Challenge # 07

67.3K 2.8K 494
                                    

Talk

Aswell's

MAAGA akong gumising nang Linggong iyon dahil inempake ko ang mga damit ng mga bata. Usapan namin ni Japet na susunduin niya kami pagkatapos ng Sunday Mass. Tuwing Linggo kasi ay nagsisimba kami nila Tatay sa Divine Mercy Church dito mismo sa loob ng village. Madalasalin si Tatay – nakakatuwa nga iyon, kasi kahit palamura siya at may pagka balahura ang bibig, he always puts God in the center of this family. Hindi nga lang talaga halata. Naging tradisyon ng pamilya namin ang pagsisimba nang magkakasama. Mayamaya lang ay nandito na sila Kuya Narcing. Sila Ate Etang, sa simbahan na kami noon imi-meet. Samantalang si Kuya Don, kanina pa nandito. Mas excited pa siya kaysa kay Tatay mismo.

Matapos kong iempake ang mga damit nila Caspian ay ginising ko na silang dalawa. 9:30 ang misa. Kailangan nine am, bihis na sila. Ayaw na ayaw pa naman ni Mommy ang nahuhili sa simbahan. Nakakahiya kasi, tapos pinagtitingnan pa kami.

"Mama, diba, today is the day?!" Excited na wika ni Castel sa akin. Tumawa ako at saka hinaplos siya sa ulo.

"Oo, anak. Two weeks with Mama and Dada together. Gusto mo rin ba iyon?" Tanong ko sa kanya. Si Caspian ay nakatingin sa akin at ngiting – ngiti rin. Excited rin ang panganay namin – sabagay kahit ako rin. Bukas, magpa- file ako ng dalawang linggong leave sa office. Hindi pa ako kahit kailan nag-leave sa trabaho – kahit midterms at finals ko, pumapasok ako at nagbebenta ng condo. Kailangan kasi para rin naman iyon sa akin. Kaya sana, ma-approve agad ang leave ko. Gusto ko namang magpakananay at magpaka-asawa kay Japet kahit man lang dalawang linggo. He deserves that.

"Yes! Bonding with Dada and Mama!"

Binihisan ko si Castel. Si Caspian naman kasi ay marunong nang magbihis nang mag-isa. Ipinili ko na lang siya ng damit. I made Castel wore a red lacey dress. Preskong – presko ang cut noon at bagay na bagay sa kanya. Si Caspian naman ay may touch of red rin ang suot, kaya ganoon rin ang sinuot ko, para twinning kaming tatlo. I wore a red dress too, iyong casual lang, hanggang tuhod ko lang pagkatapos ay tinernuhan ko ng kaunting accessories lang.

Shit! Sobrang ganda ko talaga! Ako na talaga.

Forty – five minutes before nine ay natapos kaming mag-ayos na mag-iina. Bumaba na kaming tatlo. Naroon na si Uno at si Alas na naglalaro. Si Ate Ganda ay binabatayan silang dalawa. Natanaw ko si Kuya Don na kausap si Kuya Narcing sa may dining area, nagtatawanan iyong dalawa. Malamang sa malamang nagsasabihan lang sila kung sinong mas gwapo sa kanila. Bahala sila sa buhay nilang dalawa.

"Aswell." Napatatda ako nang marinig ko ang boses ni Tatay. Tiningnan ko siya. Pababa siya ng hagdan at bihis na rin. Ang gwapo pa rin talaga ng Tatay ko kahit may edad na siya. Hanggang ngayon nga ay pinagkakaguluhan pa rin siya ng mga babae kaya si Mommy, hindi pa rin siya napapakali but my father has his eyes only for my mother and for that, I salute him kasi nga wala siyang ibang tiningnang babae kundi si Mommy. He gave all his life to her and made sure that he met all his needs. And that is very sweet.

"Lolo ang pogi- pogi mo naman! Sobrang hot mo!" Sigaw ni Castel. Ngumiti si Tatay tapos ay tumawa nang napakalakas.

"Apo, tell Lolo something that he doesn't already know! Ako nga ang number one hottest man in the country diba?!"

"Opo! At pinakamabait pa! I love you Lolo Pogi!" Ay kasama pang kiss iyong pang – uutong iyon ng bunso ko. Tuwang – tuwa na naman si Tatay. Siyempre, flattered ang Lolo.

"Aswell..." Muling tawag niya sa akin.

"Po? Bakit po, Tay?"

"Anong oras kayo susundin ni Japet?" Seryosong tanong niya. Tuwing si Japet naman ang pinag-uusapan ay seryoso siya. Sanay na akong ganoon ang mukha niya, iyong para bang galit na hindi maintindihan. Kay Japet lang naman siya ganoon. Sabagay kay Kuya Ollie rin noon, naalala ko nga na halos patayin niya na si Kuya Ollie noon.

CrazierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon