy ay hindi naman isinasama ni Tatay roon.

I flicked the key card on that techie thing, bumukas iyong pinto tapos ay agad akong pumasok. Hindi ko agad nakita si Japet kaya umikot pa ako. I found him under the billard table na may kayakap pang baso. He was asleep. Mukhang matindi ang hang over niya. I really wanted to punch him but I didn't. I stood there looking at hi with so much love in his eyes. Masaya akong malaman na ginawa niya ito para maayos na ang lahat. Alam ko lahat ng paghihirap ni Japet. Alam ko rin na maraming beses na niyang ginustong sumuko pero nandito pa rin kaming dalawa.

Naupo ako sa sahig at makailang beses na hinaplos ang mukha ni Japet. Ang putang ina, walang kagalaw – galaw. Tulog na tulog pa rin.

"Pet..." Bulong ko. I was trying to wake him up para naman makauwi na kaming dalawa. Naghihintay si Eli at ang mga bata. "Gising na, Pet. Uuwi na tayo." Ayaw pa rin talaga niyang magising. Napabuntong hininga ako at saka sinampal siya nang tatlong beses hanggang sa bigla na lang siyang mapabalikwas nang bangon. Ang putang ina, naalimpungatan. Nagpapalinga – linga kahit na nakapikit pa at may sinasabing kung ano.

"Tang ina ninyo. Lumayo kayo sa akin. Mahal na mahal ko si Aswell. Siya lang ang gusto kong makasama. Mga putang ina ninyong lahat!"

I laughed and slapped him again until he was forced to open his eyes. Nakatulala lang siya habang tahimik na tahimik.

"Pet. Uwi na tayo." Wika ko sa kanya. He stared at me. Dahan-dahang napaawang ang mga labi niya pagkatapos ay atubili niya akong niyakap. Hinaplos – haplos ko ang likod niya.

"Bi, hindi ako nambabae! Wala akong ginagawang masama!"

"Alam ko. Tang inang ito." I was laughing again. Malamang hindi malinaw sa kanya kung nasaan siya dahil nga sa hang over. May pakiramdam ako na iyong ininom nila ni Tatay ay iyong special alak galing doon sa farm mismo. Malakas ang tama noon. Si Kuya Don nga dalawang araw lasing tapos si Kuya Oliver noon, nag- one on one sila ni Tatay bago iyong kasal nila ni Ate Etang, ang bayaw ko ay na-ospital. Buti nga si Japet, tulog lang.

CrazierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon